I woke up feeling tired.
Nagpipintig ang mga ugat sa ulo ko. At ang bigat ng talukap ng mga mata ko.
Pero ang lambot ng kamang hinihigaan ko at ang bango ng unan at kumot ko.
Pinanatili kong pikit ang mata ko. Ang sipag naman talaga ng pinsan ko.
Sabagay day off niya kahapon kaya nagkaroon ng panahon na palitan ang sapin ng higaan ko at pabanguhan ang mga unan at kumot ko.
Siguro mamaya ay ililibre ko siya ng isang box ng pizza sa yellowcab.
Ilang segundo ko ding inalala ang mga nangyari kagabi.
Galing ako sa bar kasama ang mga ka-office mates ko.
Nakita ko doon ang ex kong si Kristopher na kasama ang asawa niya.
Ang saya 'di ba? Ang sama ng loob ko pero anong magagawa ko?
We can't change the fact that he's already married and he has a family now. While I'm still single for life.
The rest ng mga nangyari nun ay tiyak panaginip nalang.
Nanaginip ako na may isang misteryosong lalaki ang bumuhat sa akin mula sa pagtangka kong tumalon sa tulay.
Sino kaya ang misteryosong lalaki na 'yon? Naalala ko sinabi niya ang pangalan niya eh.
Pero ngayong nagising na ako ay hindi ko na maalala ang eksaktong pangalan nito.
Letter A nagsisimula iyon eh. Pati nga 'yong mukha niya ay nalimutan ko na din. Ang alam ko lang ay guwapo iyong lalaki sa panaginip ko.
Hindi ko maintindihan pero parang totoo ang nangyari.
Sabagay ganoon naman talaga eh. Minsan iyong akala mong totoo, panaginip lang pala. It's a praaaank! Hays.
Iminulat ko ang mga mata kong mabigat pa din. Iyak ako ng iyak kagabi. Parang tanga lang.
Siguradong pangit ako ngayon. Ayoko tumingin sa salamin.
Pagbaling ko sa kaliwa, nanlaki ang mata ko sa gulat. Ang laki masyado ng higaan ko. Hindi pamilyar ang mga unan at kumot ko.
Iginala ko ang paningin sa buong kwarto. Mataas ang mga kisame. May mga lampshade sa magkabilaang side ko. May mga gamit na alam kong mamahalin at alam kong hindi sa akin. Kulay beige ang mga pader.
Malawak ang kuwarto at masyadong malinis at maganda. Hindi ito ang kuwarto ko.
Kaninong kuwarto ito?
Agad akong nakaramdam ng kaba. Nasaan ako?
Kahit masakit ang ulo ay pinilit kong bumangon. Sumilip ako sa malalaking bintana. I'm expecting to see something. Like tall buildings or a neighborhood in a subdivision but I feel like my jaw dropped when I saw an overlooking view outside.
Malakas ang pakiramdam ko na nasa mataas na lugar nakatirik ang bahay na ito.
Where in the earth am I?
Bakit ako nandito?
Bakit ako nasa kuwarto na ito? Kaninong bahay ito? Kung isa man itong mansyon sa gitna ng burol, bakit ako dinala dito?Napaka daming tanong ang nasa isipan ko. Lalong sumasakit ang ulo ko. Panaginip pa rin ba ito? Hindi naman kasi nararamdaman ko ang sakit sa pagkukurot ko sa balat ko.
Bumalik ako sa malaking kama at muling humiga. Ang lambot lambot at ang bango bango. Kung puwede lang ay mahiga nalang ako dito forever. Pero wala naman akong karapatan kasi unang-una sa lahat hindi ko nga alam kung kaninong bahay ito.
"Good afternoon, Elia."
Isang pamilyar na baritonong tinig ang nagsalita.
Agad akong bumangon mula sa pagkakadapa sa kama.
Isang guwapong lalaki na may mahabang buhok ang nakangiti at nakasandal sa pintuan.
He's so tall and his size almost reached the frame of the door.
Sigurado akong siya ang lalaki na nasa panaginip ko.
Teka... kung nakikita ko siya ngayon sa riyalidad. Ibig sabihin, hindi panaginip ang mga nangyari. Totoo ang mga iyon.
Sa kaniya ba itong bahay na ito?
"Who are you?" napa-english ako. Hindi siya mukhang filipino eh. Mukha siyang foreigner. Kung magtatagalog ako, tiyak na hindi niya maiintindihan.
"I have told you my name last night. I am Angelus De Croix. You're here in one of my vacation rest house. We got here by private jet." Umalis sa pagsandal si Angelus at naglakad palapit sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Agad akong nakaisip ng sasabihin. Ayokong maramdaman niya ang awkwardness sa akin.
"Your name suits you. You really looked like an angel. Am I in heaven? D-did I.. die?" ang sinabi ko. Nakaka shook lang kasi na nandito ako sa isang magarang kuwarto na palagay ko nasa tuktok pa kami ng burol. Sa pagsilip ko sa bintana kanina ay napansin ko pang parang walang ibang kabahayan sa labas. Parang remote area ba.
Subalit hindi pinansin ni Angelus ang kapraningan ko dahil may kinuha ito saglit sa ibabaw ng glass table. Baso na may lamang tubig pala ang hawak nito.
"Here's your medicine." Inabot niya sa akin ang gamot na hawak at ang baso na may lamang tubig. Sinuri ko muna ang gamot na binigay niya. Gamot para sa sakit ng ulo.
"Thank you." Matipid ko siyang nginitian. Nahihiya ako sa kaniya.
"Does your head still hurts?" There is a hint of concern on his voice.
"A little. But I'm sure it will be okay later."
Ngumiti si Angelus at mas lalo siyang naging guwapo sa paningin ko.
"That's good to know. Let's eat brunch I'm sure you're hungry."
Lumapit siya sa akin at inabot ang kamay ko. Dinala niya iyon sa mga labi at hinalikan ang likod ng palad ko.
Shook! What is he doing?
Magrereact pa sana ako subalit parang normal gesture lang nito iyon dahil parang balewala lang iyon dito.
Lumabas kami ng kuwartong iyon na hawak-hawak niya ang kamay ko.
Gusto kong kiligin at gusto kong isipin na may gusto siya sa akin.
What are the odds of finding myself in this luxury mansion by this young handsome man?
Iyong utak ko puro kalandian agad ang nasa isip.
Bakit naman niya kasi hawak ang kamay ko ng ganito?
Hindi ko naman siya jowa. Last time na naranasan ko ang holding hands ay noong may naka date ako at dinala ako sa cloud 9 sa Antipolo. The guy I met there is sweet but the intention is clear, he wants to get laid. Kaya hindi na nasundan ang pakikipagkita sa lalaki na iyon.
But what's happening to me right now is too good to be true. Am I dreaming?
Bakit hawak ng guwapong lalaki ito na mukhang foreigner ang kamay ko? Why is he acting so nice and courteous towards me?
"I know you have so many questions on your mind. But you need to eat and if you're going to take a shower, I have some extra clothes in the closet. I hope you don't mind wearing some of my clothes..."
"Don't worry I don't have any bad intentions. Maligo ka na at labas ka na sa kwarto para makakain na tayo. Okay ba, Elia?" wika ni Angelus bago niya binitawan ang kamay ko at iwan ako.
He can speak Tagalog. Shook again!
BINABASA MO ANG
There Was You (On-going)
ChickLitEleanor had always been fascinated by the idea of love. Ever since she was a kid, she believed there's this one person who is destined to be with her someday. Kaya naman hindi siya nagmamadaling makilala ito. Kikilos ang tadhana balang-araw para ma...