CHAPTER 7

1.3K 80 98
                                    

NAG-AAYOS NG gamit si Alhana nang biglang pumasok si Bless sa kuwarto niya. Nakasimangot at nagmamaktol itong umupo sa gilid ng kama niya.

"Wala akong swimsuit." Bumuntong-hininga ito. "I didn't bring one."

Natawa siya sa reklamo ng kaibigan. Si Bless itong gustung-gusto na pumunta sa isla dahil dagat na dagat na raw ito pero wala palang dalang panglangoy.

"Huwag kang mag-alala. Nagpadala ako kay Shawn. Sinobrahan ko rin dahil inaasahan ko nang wala kang dala."

Biglang lumiwanag ang mukha ni Bless at niyakap siya nang mahigpit.

"Hulog ka talaga ng langit. Isa kang anghel. Ay mali! Isa kang Diyosa! Napakaganda mo ngayon, Ali!" pambobola nito sa kaniya.

"Heh. Manahimik ka nga."

Isinara na niya ang bag na dadalhin sa isla. Nabawasan din ang mga papers na dadalhin niya dahil nagbasa siya kagabi bago matulog. Lahat nang nagugustuhan niya ay nirereject ni Zach. Zach is hard to please. Hindi basta-basta nadadala ang binata sa mga simpleng presentation at researches lang. Ni isa sa mga nagustuhan niya ay wala pang inaprubahan si Zach. Palagi nitong sinasabi na may kulang at may hinahanap ito. Kapag tatanungin naman kung ano ay magkikibit-balikat lamang.

"Handa na ba ang mga gamit mo?" she asked Bless. "Did you make sure nadala mo na lahat ng kailangan mo?"

"Yeah, nasa baba na." Magiliw nitong sagot sa kanya. "Van ata ang sasakyan natin papunta sa port eh. Halika na. Ibaba na natin iyang mga gamit mo."

Tinulungan siya ni Bless na magbaba ng mga gamit niya. Bitbit niya naman sa isang kamay ang sunflower seedling na bigay ni Zach. Pagdating nila sa sala ay may mga kalalakihan na nakaupo sa sofa. Nagtatawanan at nagkwekwentuhan ang mga ito kasama si Sky at Zach.

Familiar faces. Same faces. Magkakaibigan pa rin sila hanggang ngayon.

She's trying to remember the names but she can't. Sabay-sabay na tumingin ang mga ito sa kanila ni Bless. She can't figure out if they look amused or amazed.

"Pangit ba suot ko?" bulong niya sa kaibigan. "Is it that bad?"

"Nope. You look gorgeous. Siguro hindi lang sila sanay makakita ng kasing ganda mo. Masyado mo kasing ginalingan."

"Ikaw din naman ah. Effortless pero ang ganda-ganda."

Bless is wearing a white button down shirt. Her bestfriend tied her shirt up for a retro look that shows off her shorts. Mayroon din itong jewelries na suot. She looks simple yet attractive.

Meanwhile, Alhana is wearing a printed silk scarf tied into a makeshift bikini top paired with high-waisted cotton trouser for a more casual edge look, and then added some interest via large gold hoops and dainty layered necklaces. Her kimono is hanging by her arms.

"You look good." Zach broke the silence.

"Thank you." She smiled at him. "Dadalhin ko ito ha? Ayaw kong iwan dito." She was pertaining to the sunflower seedling.

Tumango sa kanya ang binata atsaka lumapit papunta sa kaniya. Kinuha nito ang dala-dala niyang bag atsaka humarap sa mga kaibigan.

"This is Ali, Shawn's girlfriend and my assistant." He said. "This is Bless, Zeke's assistant."

Sabay-sabay naman na kumaway ang mga kalalakihan na nasa sala at isa-isang lumapit upang makipagkamay.

"Rob" A man with an amber eye said.

"Jude" A guy with a blue eyes introduced himself.

"Denver" A man with dark black eyes smiled.

Nakipagkamay sila ni Bless atsaka nginitian isa-isa ang mga ito. She noticed from the corner of her eyes that Zach's brows raised and he stares at his friends with a blank stare. No emotions at all.

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon