Prologue

32 2 0
                                    

Eleanor was totally heartbroken that night.

Wasted and lost.

She wanted to scream maybe it can lessen the pain she's feeling inside. But the place is so dark and quiet.

Noong sandaling iyon wala na siyang pakialam kung may tao mang magsamantala sa kaniya doon dahil lasing siya at pasuray suray sa daan.

Ang alam niya lang ay nasasaktan siya. Masyado ng mapanakit ang mundo at dumagdag pa ang nakita niya kanina.

Galing siya sa inuman kasama ang mga officemates niya at doon ay nakita niya ang dati niyang nobyo na nangako sa kaniya na babalik sa buhay niya at papakasalan siya sa edad na 28 years old. Subalit mukhang hindi na mangyayari ang pangako nito dahil nalaman niya na ang kasama nito sa bar na iyon ay siyang asawa nito. Nakuwento pa nito sa kaniya kanina na may dalawa na itong anak.

He has a family now. Samantalang siya ay single, available and broke.

Alam niya naman na dapat ay nagmove-on nalang siya. Dahil binatilyo pa ito noong sinabi nito ang pangako na iyon. Pero malaking parte sa loob niya ang naniwala na tutuparin nito ang pangako. Masyado nga siyang hibang sa mga istorya na napapanuod at nababasa na babalik ang mga ex-lover. Well that was fiction but this is her real life.

Real life na may pamilya na ang dating nobyo. At inasahan nito na may ipapakilala din siyang pamilya dito. Kaso ni boyfriend nga ay wala siya. Kaya nginitian niya na lang ito at sinabing..

"I am a career woman. For now, I don't need a man. I could easily find one if I want to."

Siyempre ay isang malaking kalokohan ang huli niyang sinabi. Gusto niya lang ipaalam dito na hindi siya kaawa-awa. Ayaw niya ring gaanong tingnan ang magandang asawa nito.

All these years, she tried to move on. She tried to forget him.

Hindi siya 'yong tipo na ligawin dahil sa  tuwing magkakaroon ng interaction sa mga lalaki ay naiilang siya. Gayunman ay tinutulungan siya ng mga kaibigan niya sa office at ng pinsan niya na kumilala ng binata na siyang makaka-date niya.

She met a lot of guys over the past years.

Subalit marahil ay totoo ang sinasabi nilang choosy siya. Wala siyang nararamdamang kilig sa mga nakilala niya. Marahil ay naging sanay na siya sa pakiramdam dahil naging lifestyle niya na iyon. Ang kumilala ng bagong lalaki tuwing gusto niyang makipag-date. Wala man lang sa mga ito ang nagparamdam sa kaniya ng excitement. Masyado ding negatibo ang pag-iisip niya dahil tingin niya ay manloloko ang karamihan sa mga ito. Iyon bang kung hahayaan niyang maging bahagi ng buhay niya ang tao at magiging committed siya doon  bigla niya nalang malalaman na niloloko pala siya.

Totoo kayang may soulmate siya?

O baka wala talaga.

Wala nga yata talaga.

She felt so alone and lonely.

The world is quiet. Wala man lang may pakialam o nag-aalala sa kaniya.

Hindi man lang siya tinatawagan ng pinsan niya na siyang kasama niyang naninirahan sa condo. Dis -oras na ng gabi at hindi pa siya nakakauwi. Hindi man lang ito nag-abalang tawagan siya para alamin kung nasaan siya. Ganoon din ang kuya niya, malamang ay busy ito sa trabaho. Ang mga magulang niya na nasa probinsya na madalang nalang tumawag dahil nalibang masyado sa pamangkin niya na anak ng kuya niya.

Nobody in the world is concerned about her. Kahit pala mamatay siya sa madilim na lugar na ito ay walang makakaalam. She had no one. And it's really heartbreaking.

Nanawa na siya kakaiyak sa loob ng taxi kanina subalit mukhang hindi pa tapos ang serye ng pag-iiyak niya. May isa nanamang batch ng luha ang kumawala sa mga mata niya.

Para siyang batang nag-iiyak sa gitna ng daan. Ang lakas ng panaghoy niya at wala siyang pakialam kung hindi man siya nag-iisa sa lugar na iyon.

Kung may makarinig ng pag-iiyak niya, ano naman?

Kung may taong manghahablot sa kaniya at gahasain siya pag'tapos ay papatayin siya at ihuhulog sa tulay, ano naman?

Tama...

Pasuray suray ang lakad na nagpunta siya sa tulay at tumingin sa ibaba.

Kung tatalon siya ay siguradong mamamatay siya sa pagkalunod dahil mukhang malalim ang ilog.
Easiest way to escape this depressing life.

Ang lalabas na issue ay suicide. Atleast there's no suspect to blame.

Wala sa tamang pag-iisip na itinaas niya ang paa paakyat sa railing ng tulay. Masyadong manipis ang railing no'n kaya hindi na siya makakatayo doon. Diretso na sa ilog ang bagsak niya.

"Hey!"

Natigagal siya sa pagkagulat mula sa malakas na sigaw na iyon galing sa kung sinuman. Natigil siya sa pag-akyat sa railing at nilingon ang istorbong tao.

Isang matangkad na lalaking nakasuot ng black americana suit ang nakita niyang tumatakbo papalapit sa kaniya. Mestizo ito at nangingibabaw sa madilim na lugar na iyon.

Hindi niya na gaanong makita ang hitsura nito dahil sa nanlalabo niyang paningin dulot ng luha na patuloy na umaagos sa mata niya.

Who the eff is this guy?

Nang nakalapit na ang lalaki sa kaniya ay nalaman niya na talagang matangkad ito dahil hanggang dibdib lang siya nito.

He looks intimidating but she didn't care.

Sa pagkabigla niya ay hinawakan nito ang braso niya. Pilit naman siyang pinapalis ang mahigpit na pagkahawak nito. Nasasaktan siya.

"Ano ba?! Let go of me! 'Wag mo ako pakialaman. This is not your life. You have no right!" naiinis niyang sabi dito.

"I care about your life! I care a lot about you.. so please, Lia. Don't do this." there is a tenderness in his voice that makes her heart skip a beat.

Tinigil niya ang pagpupumiglas sa kamay nito na nakahawak sa braso niya.

This man knows her name.

How is that possible?

Kinusot niya ang mga mata para makita ng malinaw ang lalaki sa harapan niya.

She saw a pair of beautiful dark eyes that were staring intensely at her.

Lia couldn't believed that she saw recognition in his eyes.

It seems like this man must have known her for a long time.

But how's that possible when this is the first time she saw him?

He's a total stranger. Ngayon niya lang ito nakita.

Bakit siya kilala nito?

There Was You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon