I am so hurt.
I want to scream maybe it could lessen the pain I'm feeling inside. But the place is so dark and quiet.
Wala akong pakialam sa lahat. I want to feel numb but powerful somehow. Is it possible?
Masyadong mapanakit ang mundo. Pero hindi totoo na wala na akong paki sa lahat. Nasasaktan pa rin ako na parang kahapon lang ay parte siya ng buhay ko. Parang kahapon lang siya ang one and only na nababagay sa akin. Parang kahapon lang ay gusto ko siyang ipagdamot sa ibang babae.
Ngayon nakita ko siya na may kasamang ibang babae. May babae na nakahawak sa braso niya. Hindi naman ordinaryong babae iyon. Ang babae na kasama niya ay asawa niya. Ina ng mga anak niya. He has a family and here I am, desperate to find love, to find a partner. Ang unfair ng mundo.
Naging mabait naman akong anak sa magulang ko, kapatid sa kuya ko, pinsan sa mga pinsan ko, empleyado na never pang nalate never pang nagloko sa company, kaibigan na kahit talkshit sa mga lakad. Mabait naman akong tao. Wala akong inapakan. Bukod sa pupu ng mga aso na nagkalat sa daan.
Why do I have to see him again?
Hindi ba pwedeng manatili na lang siya sa past ko?
Doon nalang sana siya. 'Wag na siyang gumalaw. Dapat naka-stuck lang siya doon. Dapat hindi ko na siya nakita pa eh.
Wala na yatang good news na darating sa buhay kong boring.
Yeah right.
Lungong-lungo ako sa alak kanina. Parang tanga na sumayaw sa dance floor. Habang siya, masaya na katawanan ang asawa. Naalala ko pa ang mga sinabi ko kanina sa kaniya nung kinamusta niya ako.
"I am a career woman. For now, I don't need a man. I could easily find one if I want to."
Siyempre ay isang malaking kalokohan ang huli kong sinabi. Gusto ko lang ipaalam sa kaniya na hindi ako kaawa-awa. Ayaw ko ring gaanong tingnan ang magandang asawa niya habang magkausap kami.
Hay.
Totoo ba talagang may soulmate ako?
Nasaan siya?
Anong ginagawa niya ngayon? Bakit naman hindi ko pa rin siya nakikilala?
Nananakit na ang mga paa ko kakalakad. Baka may biglang dumukot sa akin dito at i-salvage nalang ako. Napagpasiyahan ko na tumigil muna sa kakalakad. Nasaan na ba ako? The place is not familliar to me. Medyo nakaramdam ako ng takot pero mas nangingibabaw ang sama ng loob.
Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag ko. No calls or messages. Kahit pa ang messenger app ko ay walang notification. Wala man lang nag-aalala sa akin. Wala man lang nagtatanong kung nasaan ba ako, kung safe ba ako na nakauwi.
Ang tahimik ng cellphone ko.
Wala man lang talagang nag-aalala sa akin.
Hindi man lang ako tinawagan ng pinsan ko na kasama ko na naninirahan sa condo. Hindi man lang ito nag-abalang tawagan ako para alamin kung nasaan na ako. Ganoon din ang kuya ko, malamang ay busy ito sa trabaho. Ang mga magulang ko na nasa probinsya na madalang nalang tumawag dahil nalibang masyado sa pamangkin ko na anak ng kuya ko.
Nobody in the world is concerned about me, of course.
Kahit pala mamatay ako sa madilim na lugar na ito ay walang makakaalam. I had no one. And it's really heartbreaking.
Nagsasawa na ako kakaiyak sa totoo lang. Akala ko naubos na ang luha ko sa taxi kanina.
Para lang akong batang nag-iiyak sa gitna ng daan.
BINABASA MO ANG
There Was You (On-going)
ChickLitEleanor had always been fascinated by the idea of love. Ever since she was a kid, she believed there's this one person who is destined to be with her someday. Kaya naman hindi siya nagmamadaling makilala ito. Kikilos ang tadhana balang-araw para ma...