PALAKAD-LAKAD si Zach sa harapan ng private room ni Alhana. Kahapon pa ang due date nito pero ngayong araw lang pumutok ang panubigan nito. Pinalabas siya ni Ali sa kuwarto dahil hindi raw siya mapakali at mas kinakabahan lang ito kapag nakikita ang reaksyon niya.
Kasama ngayon ni Ali sa loob si Alhara, Alhanis at ang ina niya. Habang kasama naman niya sa labas sina Rick, Nick, ang ama ni Ali at ang daddy niya. Pare-parehas na hindi maipinta ang mukha nilang lima kaya naman sila ang magkakasama ngayon.
Hindi niya mabilang kung nakailang buntong-hininga na siya mula pa kanina. Hindi pa nanganganak si Alhana pero alam niyang nahihirapan na ito dahil sa walang humpay nitong pag-iyak at pagsigaw. She’s in pain and Zach felt useless because all he can do for now is to pray and wait until Ali delivers their baby.
Napatayo siya nang biglang lumabas si Alhanis mula sa silid na inuukupa ng fiancé niya. Tama, fiancé pa rin dahil gusto ni Alhana na manganak muna ito bago ang kasal nila. She said she wants to look good in her wedding gown and that their baby will be there when they get married.
“Zach nasaan ang mga gamit ng triplets ninyo?” Aligagang tanong ni Alhanis. “Ipapasok ko na sa loob. Nakuha mo na ba?”
“Oo.” Wala sa sariling sagot niya at itinuro ang tatlong malalaking bag na ipinadala ni Ali sa kaniya. “Ayun ang mga gamit ng trip—.”
Hindi niya itinuloy ang sasabihin nang marealize nito ang sinabi ni Alhanis. Mabilis niya itong nilingon at kulang na lang ay lumuwa na ang mga mata niya sa reaksyon nito. Alhanis is grinning at him at napapailing-iling pa ito sa pamimilog ng mata niya.
“W-what did you say?” naguguluhan niyang tanong dito. “Pakiulit nga ang sinabi mo?”
“Ang sabi ko…” Binagalan pa nito ang pagsasalita at tila binibitin pa siya. “Nasaan ang gamit ng triplets ninyo?”
“T-triplets?” Humawak siya sa pader para hindi mawalan nang balanse ang katawan niya. “Anong triplets?”
“Triplets.” Anito habang inaakto ang paghele ng isang sanggol. “Tatlong anak. Tatlong ulo. Tatlong puso. Tatlong katawan. Ano pa ba?”
“B-bakit triplets?” Takang tanong ni Zach.
“Aba malay ko sa sperm mo.” Pinagtaasaan siya ni Alhanis ng kilay. “Bakit ako ang tinatanong mo? Wala naman akong ambag sa paggawa ng mga anak mo.”
“H-hindi ko alam na triplets,” aniya na halatang naguguluhan pa rin at hindi naniniwala sa sinasabi nito. “Ang sabi lang ni Alhana sa akin ay lalaki ang magiging anak namin.”
Napangiwi si Alhanis sa kaniya kapagkuwan ay tinawanan siya nito. Nagsalubong tuloy ang kilay niya at nilingon ang mga kasama niya na parang walang naririnig at nakatingin sa malayo.
Mukhang pinagtulungan siya ng mga ito at siya lang ang walang alam sa nangyayari. Para makasigurado ay binuksan niya ang bag na inihanda ni Alhana at bumungad sa kaniya ang ultrasound nito. Sa unang tingin pa lang ay makikita na kaagad ang tatlong porma ng sanggol sa sinapupunan ni Ali.
Halos mapugto ang hininga niya nang baliktarin niya ang ultrasound na iyon. She saw a note written by Alhana.
Love,
Surprise! I know it’s shocking but I want you to meet our babies. Yes, my love, we are having a triplets—Hale, Hunt and Hayne. I hope you won’t get mad. Ngayon lang ako makababawi sa’yo. *Evil laugh*
Yours forever,
Alhana.
Pagkatapos niyang mabasa ang note ni Ali ay kaagad siyang pumasok sa silid nito. To her surprise, Alhana looks calm now. Namamaga lang ang mata nito kaiiyak pero mukhang kinakaya naman ni Ali ang sakit na iniinda nito.
BINABASA MO ANG
Lies After Lies (Love Game Series 1)
Romance"Just be honest with me or stay away from me. It's not that difficult." Alhana Isobel Mendez isn't the type of girl who play games. She's honest and straightforward. She can never play with someone's heart. Hindi nito kayang makitang may nasasaktan...