Chapter Two

9 2 0
                                    

"Okay ka lang ba?"

Hindi ko ma mabilang kung ilang beses na akong tinanong ni Vienna niyan. Basta sa tuwing tinatanong niya yan ay tumatango lang ako. Hindi na lang ako nagsasalita o nageexplain kung ano ang nararamdaman ko.

Baka kasi sa sobrang sama ng loob ko ay magmukha akong pathetic dito. Two tables away, naroon ang ex kong si Kristopher. Kasama nito ang magandang asawa. Kasalukuyan silang nagtatawanan. Ang saya-saya nila together.

Obvious na obvious na match made in heaven silang dalawa.

Ang sakit lang sa puso kasi siya ang iniisip ko dati na lalaking para sa akin.

Kami ang match made in heaven. Siya ang blessing na hiniling ko kay Lord. Na kaya Kristo ang pangalan niya ay dahil siya ang pinadala ni Lord sa akin. Noong 17 taong gulang palang siya at ako ay nasa edad 18 no'n, inlove na inlove kami sa isa't isa.

He even promised me forever.

We broke up because I think he needed space. And he promised me to come back in my life. He said he will love me again.

So this is the reunion I've been waiting for all these years.

Ang makita siya kasama ang asawa niya. May pamilya na pala si Kristopher. May anak na siya. Dalawa.

Kanina na kinakausap niya ako ay pineke ko lang ang reaksiyon ko. Pinakita ko na natutuwa ako sa mga nangyari sa kaniya. Kahit na... ang sakit sa loob.

Alam ko naman na dapat maging maluwag nalang sa loob ko. Madaming taon na ang nakalipas. You can't expect everything is gonna be the same, self! You're such a fool!

Kahit naman madaming taon na ang nakalipas. Hindi naman nawaglit sa isip ko si Kristopher. Ang totoo kaya epic fail ang mga naging date ko sa nakalipas na taon, dahil lahat ng mga nakikilala ko ay kino-compare ko sa kaniya. Mas higit ba ito kaysa kay Kris o hindi. Hindi rin nawawala ang paniniwala na balang araw ay magrereunite kami ni Kris at madadama namin ang pagmamahal sa isa't isa.

Gaya noong kolehiyo pa kami.

Kung tutuusin sa relasyon namin noon, siya ang masama eh.

Nabalitaan ko kasi na pagkatapos niyang makipag-break sa akin, nanligaw siya sa crush niya na classmate niya. Kaya napadali ang paglimot ko sa kaniya no'n dahil sa nalaman ko na iyon. Nangibabaw ang galit.

Wala naman akong ginawang masama.

Minahal ko siya ng sobra noon. Nasaktan ako. Niloko ako.

Habang pinagbabawalan niya ako na magkagusto sa kahit kanino, kahit nga Korean idol na ni hindi nga alam na nag-eexist ako sa mundo, siya pala 'tong nagkakagusto sa kaklase niya without letting me know.

I felt betrayed.

Pambihirang pag-ibig 'yan!

Ako na nga ang talo sa amin. Ako na nga ang nasaktan, niloko, luhaan. Ako pa ang miserable hanggang ngayon.

Si Kristopher natagpuan na ang babaeng para sa kaniya. Samantalang ako.. parang Juan tamad lang na naghihintay na mahulog ang bayabas sa puno. Naghihintay ng himala. Naghihintay na kumilos si kupido na pumana ng puso ng lalaking laan para sa akin.

Pero hindi naman ako tamad maghanap. Nakipagdate naman ako. I've met a lot of guys over the years. Subalit wala akong napala.

"Okay ka pa ba talaga? Lia?" si Vienna pa din ang nagtatanong niyan. 'Yung iba kong kasamahan ay busy na sa dance floor.

Nanalo ang team namin sa isang competition sa office. Binigyan kami ng 20k ng aming butihing supervisor bilang prize. Kaya naman nagwawalwal kami sa bar na 'to. Masaya naman ako kanina bago kami pumunta dito. Excited ako kasi ngayon lang uli ako makakapunta sa bar. Hindi ko inexpect na makikita ko dito ang first boyfriend ko. Nung nakita ko siya kanina, well it brought a lot of memories. Memories of a young love. Bittersweet.

"Oo okay lang ako. Tama na ang kakatanong!" Medyo naiinis ko ng sabi kay Vienna. Hindi ko expect na magpapakita ng concern sa akin ang babaeng ito. Palibhasa pinagbabawalan ng boyfriend na kausap nito sa videocall na magjoin sa dance floor. Kaya nandito sinasamahan ako sa sulok.

"Eh bakit umiiyak ka na diyan? At saka naparami na inom mo ah. Hindi ka ba nahihilo?"

Umiiyak daw?
Kinapa ko ang pisngi ko. Basa nga.
Paanong umiiyak ako ng hindi ako aware? Hindi ba dapat nararamdaman ko na 'yun?

"Hindi pa naman ako nahihilo." I lied. Medyo nagdadalawa na nga ang tao sa paningin ko.

"Alak na alak ka ah. Alam mo sumayaw ka nalang doon sa dance floor para maniwala akong hindi ka nahihilo." ani Vienna na pulang pula ang labi. She still looked pretty though. Siguro kapag ako ang may lipstick na pulang pula sa labi, mukha akong wifey ni Mc Donald.

Tumayo ako sa kinauupuan at pasuray suray na humakbang.

"I'll show you how to dance. Watch me. Just watch me."

Tuloy tuloy akong humakbang papunta sa dance floor habang nageekis ekis ang mga binti. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko na sumayaw na parang tanga sa gitna ng madaming tao. Aliw na aliw siguro sila sa crazy dance ko kasi pang-baliw naman talaga ang galaw ko. Napansin ko pa nga 'yung iba na vinivideohan pa ako. Pero wala akong paki.

Wala akong paki kung nandito si Kris na kasama ang asawa niya.

Salamat alak sa lakas ng loob, sa carefree na pakiramdam.

Nang nagsawa na ako kakasayaw ay bumalik ako sa pwesto ko kanina.

Tawa ng tawa si Vienna habang ginagaya ang ilan kong moves kanina sa dance floor. Wala na lang akong paki kasi nahihilo na ako.

"Uuwi na ako. Pakisabi na lang kila boss ha." paalam ko kay Vienna.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at agad na tinahak ang pinto palabas ng bar.

There Was You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon