SPECIAL CHAPTER: HALE

1.8K 80 20
                                    

KANINA pa nakatitig si Hale sa librong binabasa niya. Today is the last day of their final examination and she’s been looking out for the correct answers sa mga natatandaan niyang tanong mula sa last subject niya ngayong araw. She’s already 20 years old and a third-year nursing student.

Ito talaga ang gusto niyang kurso kaya naman sobrang pasasalamat niya nang pagbigyan siya ng mga magulang niya na pumasok sa Nursing school. Her original plan is to actually study Business Administration pero isang araw bigla na lang niyang naramdaman na gusto niyang makatulong sa bansa bilang isang nurse.

Her brothers, Hayne and Hunt chose a different path. Ang panganay sa triplets na si Hayne ay nag-aaral ng Political Science bilang Pre-Law nito. While Hunt is studying abroad to pursue his Architecture Degree.

“What are you doing?” Hayne, one the triplets asked. “Hindi ka pa tapos?”

Isinara niya ang librong binabasa niya at isinilid sa bag niya bago harapin ang kapatid niya. Mamaya na lang pagkauwi niya titignan ang mga iyon. Mayroon naman siyang photographic memory kaya ayos lang.

“Kuya, tapos na ako.” Ngumiti siya rito. “Are you done? Sabay ba tayong uuwi?”

“No, sumabay ka na lang kila Sef.” Ginulo ni Hayne ang buhok ng kapatid. “May pupuntahan ako. I won’t be home until midnight, I guess.”

Tumango siya rito at hinalikan ang kapatid sa pisnge. Pinagmasdan niyang sumakay si Hayne sa kotse nito at napailing na lang siya nang may mga babaeng nagpapapicture dito pero nilampasan lang iyon ng kapatid niya.

Madaming nagkakagusto kay Hayne sa campus dahil bukod kasi sa matalino ang kakambal nila ay gwapo, matangkad at matipuno rin ito. Ang problema nga lang ay ubod ng sungit at hindi namamansin ang loko. Cannot be reach lang ang peg.

Halos mapatayo siya sa kinauupuan niya nang gulatin siya ng pinsan niyang si Sef. Nilingon niya ito para kurutin sa tagiliran. Natawa na lang ang iba sa mga pinsan at kaibigan nila nang magsimula silang magbangayan.

“Aray!” Malakas na sigaw ni Sef na nakapagpalingon sa mga dumadaan. Nakakahiya. “Sorry na kase. Eh ang lalim kasi ng iniisip mo. Kanina ka pa nakatingin sa kawalan.”

“Oo nga,” pagsang-ayon naman ni Zep, ang nakakatandang kapatid ni Sef. “Kanina pa kita tinatawag noh.”

“Hindi ko kayo narinig,” Hale rolled her eyes on her cousins at binalingan na lang ang iba pa nilang kasama na nakaupo na sa harapan niya. “Tinitignan ko kasing makaalis ang kotse ni kuya.”

Napansin niyang nag-iwas ng si Mason at napasimangot tuloy siya ng di-oras. Hindi niya alam kung ano bang problema sa pagitan nito at ng panganay niyang kapatid. They used to be so close but now, halos hindi na mag-pansinan ang dalawa.

Kapag tinatanong niya si Mason ay halatang umiiwas naman ito. Si Hayne naman ay halos magalit kapag nababanggit ang pangalan ni Mason.

“Uuwi pala ngayon sila kuya Hunt at kuya Drev noh?” Drayne, the younger sister of Drev said. Hindi niya tuloy naiwasan ang mapayuko nang titigan siya nito sa mga mata. “Baka doon ang punta nila kuya Hayne at Drake.”

Hindi niya alam kung totoong ngayon ang uwi ni Hunt at Drev. Wala namang nasabi si Hayne sa kanya kanina. Kaya ba hindi sila sabay na umuwi ng bahay ngayon ay dahil pupuntahan ng kapatid niya ang dalawa?

“Nag-usap na ba kayo ulit ni kuya, Hale?” Malambing na tanong ni Drayne na humawak pa sa kamay niya. “I mean, you two used to be good friends dati diba? Nag-uupdate pa ba siya sayo?”

Umuling siya dito na ikinasimangot ng kapatid ni Drev. The last time he saw Drev was four years ago. Simula noon ay hindi na niya nakausap ang binata. Ni magpaalam dito bago umalis ay hindi niya nagawa. She actually has no clue that he will study abroad.

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon