Chapter Ten

8 0 0
                                    

HALOS hindi ko namalayan ang paglipas ng mga oras habang kasama ko si Angelo. Ganoon pala kapag masaya ka, mabilis lilipas ang oras.

Kakalabas lang namin sa ice cream parlor nung napansin naming madilim na sa labas. Gabi na pala. Bigla kong naalala ang mga magulang ko. Baka uuwi na kami. Nakaramdam ako ng pagkabahala. Baka maiwan nila ako dito o kaya hanap-hanapin ako. Tiyak na papagalitan ako ng nanay ko.

"Why are we walking so fast?" tanong ni Angelo. Hawak ko ang kamay niya at ako ang naglelead ng lakad na tila ba kabisado ko ang daang tinatahak namin.

"Baka hinahanap na ako ng nanay ko." Nag-aalalang sagot ko naman. Mas lalo ko pang kinakabahala na baka kapag nakita ako ng nanay ko ay paluin ako at makikita iyon ni Angelo. Huwag sana.

"You mean.. uuwi kayo ngayong gabi na? Akala ko magbabakasyon kayo dito." Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya.

Nilingon ko si Angelo. Nawala ang saya sa mukha nito na tila hindi 'yon maipinta.

Maski ako ay nakakaramdam din ng lungkot.

Ngayon palang ay alam kong mamimiss ko siya ng sobra sobra. Hindi ko alam kung kailan ko siya puwedeng makita ulit. Kung pwede nga lang ay dalhin ko na siya pauwi sa Marikina.

Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. Sinalubong ang malungkot at magaganda niyang mga mata.

"I love you Angelo." Diretsong pag-amin ko. Alam kong bata pa ako at bawal mag-boyfriend pero iyon ang gusto kong sabihin sakaniya. Iyon ang nararamdaman ko. I love him!

Agad na nagliwanag ang ekspresyon sa mukha ni Angelo at napangiti.

"I love you too, Elia." He leaned towards me and cupped my face. And before I could even react, he's kissing my lips.

It was a young, sweet and innocent kiss. The memories of my first sweet kiss.

If there's one particular moment that I wish I could only turn back time, this is definitely it.

Halos hindi ko gustong humiwalay no'ng gabing iyon kay Angelo. Subalit nakita ako ng kuya ko at sobrang hiyang-hiya ako. Lalo na tinakot pa ako ng walanjo kong kuya na isusumbong niya sa mga magulang namin na nakikipag-kiss ako sa rich boy na taga Alabang daw.

Gaya ng inaasahan, sobra-sobra kong namiss si Angelo. Hindi pa uso ang cellphone noong panahon na iyon. At mahirap lang kami para magkaroon ako ng sarili kong cellphone.

Taong 2010 na nung nagkaroon ako ng sarili kong Nokia na cellphone na may camera. Subalit hindi pa rin ako ganoon kasaya dahil hindi ko naman maka-text ang lalaking gusto kong makausap at makita ulit. Kahit na noong nauso pa ang Friendster at Facebook nang lumaon. Nagsulputan ang mga social media platforms. Hindi ko naman mahanap sa mga iyon ang first love kong kempee, mestizo na richboy from Alabang. Ang alam ko lang na pangalan niya ay Angelo. Hindi ko alam ang apelyido niya.

Kahit na paglipas ng ilang taon na bumalik kami sa Alabang at bumisita uli sa tiyuhin namin ay hindi ko na nakita uli si Angelo. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko noon. Para akong naghihintay sa wala. Para akong nabigo sa pag-ibig at wala namang pormal na paalam. Sa kahit saang lugar ako magpunta ay hinahanap siya ng mga mata ko ngunit hindi ko na siya nakita ulit. Kaya siguro hindi ko naranasang magkaroon ng syota sa high school dahil wala sinuman sa mga boys sa school ang magustuhan ko.

Noong nagkolehiyo na ako ay tuluyang nawala na sa isipan ko ang maghintay sa araw na makita ko siya ulit.

Sa paglipas ng mga taon ay marami na akong mga tao na nakilala. Maraming mga projects, activities, seatworks at assignments sa university na talagang kinaabalahan ko.

I was too busy, too occupied to think about him. Na-outgrow ko siya ng hindi ko namamalayan.

Halos mabura na siya sa alaala ko kung hindi lang itong bigla siyang pinaalala sa akin ng lalaking ito.

Agad bumalik ang huwisyo ko sa kasalukuyan.

Napatitig ako ng maigi sa mukha ng lalaking kaharap ko. He has the same eyes and face. Even though, some of his facial features have matured in time. His hair is long and black. He still got the same tenderness and sweetness treatment towards me. There's no guy in the planet could ever me feel like this other than...

"Angelo." I said. My first love Angelo.

Tila may kung anumang pumiga sa puso ko habang pinagmamasdan ang maamong guwapo na mukha ni Angelo.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko at hindi ko na napigilan ang paggilid ng mga luha sa pisngi ko. I've been longing for him. I've been longing for his love. I've been waiting for him. To see him, to be with him again.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

This is too overwhelming.

"What took you so long to recognize me, Elia?" Halos maluha rin ang mga mata ni Angelo. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinawi ang mga luha sa gilid ng mata ko.

"I.. I don't know. I can't believe this is happening. I... I don't know what to say.."

Hindi ko mawari sa sarili ko. Hindi ako makapag-isip ng tama.

I still can't believe that.. he's Angelo -- the first boy who reciprocate my love and the first same boy who broke my heart. The man who saved me from killing myself at the bridge when I was drunk the other night and the same man who confidently said that he will make me fall in love with him.

It's... too much to digest.

He's always be that boy who suddenly went missing and gone in my life. And yet, I know in my heart that I've always been longing for him. He's becoming even mysterious as time goes by. Weird 'cause there are some random days that he keeps appearing in my dreams.

Then after almost a decade that I didn't see him, this Angelo is in my life again? 

Gulong-gulo ang isip ay umalis ako sa harap niya at tumakbo palayo.

There Was You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon