"Hey! Wakey wakey!" boses ni Angelus ang narinig ko na siyang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkaka-idlip. Agad na dumaan sa ilong ko ang mabangong pabango niya sa damit.
Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin si Angelus na nakasuot ng kulay gray na long sleeves at denim na pantalon. May pupuntahan yata siya.
Agad akong napangiti. Ang guwapo talaga. "Saan punta mo?" tanong ko sa kaniya.
"You mean.. where are we going? I'll drive to the town proper. We're going to eat outside. Shempre papasyal din tayo. So, maghilamos ka na at mag-ayos ng buhok mo. I'll wait outside." 'Yun lang ang sinabi niya at lumabas na ng bahay.
Kumunot ang noo ko. Bakit parang naging cold ata siya? Walang ekspresyon ang mukha niya at iwas ang tingin sa akin.
Hindi ako sanay na ganito siya na kaswal makipag-usap sa akin. Nasanay akong nakikita siyang nakangiti sa akin at malambing.
What happened to him all of a sudden?
Nababaghan man ay tumayo nalang ako at pumasok sa kwarto. Nag-quick shower lang ako at sinuot ang isa sa mga tshirts at shorts ni Angelo. Sinuklayan ko ang buhok ko at naglagay ng lipstick sa labi. Kinuha ko rin ang maliit na pabango ko sa bag at nag-spray sa leeg.
Habang pinagmamasdan ko ang sarili sa salamin ay na-concious ako sa hitsura ko.
Is this pretty enough to be his date?
Hindi ko na in-overdo ang pag-aayos ko sa sarili dahil kanina pa naghihintay si Angelo sa labas.
Paglabas ko ay agad na nakita ko si Angelo na mayroong kausap sa cellphone. Nakasandal siya sa kulay gray na Toyota Land Cruiser.
"Yes Bryan, keep me posted. Don't call me unless it's emergency. Bye!" paalam ni Angelo sa kausap nitong si Bryan.
Pagkatapos ay nilingon niya ako at sumenyas ng pumasok ako sa sasakyan.
"It's going to be quite a long ride. It may take about 2 hours to go to the town proper. You can continue your sleep." basag ni Angelo sa katahimikan ilang sandali pagkatapos niyang paandarin ang sasakyan.
"Ah malayo pala 'yung town proper dito mula sa bahay mo. Mahirap pala in case of emergency. Malayo 'ata ang ospital." komento ko para mawala ng kaunti ang pagkailang namin.
"I have a private jet that I can always call just in case and I have some staffs nearby." sagot niya. Eyes focused on the road.
"Ah." Iba talaga kapag sosyalin. "Eh paano kapag ubos na ang mga grocery supplies mo? Like 'yung mga karne, gulay, prutas."
"I can always call my staffs who lives nearby and buy grocery supplies for the house."
"Ah. Sabi mo noon vacation house mo lang iyon, bale 'asan ang main house mo?" Tanong ko pa.
"In Alabang."
Oo nga pala. Sa exclusive subdivision sa Alabang kung saan nakatira din doon ang mayaman naming tito.
"How is it like running a company on your own?"
"It keeps me busy. Our family company is my life. And I don't just run it on my own. I have my people working with me." kaswal at wala pa ring emosyon na sagot ni Angelo.
"Ah. Kaya pala wala kang panahon makipag-date sa mga babae 'no? Kasi focused ka sa company n'yo."
"Yes, I barely have free time. When I work, my schedule is always full. Just in case you heard our phone call earlier, that was Bryan -- he is my secretary."
"We have employees and shareholders relying on our company. So I had to work hard at such a young age. I had to stand on my feet ever since my parents died in an accident.."
BINABASA MO ANG
There Was You (On-going)
Genç Kız EdebiyatıEleanor had always been fascinated by the idea of love. Ever since she was a kid, she believed there's this one person who is destined to be with her someday. Kaya naman hindi siya nagmamadaling makilala ito. Kikilos ang tadhana balang-araw para ma...