MAAGANG NAGISING si Alhana dahil na rin sa pangungulit ng bestfriend niyang si Bless na nagpatulong magluto ng agahan. Hindi naman ganoon kainteresado si Bless sa pagluluto kaya naman pinagbigyan na niya ito. Minsan lang kasi ito humingi ng tulong lalo na sa gawain sa kusina.
All the cabins here includes a mini kitchen. Nakiusap si Bless na dito na lang sa kusina ng cabin niya magluto para raw hindi hassle sa kaniya. Her bestfriend let her decide kung ano ang magandang iluto. She decided to have: Avocado Toast in three ways, Banana pancake, Granola bar, Breakfast Pasta and a Cinnamon roll. Sa drinks naman coffee at hot chocolate.
Medyo mahirap turuan si Bless dahil hindi mahaba ang pasensya nito. Pinagluto na nila lahat kaya naman medyo natagalan din sila. They woke up four in the morning and finished around six thirty. Nagpatulong sila na ihanda ang mga niluto sa common dining area sa isla.
"Grabe! Natapos natin itong lutuin na tayo lang?" Bless somehow look exhausted. "Ang kapal din talaga ng mukha ko. Ikaw naman nagluto lahat, nag-assist lang ako."
Kinurot ni Alhana ang tagiliran ng kaibigan. Sanay na siya na magluto ng maraming putahe sa maiksing oras dahil iyon naman ang trabaho niya. And besides, she loves cooking. It calms her down and it gives her peace.
"WOW!" Shawn exclaimed as he enters the area. "ANG DAMI NAMAN NIYAN! IKAW NAGLUTO?"
"UIIII!!! GRABE SIYA MAGPASIKLAB!!!" Sky teased.
"Hinalikan ka lang, nagluto ka na?" Pagsabay ni Drei sa tuksuhan. "Grabe naman!"
"Maganda ang simula ng araw ko kaya huwag niyo akong asarin." Pagsagot niya sa mga ito. "Pwede ba 'yun?"
Sabay-sabay namang nagtawanan ang tatlo at maging si Bless ay natawa. Tinulungan na rin sila ng mga ito na mag-ayos ng hapag-kainan. Nang handa na ang lahat, tinawag na ni Sky ang mga kasama nila. Wala pang limang minuto ay isa-isang nagdatingan ang mga ito.
"This is nice..." Rob commented. "Sino ang nagluto?"
Everyone looked at her waiting for a response.
"Oo nga, sino nagluto?" Zeke smiled at her.
"Si Ali." Bless clapped her hands. "Ang galing noh?"
"Niluto mo lahat ito?" Zach asked. "Anong oras ka nagising?"
Zach looked worried.
Nag-aalala ba siya na maaga akong nagising para magluto?
"4 A.M. gising na kami." She smiled awkwardly. "Kasama ko si Bless na nagluto."
Napanganga naman ang lahat sa sinabi niya. Hindi siguro nila maisip na gigising siya ng ganoon kaaga para makapagluto ng agahan. Kung tutuusin ay may mga chef naman sa isla.
"Ahm... Nagpaturo kasi akong magluto kaya medyo maaga kaming nagising." Bless said with enthusiasm. "Mabait lang talaga si Ali kaya sinamahan niya ako."
"Wow, nagpapaturo ka na magluto?" Pagbibiro ni Shawn kay Bless. "Gusto mo nang mag-asawa?"
Akmang hahampasin na ni Bless si Shawn pero mabilis itong nakailag. Natawa na lang siya sa komento ni Shawn. Oo nga naman. Halos ayaw ni Bless na matutong magluto dahil ang sabi nito ay ayaw nitong mag-asawa. Pero ngayon ay kinulit-kulit pa siya nito para magluto ng agahan at turuan siya.
Nanlamig ang buo niyang katawan nang maramdaman ang kamay ni Zach sa palapulsuhan niya. Iginiya siya nito sa hapag atsaka pinaupo sa tabi niya. Isa-isa namang umupo ang iba pa nilang mga kasama. Pinagmamasdan sila ng mga ito dahil si Zach ang naglagay ng mga pagkain sa plato niya. Tinatanong siya nito kung alin sa mga iyon ang gusto niya at siya mismo ang naglalagay.
![](https://img.wattpad.com/cover/265388464-288-k925708.jpg)
BINABASA MO ANG
Lies After Lies (Love Game Series 1)
Romance"Just be honest with me or stay away from me. It's not that difficult." Alhana Isobel Mendez isn't the type of girl who play games. She's honest and straightforward. She can never play with someone's heart. Hindi nito kayang makitang may nasasaktan...