CHAPTER 47

1.4K 45 11
                                    

NAGMAMADALI si Zach na mag-ayos ng gamit dahil nahuli sila nang gising na magkakaibigan. It was already one in the afternoon at kung nagising lang sana sila nang mas maaga ay nasa Maynila na sana sila ngayon. Kung hindi lang din sana sila uminom pa kagabi para magcelebrate ay wala na sanang problema sa paggising nang maaga.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siyang pumayag siyang manatili muna kagabi at uminom kasama ang mga kaibigan niya o maiinis dahil late na nga silang gumising ay ang bagal pang kumilos ng mga ito.

“Ang tagal niyo,” pagrereklamo niya sa mga ito habang tinitignan ang mga kaibigan niyang kumakain pa rin hanggang ngayon. “Mauuna na ako. May kaniya-kaniya naman tayong sasakyan, bahala na kayo.”

“Sandali!” Paghabol ni Shawn sa kaniya. “Sama ako sa’yo. Wala akong dalang kotse.”

“Ako rin!” Singit ng kapatid niyang binitbit pa ang kinakain nito. “Sa kotse ko na tatapusing kumain.”

“Ingat kayo, daddy.” Rick teasingly wiggled his brows. “Susunod na lang kami. Gutom pa kami eh.”

Napabuntong-hininga na lang siya nang sumang-ayon din ang iba niyang mga kaibigan. Kung alam niya lang ay kanina pa sana siya umalis.

Dumiretso sila kung saan nakapark ang sasakyan niya at mabilis niyang inilagay ang mga gamit nila sa likuran ng kotse. Zeke opted to take the back seat while Shawn sat on the shotgun seat of the car.

Sa kalkula niya ay aabutin nang humigit kumulang na tatlong oras ang biyahe mula Tarlac papunta Manila. Depende pa iyon kung aabutan sila ng traffic.

Tahimik lang ang biyahe nila hanggang sa makalabas sila ng Tarlac. Natutulog kasi ang dalawang kasama niya dahil na rin sa may hangover pa ang mga ito. Mabuti na lang talaga at kaunti lang ang nainom niya kaya naman hindi siya ganoong inantok.

Nagulat na lang siya nang biglang nagising si Shawn dahil sa walang tigil na pagtunog ng telepono nito. Kaagad nitong sinagot ang tawag at kahit na hindi nakaloudspeaker ay maririnig ang sigaw ni Alhanis mula rito.

[SHAWN MAVERICK SANTOS!!! NASAAN NA BA KAYO?!]

Hindi niya mapigilan ang matawa nang aligagang umayos ng upo si Shawn.

“Babe, on the way na kami,” mahinang sambit ni Shawn. “Huwag kang sumigaw.”

[Huwag mo akong matawag-tawag na babe. Put me on loudspeaker.]

“Hindi naman niya kailangan kamo,” si Zeke ang nagsalita na mukhang nagising din dahil sa tawag ni Alhanis. “Sa lakas ng boses mo, Alhanis hindi na kailangan ng loudspeaker ni Shawn.”

Pabirong inabot ni Shawn ang buhok ng kapatid niya at hinila ito atsaka mabilis na niloudspeaker ang telepono. Halos manlaki ang mga mata niya nang marinig niya ang boses ni Bless na tila pinapatahan si Alhana sa pag-iyak.

[Naririnig mo ba, Zach? Umiiyak na si Alhana. Saan ba kasi kayo galing at hapon na eh wala pa kayo rito?]

“Nalate kami nang gising,” si Shawn ang sumagot. “Bakit siya umiiyak?”

Pakiramdam niya ay lumayo si Alhanis dahil nanahimik sa paligid nito.

[Eh kasi naman po, nangako kayong maaga kayong makauuwi. Ang gulo ng utak ninyo. Alam niyo na ngang buntis ‘to tapos hindi pa kayo tumutupad sa mga pinapangako ninyo.]

Bumagsak ang balikat niya sa narinig. Mas lalo tuloy niyang hindi mapigilan ang mainis sa sarili niya.

[She’s kind of emotional you know. Pregnancy hormones. Sige na, tinawagan ko lang kayo para masigurong pauwi na kayo. Mag-ingat kayo.]

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon