"HUWAG KANG SUMIGAW! The kids might hear us arguing. Ayokong malaman nilang nag-aaway tayo."
Hindi alam ni Alhana ang gagawin matapos na namang marinig ang mga magulang na nagsisigawan. Nang mga nagdaang araw ay palagi niyang naririnig ang mommy at daddy nila na nagsasagutan. Hindi naman niya alam kung bakit.
Nagulat siya nang biglang lumabas ang daddy nila mula sa silid-aklatan kung saan nag-usap ang dalawa. Nang makita siya nito ay lumuhod ang ama para makausap siya nang maayos.
"Lana... I told you not to eavesdrop kapag may nag-uusap na nakatatanda sa iyo, hindi ba?"
Tumango siya sa ama at nagbaba ng tingin sa sahig. Palagi nitong pinapaalala na hindi sila maaaring makisali o makinig sa kahit na anong usapan ng matatanda. Wala pa sila sa wastong gulang upang maintindihan ang mga bagay-bagay.
"I'm sorry, dad... I was looking for Lara. Sabi niya kasi we will play. Ate Lani can't play with me because she has a tutor session with Miss Chelle." Aniya habang patuloy na nakatingin sa sahig. "I will not do it again, daddy..."
Hinalikan siya ng ama sa noo atsaka nagpaalam na may pupuntahan daw itong importante. Nang makitang nakaalis na ang ama ay sinilip nito ang ina mula sa maliit na awang sa pintuan ng silid. Hindi niya mapigilan ang mapasimangot nang marinig ang mga hikbi ng ina. Kaagad naman siyang tumakbo papunta sa hardin nila upang kumuha ng bulaklak.
Madalas kasi kapag umiiyak siya ay dinadala siya ng kanilang ina sa hardin upang ipakita ang iba't-ibang bulaklak dito. Iyakin siya at iyon ang palaging sinasabi ng mga kapatid niya. Kahit siya ay aminado na mababaw lamang ang mga luha niya.
Ang masilayan ang mga bulaklak ay nakapagpapangiti sa kaniya. Kaya naman naisipan niyang dalhan ang ina upang tumigil ito sa pag-iyak.
"Hmm. Ito! Ito na lang ang kukunin ko. Napakalaki at napakaganda," napapalakpak pa siya sa naisip na ideya. "Magugustuhan ito ni mommy."
Pagtukoy ni Alhana sa sunflower na nasa pinakaharapan ng hardin nila.
Sinubukan niyang abutin ang mga bulaklak ngunit hindi niya iyon naabot. The sunflower is tall enough for her not to reach it. She's six and she also doesn't have the enough strength to grab one for her mom. So, instead of a sunflower she roams around the garden and saw a beautiful red rose.
"Hmm. Hindi malaki pero maganda. Puwede na ito!" she giggled. "Ito na lang kasi ang laki-laki naman noong isa."
The roses are really magnificent. Kaya naman sinubukan niya ulit pumitas ng bulaklak. Napasigaw siya nang may tumusok sa kaniyang hintuturo. It was the rose's thorn. For a child, masakit talaga ang matusok ng mga ito. She saw a small drop of blood on her finger and she began to cry.
Pinipigilan niya ang humagulgol nang malakas upang walang makarinig sa kaniya ngunit nabigo siya. She cried louder and louder until she heard footsteps and her twin sister appeared.
"Lana! Bakit ka umiiyak?" Lumapit si Alhara sa kapatid upang aluin ito. Alhara is the older twin, she always looks after her twin sister. "Hindi naman tayo dito mag p'play ah. Why are you here ba kasi?"
Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang daliri ng kapatid. Kaagad siya nitong hinila papunta sa likuran ng hardin kung saan naroon ang isang gripo. Hinugasan ni Alhara ang mga kamay niya.
"Lana..." Alhara said in a concerned tone. "Mommy said we can't play here hindi ba? Baka pagalitan tayo ni mom at ni ate."
Unti-unti nang tumitigil sa paghikbi si Alhana. She just wanted to get that rose for their mommy. Hindi naman niya alam na may ganoon pala ang bulaklak na iyon. Nang matapos mahugasan ni Alhara ang kamay niya ay pinunas naman ni Alhana ang daliri niya sa kaniyang damit.
BINABASA MO ANG
Lies After Lies (Love Game Series 1)
Romance"Just be honest with me or stay away from me. It's not that difficult." Alhana Isobel Mendez isn't the type of girl who play games. She's honest and straightforward. She can never play with someone's heart. Hindi nito kayang makitang may nasasaktan...