CHAPTER 29

1K 39 39
                                    

MABAGAL ang bawat paghakbang ni Zach habang mahigpit na hawak-hawak ang isang bouquet ng sunflower na ipinasadya niya pa sa kasintahan ng kaibigan niya. Ngayon na lang siya ulit kinabahan ng ganito, parang kakawala ang puso niya sa sobrang kaba.

He is also sweating bullets and trembling, halatang halata rin sa mukha niya na nahihirapan siyang magtago ng emosyon.

“Zach, bilisan mo kayang maglakad.” Pagrereklamo ni Alhanis. “Ang tagal-tagal mo eh, mga ilang oras kaya bago tayo makadating doon kung ganyan ka maglalakad? Para kang pagong.”

Sinamaan niya ng tingin ang kapatid ng kasintahan, “You’re bullying me again.”

“Hindi ah!” She was trying to stifle a smile. “Sinasabi ko lang iyong totoo, halata kang masyado huy! Kabadong-kabado…”

“Huwag mo akong asarin.”

“Hindi kita inaasar.” Alhanis raised a brow. “Sadyang honest lang ako sa naoobserve ko noh!” She tsked. “Bakit ka ba kasi kabado?”

“Really, Alhanis?” Zach snorted. “Tinatanong mo talaga ‘yan?”

“Arte-arte!” napailing ito sa kaniya at hinila siya papalapit sa pupuntahan nila. “Bilisan mo nga! Excited na ako para mamaya!”

“Oo na!” tinanggal niya ang kamay ni Alhanis sa palapulsuhan niya at mabilis silang naglakad hanggang sa makarating sila sa paroroonan nila.

“Nandito na tayo…” Alhanis smiled at him. “Hello, mommy!” masigla nitong bati sa puntod ng ina. “Mayroon po akong kasama, mommy. Gusto niya raw ho kayong makausap…”

Tinignan siyang muli ni Alhanis at binigyan ng espasyo upang makalapit sa puntod ng ina ng kasintahan. He lay the boquet of flowers on the grass and kneeled, kasabay noon ang pagsindi naman ni Alhanis ng kandila.

“Magandang umaga ho, Ma’am…” masuyo siyang ngumiti. “I am Leon Zachary Alcantara, the boyfriend of Alhana…”

“Kilala ka niya.” Alhanis tapped his shoulder. “Madalas kang ikuwento ni Ali kapag bumibisita kami rito.”

Napangiti siya lalo sa sinabi ni Alhanis, “Mahal na mahal ko po ang anak ninyo, Mrs. Mendez. Ibibigay ko po ang lahat sa kaniya maging ang buhay ko. Hindi ko po alam kung kailan ko eksaktong naramdaman na  hindi ko na kayang mabuhay nang wala siya, ang alam ko lang po ay hinding hindi ko hahayaang mawala siya sa akin. She makes me the happiest man alive, Ma’am.

“Ang bawat ngiti po ng anak ninyo ang bumubuhay sa akin sa araw-araw. Ang bawat yakap niya po ang pumapawi sa lahat ng pagod at sakit na nararamdaman ko. She helps me see things in a different perspective, she gives me hope and she makes me strong.

“Hindi ko po nakikita ang sarili kong magmamahal ng iba kung hindi ang anak niyo lang. Alam ko hong marahil kung nabubuhay kayo ay itatanong niyo rin sa akin ang tanong ng mga kaibigan at pamilya ko… Alam ko pong maaga pa para sa hihingiin ko sa inyo pero hindi ko ho talaga kakayaning mawala ang anak ninyo sa akin. There is no one like your daughter, Ma’am. Nag-iisa lang po si Alhana Isobel Mendez…

“That is why I came here to ask for your blessing…” bumuntong hininga muna si Zach bago nagpatuloy. “Dahil sa mahalaga po kayo sa kaniya, gusto ko hong humingi ng pagkakataon para patunayan ang sarili ko. Gusto ko pong alagaan ang anak ninyo habang nabubuhay ako sa mundong ito.

“I… I want to marry your daughter, ma’am…” he smiled. “I want her to be an Alcantara…”

Napalingon siya kay Alhanis na mahinang humihikbi sa tabi niya. He offered her a handkerchief and immediately used it to wipe her tears. Nanatili siyang nakamasid dito hanggang sa matapos itong magpunas ng luha at tumingin sa kaniya.

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon