2006
Nagpunta kami ng pamilya ko sa isang relative ng papa ko na nakatira sa isang subdibisyon sa Alabang. Dahil malayo ang biyahe ay enjoy na enjoy ako. Kahit dalawang jeep, isang bus at isang tricycle ang sinakyan namin bago makarating doon. Nakilala ko ang tita ko na ayon sa papa ko ay pinsan niya daw. Nasa abroad ang asawa nito. Ang kasama lang nito ay ang yaya nito sa bahay at ang anak na lalaki na nasa edad pitong taong gulang. Ang pangalan ng bata na siguro ay pinsan na rin namin ay Nathan.
Sinamahan kami ni Nathan sa malapit na park sa subdivision nila. Kasama namin ang kuya ko. Hindi naman ako makarelate sa usapan nila dahil puro yoyo, beyblade at tamia ang mga interes nila.
Kaya naglakad ako palayo sa kanila at naupo sa swing na nandoon sa park.
'Buti na lang ay may batang lalaki na nakaupo sa isa pang swing.
Nang lapitan ko ang bata ay natanto ko na umiiyak pala ito. Tiyak kong kasing edad ko lang ang bata. Kempee ang buhok nitong itim na itim at bagsak. Mestizo at makinis ang balat. Matangos ang ilong na halata naman sa side view nito. Maganda ang mga mata. Itim na itim ang kilay at ang mata nito. Stripe ang pattern ng polo nito na ang kulay ay itim at puti. Payat at matangkad ang bata. Mukhang anak-mayaman.
Napangiti ako.
Kamukha niya 'yong batang lalaki sa panaginip ko kagabi. Hindi ko na maalala eksakto ang malinaw na mukha ng lalaki sa panaginip ko pero naalala ko ang style ng buhok nito na kempee din at ang kulay nito na may maputi at makinis na balat.
Namamangha ako sa mga nangyayari. Bakit ako nakapanaginip ng batang lalaki na kamukang kamuka niya?
"Hello! Bakit ka umiiyak?" tanong ko sakaniya. Interesado akong kilalanin ang guwapong bata. Malakas talaga ang loob ko na kumausap ng stranger.
Matalim ang mga matang tumingin sa akin ang batang lalaki. "It's none of your business."
Ay suplado naman pala! Nakaka turn-off!
"Edi wag! Ang sungit-sungit mo. Siguro walang gustong makipag-friends sa'yo. Kaya pala mag-isa ka dito." naiinis kong sabi.
Totoo namang mag-isa lang siya. Ang daming kumpulan ng mga bata na naglalaro sa gilid ng park pero wala siyang kasama dito. Kaya pala kasi suplado siya.
But I can't resist his charm. He's so pogi. I have to make a move. I want to be friends with him especially he looked like the boy in my dreams.
Bigla kong naisip na ni hindi man lang niya ako tiningnan.
Bakit kaya? Mabaho ba ako?
Inamoy ko ang sarili ko. Hindi naman. O baka naman may weird akong amoy na hindi ko napapansin kasi nakasanayan ko nalang sa pang-amoy ko.Umalis ako sa swing at bumalik sa bahay ng kamag-anak ng papa ko. Nagbihis ako ng damit na kinuha ko sa bag ng mama ko. My favorite sunflower dress. Nagsuklay ako ng buhok at tinalian ko 'yon ng ponytail. Nagpulbo sa mukha. At naglagay ng Johnsons cologne sa damit ko. Tumingin ako sa salamin. Sa palagay ko okay na ako. Hindi man kasingganda ni Erika na muse ng classroom namin pero atleast ito na 'yung sa tingin kong best na itsura ko.
Nakangiti akong lumabas ng bahay kahit na napansin kong nagtataka ang mama at papa ko. Bumalik ako sa park at nakita kong naroon pa rin ang mestisong bata. Wala pa ring gustong mag-swing sa tabi nito kaya bakante pa rin iyon.
Umupo ako sa swing.
"Hey pretty boy! Pansinin mo ako." agaw-atensiyon ko sa kaniya. Nakatulala pa rin siya sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip pero hindi na umiiyak.
Noon niya ako nilingon. Hay ang pogi pogi niya talaga. Crush ko na siya. Sa kaniya ko ithetheme song ang kantang Pretty Boy ng M2M na palagi ko naririnig sa radyo.
"What do you want?" salubong ang kilay niya. Masungit pa rin.
"Why you speak English to me? Don't worry be happy. Matalino ako nakakaintindi ako english kasi section 1 ako sa school." nakangiti kong sabi. Kampante ako tama ang grammar ko. Nakita ko 'yung favorite motto ng ate ni Jana sa slumbook ko. Ang nakalagay doon ay 'do not worry be happy'.
Kahit na light na ang tono ng pakikipag-usap ko sa kaniya ay wala pa ring nagbago sa mood niya. Nakabusangot pa din gaya kanina at salubong pa din ang itim na mga kilay.
Huminga ako ng malalim.
Pinagpatuloy ko ang pagdadaldal sa batang lalaki kahit hindi niya ako kinikibo o tinitingnan. Baka masama ang araw niya kaya ganito siya kasungit. For sure, kapag nasa normal na mood ito ay hindi ito ganito kasungit.
Mabuti nalang ay cute na cute siya at talagang naaalala ko sakaniya ang lalaki na nasa panaginip ko.
Could it be he's really that boy?
Was it destined for us to meet each other?
Kung gano'n, malaki ang chance na siya ang prinsipe ng buhay ko.
Nakakakilig isipin.Just by staring at this boy, I could almost imagine our memories we're going to share in the future.
Crush ko na siya!
Ang laki ng ngiti ko kaso biglang nawala iyon ng tumayo siya sa swing. Ang bilis ng pangyayari. Hindi ako nakapagreact agad ng bigla niya akong tinulak at diretso ang bagsak ng likod ko sa damuhan na mabato.
Napangiwi ako ng sumakit ang likuran ko.
Naglaho ang kilig na nararamdaman ko kanina. Ang gusto ko nalang ay magalit sa kaniya. Nakaramdam ako ng inis.
"You know what? you're so annoying! I don't need someone to talk to. I am not in the mood to entertain anyone. Just go away! Leave me alone!" sigaw pa niya na kasabay ng pagtulak sa akin. Ang damuhong bata! Hindi man lang nag abot ng kamay sa akin.
It made sense to me all of a sudden.
Ayaw talaga sa akin ng batang ito kahit anong gawin kong pakikipag-kaibigan.
At talagang salbahe siya. How could he do this to a sweet girl like me?
Tumayo ako kahit na masakit ang bandang likuran ko. May sugat na yata doon kasi nararamdaman kong may mahapdi. Gusto kong umiyak pero ayoko namang magpakita ng kahinaan sa salbaheng bata na ito. Wala siyang pinagkaiba sa mga kaklase kong pogi na maputi na matalino pero mayabang.
"Ayaw mo sa akin then fine? Akala mo naman kung sino ka. Sino ka ba? Ayoko rin naman malaman maski pa pangalan mo. Mayabang ka!" balik sigaw ko sa kaniya at walang habas ding tinulak ang dibdib niya kaya natumba siya sa damuhan.
Pagkatapos noon ay umalis na ako sa park na iyon ng walang lingon lingon.
Crush ko sana siya kaso mayabang. Tinulak niya pa ako. Kasalanan ko din kasi pinagpipilitan ko ang sarili ko sa kaniya.
Ang sakit sa puso. Ang sakit sakit.
BINABASA MO ANG
There Was You (On-going)
ChickLitEleanor had always been fascinated by the idea of love. Ever since she was a kid, she believed there's this one person who is destined to be with her someday. Kaya naman hindi siya nagmamadaling makilala ito. Kikilos ang tadhana balang-araw para ma...