CHAPTER 26

1K 38 87
                                    

ZACH is busy arranging the files on his home office when Alhana entered the room. May hawak itong kurtina at nakasimangot pa habang naglalakad papalapit sa kaniya.

“Which one is for our room?” Alhana asked while holding a light-colored curtain on her right hand and a dark-colored one on the other. “Do you think mas maganda kapag dark?”

Mabilis niyang binitawan ang papeles na hawak niya at nilapitan ang dalaga. Maaga itong nagising upang mag-ayos ng penthouse nila.

It has been three months when Alhana agreed to be his girlfriend, they both decided to live together since hindi sila mapaghiwalay na dalawa. Kumuha muna sila ng penthouse dahil hindi pa tapos ang bahay na pinapagawa niya.

“I think mas maganda ito,” pagturo ni Zach sa dark brown curtain na hawak ni Ali. “Para contrast sa kulay ng kuwarto natin.”

Itinaas ni Alhana ang kurtina at pinagmasdan pa ulit bago sumang-ayon sa kaniya, “Okay. Ito na lang ang gamitin natin.”

Nginitian siya nito bago muling lumabas ng silid. Napailing na lang si Zach at natatawa sa ikinikilos ni Ali. She has been very hands on with decorating the penthouse. Ito ang pumili mula sa disenyo at ayos ng lugar hanggang sa mga palamuti at kagamitan sa loob nito.

A wife material indeed.

Ayos lang naman sa kaniya iyon dahil naging busy siya sa mga nagdaang buwan. Tapos na ang third at fourth phase ng bidding. In two months, gaganapin na ang pinakahuling phase nito. There are only six companies left fighting for the multi-billion investments. Pinaghahandaang mabuti ng kumpanya nila ang araw na iyon.

Nagpapasalamat siya kay Ali dahil ito ang nag-ayos at nag-asikaso ng lahat para makalipat sila sa penthouse. Never in that three months he heard any complain from her. Palagi siya nitong iniintindi at tinutulungan.

“I don’t know kung kakayanin ko pa kapag nawala ka sa akin,” he let out a deep sigh. “I won’t let you slip. Not in this lifetime.”

Napangiti siya sa sarili atsaka nagpatuloy sa pag-aayos ng mga papeles at pinaghiwa-hiwalay ang mga ito base sa kategorya nila. It was easy for him to fix everything dahil maayos naman nilang naimpake ang mga ito. When he was down to the last folder, he opened to check kung saang kategorya nakahanay ang dokumento.

Nagulat siya nang makitang kopya pala ito ng sketch ng pagkakakilanlan ng suspect na may kagagawan sa nangyari sa kanilang ina.

Pinagmasdan niya itong mabuti at napabuntong-hininga, sapagkat hanggang ngayon ay wala pa rin silang lead kung sino ang nagmamay-ari ng tattoo. His mom is also struggling to remember what happened that night. Hindi naman nila pinipilit na makaalala ang ina dahil makasasama ito para sa kalagayan nito.

Hindi niya maiwasan ang mainis ngunit wala rin naman silang magagawa kung hindi ang maghintay. He was about to put back the sketch inside the folder when Alhana spoke from behind.

“Gusto mong magpa-tattoo?” tanong nito sa kaniya. “Iyan ba ang design na gusto mo?”

Iniabot niya ang sketch kay Ali at hinayaan niyang pagmasdan iyon ng dalaga, “It’s the tattoo of mom’s kidnapper.” Malungkot ang tinig niya at hindi niya napigilan ang maging emosyonal. “Wala pa ring usad ang kaso kahit na tumutulong si Rick. Nahihirapan din siyang malaman kung sino ang may-ari ng pagkakakilanlan na iyan.”

Iniabot ni Ali pabalik ang sketch sa kaniya, “Parang nakita ko na iyan noon. Hindi ko lang maalala kung kanino o kung saan.”

His brows furrowed, “Maybe kamukha lang o hindi kaya ay familiar ka lang talaga. Marami rin daw ang may ganitong tattoo kaya mas nahihirapan kaming alamin kung sino.”

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon