Chapter Seven

8 1 0
                                    

Hindi ko nakita si Angelus sa buong maghapon. Nasa loob ako ng malaking mansiyon na walang katao-tao.

Except sa isang security guard na nakabantay sa labas ng gate.

Sinubukan kong kausapin ang manong subalit pinagsabihan ata ni Angelus na 'wag akong i-entertain kaya tikom ang bibig nito.

Parang nakipag-usap lang ako sa bato dahil kahit anong gawin ko ay ayaw magsalita nito.

Wala ring malalapit na kabahayan sa labas. Remote area nga talaga ang lugar na ito. Nasa isang isla ako na hindi ko alam kung saang lupalop ng Pilipinas. Maganda ang view sa labas subalit hindi ko ma-enjoy dahil clueless ako sa lugar kung nasaan ako.

Kaya bigo akong pumasok sa mansiyon at ni-raid ang ref ni Angelus. Puro masasarap naman na snacks at chocolate bars kaya nalibang ako kakakain. May bolognese pasta din na nakalagay sa container at may sticky note doon si Angelus na ipainit ko iyon sa oven.

May ilan ding mga drinks doon. Ininit ko ang pasta sa oven at kumain. Pumasok ako sa theatre room ni Angelus. Nanuod ako ng ilang movies sa malaking TV at nag relax.

Sinubukan kong gamitin ang PC na nakapuwesto sa mini library pero dahil hindi ko naman ma-access kasi nag-rerequire ng password na si Angelus lang ang may alam kaya hindi ko rin nagamit.

Hindi ko rin mahanap ang shoulder bag ko kung saan naroon ang cellphone ko para sana may magrescue sa akin dito. Kaso mahihirapan din ako magpa-rescue lalo na hindi ko naman alam kung nasaang lupalop ng Pilipinas ako.

Panay rin ang labas ko para mag enjoy sa view kaso hindi naman din ako makatagal sa labas kasi nakakaramdam ako ng lamig.

Hangga't maaari ay ayokong isipin ang mga pinag-usapan namin kanina ni Angelus bago siya umalis.

Isang malaking kahibangan kung maniniwala ako sa mga sinabi niya. It couldn't be possible.

Sa pagkainip ko kakahintay kay Angelus ay hindi ko namalayang dinalaw ako ng antok at nakatulog sa sofa.

Pagmulat ko ng mga mata ay nakita kong nakaupo si Angelus sa katapat na upuan. It seems like he's watching me sleep. Naconcious ako bigla. 'Buti nalang hindi ako naglaway.

"Alam mo ang bastos mo din 'no? How dare you watch me sleeping here." agad kong nasabi. Paano kung na-realize niya bigla na ang pangit ko lalo na kapag tulog? Hindi man lang ako aware na nanunuod pala siya sa akin.

And wait.. he looked so serious. Nakasuot pa siya ng corporate attire. Black americana suit. Gaya ng suot niya kagabi.

"Galing ka sa work mo?" tanong ko. Tumango naman si Angelus. "Hmm.. speaking of work, anong trabaho mo? For sure isa kang executive director ng sikat na company sa 'Pinas." tuloy-tuloy na pagdaldal ko. Ewan ko. Nagugulat nalang talaga ako sa sarili ko. Ang seryoso niya kasi masyado. Parang tamad na tamad magsalita. Para bang pagod siya.

"I am the CEO and president of De Croix Mineral Resources International." walang emosyon na sagot niya sa tanong ko. Alam ko namang mayaman si Angelus pero nakakagulat pa rin malaman na bigatin siyang tao.

Nahiya ako bigla. Isa lang kasi akong Junior graphic artist sa isang kumpanya sa Ortigas. Ni hindi pa ganoon kakilala ang pangalan ng kumpanyang pinapasukan k

"I just assigned some tasks to my people in the office earlier para wala na akong iintindihin sa mga susunod na araw. I don't want to get disturbed while I'm spending time with you."

"Do you still want to go home? Do you want to go back to your usual routine?" tanong ni Angelus.

Bigla akong napaisip sa tanong niya. Gugustuhin ko pa rin bang bumalik sa usual kong routine? Papasok sa office, matatambakan ng trabaho, makikinig sa makulay na lovelife ni Vienna at pag-uwi ng bahay ay matutulog. Paulit-ulit na routine. Napaka-monotonous.

Simula kagabi na nakilala ko si Angelus. Pinigilan niya akong kitilin ang buhay ko. Dinala niya ako sa mansiyon na ito. Sa lugar na malayong-malayo sa kabihasnan. Isang magandang lugar para mag-unwind.

Pero iyon nga, sa madaling salita ay kinidnap lang talaga ako ng lalaki na ito para dalhin ako dito.

"Kung sasabihin mo bang yes, ihahatid mo ba ako pauwi sa amin?"

Bahagyang ngumisi si Angelus sa sinabi ko.

"I won't. Like what I've said, you're gonna stay here whether you like it or not. You will fall in love with me eventually. All we need is time." punong-puno ng determinasyon ang mga mata niya.

"Why are you saying that? Ikaw ba in love sa akin? Hindi 'di ba? You can't expect me to love you that easily." Okay, so hanggang sabi lang 'yon. Sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa kaniya eh ang pogi pogi niya at mayaman pa. He seemed nice and gentleman pa nga. Pero siyempre hindi ko pwedeng ipahalata na package deal siya. Mamaya kasi jinojoke time niya lang ako.

I mean.. 'etong guwapo at mayamang lalaki na ito ay gustong ma-inlove ako? Ano 'to? Teleserye na malabo ang storyline? O baka naman reality TV show ito or 24-hr jowa challenge na vlog kaya?

In any way, I don't want to participate. I don't want my commoner face to get exposed in public.

"I'm confident you will fall for me too."

"Ibig sabihin in love ka sa akin? Hah! Boy, just so you know.." Gusto ko sanang sabihin na kakakilala niya lang sa akin kagabi pero naalala ko din bigla na nagtaka ako kasi kilala niya ako.

He knew my name. He knew me.

"Paano mo pala ako nakilala? Kasi ako, kagabi lang talaga kita nakita."

Umiling-iling si Angelus. "I've known you since you were 8 years old, Elia. I've watched you grow and become a lady from a far."

Bigla akong natahimik. Pilit kong dina-digest sa utak ang mga sinabi niya.

Pag-angat ko ng tingin ay nakita kong nakangiti siya habang nakatitig sa akin na para bang naaaliw siya sa kung anuman iyon. Weird.

"I remember the first time I met you, we were at the park. It was year 2006. When we were both kids. You held my hand and told me I looked like the boy in your dreams."

As if on cue, may bigla akong naalalang mestizong bata na kempee ang buhok na nakasuot ng stripes na black and white noon...

There Was You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon