CHAPTER 23

1K 44 42
                                    

MAHIGPIT ang hawak ni Zach sa manibela habang nagmamaneho siya papunta sa Ambience night club. Tumawag kasi si Sky sa kaniya para ipaalam na Alhana is already drunk to even call him to pick her up.

Halos lahat daw ng magkakaibigan ay lasing na. Mabuti na lang at sumunod si Sky upang mabantayan ang mga ito. He drove as fast as he could because it’s almost one in the morning and he’s actually worried kung ano ang lagay ni Alhana ngayon. Sky said she was so drunk that she almost passed out.

Nang makarating siya sa Ambience ay kaagad niyang nakita si Sky na nag-aabang sa harap ng entrance ng club. Mabilis siyang nagpark at kaagad lumabas ng kotse niya. Sinalubong siya ni Sky na mukhang pagod na pagod ang itsura.

“Nasaan siya?” Zach was so worried. “Iniwan mo silang magkakasama?”

“Don’t worry, nasa VIP room sila.” Sagot ni Sky sa kaniya. “Nandoon din si Shawn at Drei.”

Napahinto siya sa sinabi ni Sky. Iniisip niya kung ano namang gagawin ni Drei sa Ambience? That man hates nightclub. It’s a miracle na nandito ngayon ang kaibigan nila.

“Huy! Halika ka na!” Sky hissed at him. “Para makita mo gaano kagulo ang sitwasyon ng mga iyon.”

Kaagad silang nagtungo papunta sa VIP room kung nasaan sila Alhana. Nang makapasok sa loob ay nanlaki ang mga mata niya.

The whole room is a chaos. Nagkalat ang mga bote sa sahig at may mga basag na baso pa. Inaalalayan ni Shawn si Alhanis na makatayo sa pagkakaupo nito sa sahig. Ganoon din si Drei na tinutulungan naman ang isa pang kaibigan ni Alhana.

He shooked her head when she found Alhana at the corner of the room. Nakapikit ito pero kinakausap ang kakambal nito. When he looked at Sky to ask for an explanation, wala itong sinagot at nagkibit-balikat na lang.

“Ako na ang mag-uuwi kay Alhanis at kay Viviene.” Shawn volunteered. “Iyon ang bilin ni Alhanis kanina na magkasabay silang uuwi.”

“Sa akin na sasakay ang isang ‘to.” Saad naman ni Drei na tinutukoy ang isa sa kambal na kaibigan nila Alhana. “Magkita-kita na lang tayo sa condo mo Shawn.”

“AYOKO NGA!” pagrerekalamo ni Cielo sa sinabi ni Drei. “I don’t want to be anywhere near you!”

Drei tsked, “You have no choice, little miss you know everything. Sa ayaw at sa gusto mo, ako ang maghahatid sa iyo.”

Nagkatinginan naman silang tatlo nila Shawn at Sky. Pare-parehong nagtataka kung paano nagkakilala ang dalawa. Hindi pa tumigil ang mga ito sa pagbabangayan hanggang sa walang nagawa si Cielo dahil binuhat na ito ni Drei palabas.

What the hell was that?

“Siyempre, sino pa nga bang mag-uuwi kay Alhara kung hindi ako.” Pagputol ni Sky sa katahimikang bumabalot sa loob ng silid. “Tinawagan ko na si Zeke, papunta na raw iyon. Hintayin na lang namin ni Zach.”

Tumango naman si Zach kay Sky, “Mauna na kayo Shawn. Kami na lang maghihintay kay Zeke.”

“Sige-sige. Mag-ingat kayo.” Sagot ni Shawn na halatang hirap na hirap sa pag-alalay kay Alhanis at Viviene. “Bayad na lahat, pati iyong mga nabasag na baso.”

“Shawn, tulungan na kita.” Sky offered for a help. “Ikaw munang magbantay sa tatlong iyan. Goodluck.”

Napailing na lang si Zach at napabuntong hininga. He never knew that it would be this chaotic. Akala naman niya ay nalasing lang ang mga ito. Walang nabanggit si Sky na may mga nabasag palang bote at mga baso ang magkakaibigan.

Mukhang nagkasiyahan talaga ang mga ito. Hindi na rin siya magrereklamo dahil matagal-tagal din naman na hindi nakita ng magkkaibign ang kakambal ni Alhana. They deserve this kind of celebration. Medyo sumobra lang pero wala naman na silang magagawa.

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon