Chapter Five

9 0 0
                                    

Pagkatapos kong enjoyin ang hot shower ay kinuha ko sa closet ng kwarto 'yung ilang damit na tinukoy ni Angelus kanina. Gumaan ang pakiramdam ko sa pagligo sa shower.

Mayroong limang tshirts ang nandoon sa closet. Kulay pastel ang mga iyon. May mga shorts din at pajama na uni-sex naman. Napagpasyahan kong kunin 'yong light blue shirt at cotton na pajama.

Bago isuot ang tshirt ay pasimple kong inamoy 'yun. Napangiti ako sa bango ng tshirt.

Ganito pala ang amoy niya ha.

Paglabas ko ng kuwarto ay nakita kong isang masarap na omelette at fried rice ang niluto ni Angelus.

Nakalapag na sa dining table ang mga pagkain. Dahil sa gutom ay mabilis ko iyong naubos.

Pagkatapos ay ininom ko na ang gamot sa sakit ng ulo.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ng umeepekto ang gamot. Nababawasan na ang sakit ng ulo ko.

Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng bahay.

Malaki at magarbo ang sala. Mayroong grand staircase sa gitna. Mayroong mga mala-renaissance period na paintings ang nakadisplay sa bawat corner ng pader. May mga ilan ding gamit na sa palagay ko ay mamahalin. Gaya ng iilang antiques na kagamitan at mga appliances.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng bahay.

Paglabas ko ng pinto ay nalaman kong nasa gitna pala talaga ng burol ang mala-mansiyon na bahay ni Angelus. Everything is green. Mula sa damong kinatatapakan ko hanggang sa ilang matatayog na puno sa labas ng gate. Mayroon ding iba't ibang klase ng bulaklak sa hardin.

Dahil nasa mataas na lugar ay kitang-kita ang kabuuan ng buong isla. Overlooking ang view. Isang malawak na kulay asul na karagatan ang matatanaw.

Natatanaw ko rin kung saang parte ng kaulapan ang maaraw at makulimlim. Nakakalula sa kagandahan ang buong paligid.

Is this what you call paradise?

Kasi parang sa isang iglap, nalulunod ang pakiramdam ko sa hindi ko mawaring dahilan. Parang gusto kong maiyak sa overwhelming na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit.

Sa katunayan ay namumuo na nga ang luha sa gilid ng mata ko.

Hindi ko maipaliwanag ng eksakto bakit ganito ang nararamdaman ko.

Dahil ba sobrang taas ng lugar na kinaroroonan ko ngayon o dahil ito sa kalungkutan? O di kaya dahil nasa estrangherong lugar ako kasama ang isang guwapong estranghero na ni hindi ko alam kung tao ba o engkanto?

Ewan ko.

"Payag ka ba na maging reyna ng kaharian na ito?" Isang malalim na boses ng lalaki ang narinig ko kaya naputol ang kung anumang iniisip ko. Nilingon ko kung sino iyon.

It's no other than Angelus himself smiling from ear to ear.

Tingin ko nag-isang linya na ang kilay ko sa pagkakasalubong dahil sa pagtataka.

"You're speaking tagalog. So do you know.. ay! I mean, 'ayun nga.. nakakapagsalita ka naman pala ng tagalog. Hindi mo naman sinabi sa akin agad. And I didn't quite catch what you just said."

Humalakhak si Angelus na para bang nagtanong ako kung square ba ang buwan.

He's walking towards me. And to my surprise he hugged me from behind. Nagulat ako as in literal. Naipit pa yata ang ugat ko sa leeg. Hindi man lang aware ang lalaking ito sa ginawa niyang pang-gulat sa akin.

Nang pakawalan niya ako mula sa mahigpit na pagkakayakap ay pinihit niya ako paharap sa kaniya.

Oh my god!

He's the most handsome guy I've ever met in my 27 years of existence. I swear!

Nauunawaan ko na ang mga sinasabi sa pocketbook na nabasa ko noon.

Mapapasabi ka nalang talaga ng handsome is understatement to describe this man.

Napaka ganda ng mga mata niya. Kung kagabi ay itim na itim ang kulay no'n ngayon ay may pagka-brown ang kulay.

Not to mention that he is so flawless like 100%. Parang balat ng baby. Kahit siguro magtatakbo siya buong maghapon ay fresh na fresh pa rin ang look niya.

Even though, he speaks tagalog I'm pretty sure he still has a foreign blood. I mean.. it's obvious on his physical features.

Gusto kong kiligin pero hindi pa rin maalis sa akin ang mga katanungan sa isip.

Kailangan ko iyon ma-confirm para hindi ako mukhang tanga dito. Maliban siyempre sa nilinaw niya na kaninang wala siyang balak na masama sa akin.

At ang pinaka-unang tanong na gusto kong itanong ay..

"Nasa biringan ba ako? Engkanto ka noh? Hindi ako kakain ng black rice. Hindi ako mauuto ng ilusyon na ito. Tama. Isa ka lang ilusyon. Paano naman kasi mangyayaring may mukhang foreigner na lalaki na hahawak ng kamay ko at yayakapin ako 'di ba? Gusto ko ng bumalik sa totoong mundo ng totoong tao. Take me back. Please."

Okay so that was supposed to be a question. Where the heck did those ideas come from? Pero hindi nga, nasa biringan ba talaga ako?

Hays. Kakabasa ko 'to ng spookify eh.

Napangiti si Angelus sa sinabi ko. Nilabas niya ang cellphone sa bulsa. Hindi na ako nagtaka na afford niya ang isang iPhone 15 pro max na pinaka latest ng Apple.

"Meron bang engkanto na mayroong Facebook account?" Sabi niya na pinakita pa talaga sa akin ang facebook profile niya na mayroong profile picture na candid shot niya na naga-ice skiing sa isang nagiisnow na lugar. Somewhere in Alaska siguro o sa Manitoba, Canada. Ewan ko kung saan.

Natawa pa ako sa nabasa kong pangalan niya sa FB. Angel Luz. Parang pangalan ng babae.

"Seryoso? Yan ka talaga sa Facebook world?" hindi ako makapaniwala. Kahit hindi niya iscroll down ay alam ko na sobrang private ng account. Siguro kung iistalk ko 'yon, walang gaanong pictures doon or information sa kaniya. Baka nga wala rin ako makikitang mga shared post doon eh.

"Oo. I have to keep myself private as much as possible sa social media. However, if ever you're gonna search my name on Google, you'd find some articles about me and our company. By that being said, I'm a real person. Hindi ako engkanto. Hindi tayo nasa enchanted world."

Tumango ako. Okay so hindi siya engkanto. Totoo pala talaga siyang tao.

If this is real, if what's happening now is real.. then I would freak out! Why? Because this is too good to be true.

Parang isang pangyayari sa isang fictional na movie o book.

Kagabi nagtangka akong ihulog sarili ko sa tulay dulot ng lungkot at kalasingan. He just came out of nowhere. I just realized now that I was being followed by a stalker. He's a stalker. He caught me attempting to kill myself. Then he stopped me from jumping off the bridge.

Sapilitan niya akong binuhat patungo sa sasakyan niya. Kahit nag-iiyak ako ay wala siyang pakialam.

Oh my.. this Angelus guy kidnapped me. Naalala ko kaya ako nawalan ng malay sa loob ng sasakyan niya dahil may panyo siyang ipinantakip sa ilong ko.

And he brought me to this place.

I should.. freak out, right?

Matatakot na dapat ako pero malaking parte sa akin ang nagsasabing hindi ko dapat maramdaman ang takot.

Hindi naman kasi mukhang masamang tao si Angelus. Sa katunayan ay bagay na bagay sa mukha niya ang pangalan. He really looked like an angel in heaven. He just happened to be a handsome guy. At marupok ang puso ko para hindi maappreciate ang physical looks at kindneas niya. Kahit stalker pa siya o kidnapper.

There Was You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon