CHAPTER 31

985 35 3
                                    

TAHIMIK na naghihintay si Alhana sa hallway ng isang building kung saan siya pinapunta ng kikitain niya. Bakas sa mukha niya ang kaba at takot kung ano nga ba ang nag-aabang sa kaniya sa pakikipagkita rito. Batid niyang dapat ay kinausap muna niya si Zach sa desisyon niya ngunit ayaw niyang istorbohin ang kasintahan sa ginagawa nito.

Kinabukasan na ang huling phase ng bidding at marami pang hinahabol si Zach para matapos ang panibagong presentation na ihaharap nito sa boards at investors ng RS Enterprise.

Hindi pa umuuwi ang kasintahan simula noong araw na malaman nilang nawawala ang lahat ng files ng kumpanya at maging ang system ng Alcantara Empire ay nawipe out din.

Zach and his team has been staying in the office to hassle for their loss and to be able to replace the presentation with a new one. Masuwerte pa sila Zach dahil hinayaan sila ni Nick na gumawa ng panibago para makapag-present bukas.

Zach hired the best tech team in town to help the company to retrieved the files pero maging ang mga ito ay walang magawa para maibalik ang lahat. Isa lang ang nakikita niyang paraan para matulungan ang kasintahan at iyon ay ang makipagkita sa nagpapadala ng mensahe sa kaniya.

Napasinghap si Alhana nang may biglang humawak sa balikat niya. Mabilis niya itong nilingon at tumambad sa kaniya ang isang babae na halos ka-edaran din niya at nakasuot ng itim na business suit. Matiim itong nakatingin sa kaniya at tila hinihintay na tumayo siya.

“Alhana Mendez, right?” Malalim ang boses ng babae nang magsalita. “I need you to come with me.”

Hinawakan siya nito sa braso at iginiya papunta sa elevator. Pinindot nito ang pinakamataas na floor ng building at hindi siya binitawan nito hanggang sa makarating sila sa pinakahuling palapag ng building.

“Saan mo ba ako dadalhin?” naiinis niyang tanong dito. “Bitawan mo na ako, hindi naman ako aalis eh. Nasasaktan ako.”

Nilingon siya ng babae na pinag-aaralan ang ekspresyon ng mukha niya at hindi nito binitawan ang pagkakahawak sa braso niya. Nagpatuloy lang silang maglakad at tinitiis ni Alhana ang higpit ng pagkakahawak nito hanggang sa marating nila ang pinakadulong silid sa palapag na iyon.

Hinila siya ng babae papasok sa silid at tumambad sa kaniya ang pamilyar na pigura ng lalaking nakaupo sa swivel chair. Hindi man sigurado ay kumukulo na agad ang dugo niya.

When the man turned around to face her, ibinuhos niya ang buong lakas para matanggal ang kamay ng babaeng nakahawak pa rin sa braso niya.

“IKAW?!” mabilis siyang naglakad papalapit dito at galit na inihampas ang mga kamay niya sa mesa nito. “WHAT DO YOU NEED FROM ME?!”

Tumawa lang ang lalaki na mas lalo pang nakapagpainit ng ulo niya. Nakipagtitigan siya sa lalaki at hindi niya hinayaang matinag ang sarili sa nanlilisik na mga mata nito.

“Hindi ka marunong gumalang sa nakatatanda sa’yo, Lana.” Bakas sa boses nito ang pagkainsulto sa kaniya. “Wala kang respeto. Hindi kita pinalaki ng ganyan.”

“Hindi mo naman talaga ako pinalaki, Alejandro.” Ikinuyom niya ang mga kamay niya habang pinipigilan ang sariling tuluyang mawalan ng respeto sa ama niya. “Hindi mo ako pinalaki at nagpapasalamat akong hindi ikaw ang nagpalaki sa akin.”

Mabilis na tumayo ang ama niya at hindi niya nasangga ang sampal sa kaniyang pisnge. Napahawak siya rito sa sobrang lakas nang pagkakatama noon.

“Hindi ka marunong tumanaw ng utang na loob!” sigaw ng ama niya. “Kung hindi sa pera ko na ibinibigay ng kapatid mo ay hindi ka makakapagtapos ng pag-aaral mo! Wala kang kwentang anak!”

Alhana just smirked with her father’s remark, “Wala ka ring kwentang ama!”

Muli siyang sinampal nito nang malakas dahilan para mawalan siya ng balanse at mapaupo sa sahig. Dali-dali naman siyang tumayo para ipakita sa amang hindi siya natatakot dito.

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon