CHAPTER 40

1.8K 43 5
                                    

ABALA si Alhana sa paghahanda ng agahan ng lahat. She is happy and it reflects good on her.

Maaga siyang nagising kahit na anong oras na siyang nakatulog kagabi. Pagkatapos nilang mag-usap ni Zach ay hinatid pa siya nito sa cabin niya.

Hindi niya alam kung dumiretso pa ang binata sa mga kaibigan nitong nag-iinuman pa rin kahit ala-una na ng madaling araw. Hindi niya naman masabi sa binata na huwag nang tumuloy dahil matagal-tagal din nitong hindi nakasama ang mga kaibigan nito. Hinayaan na lang niya na si Zach ang magdesisyon kung tutuloy ba ito sa inuman.

“Hi! Good morning, Chef Ali!” Isang matinis na boses ang nagsalita.

Panandalian niyang itinigil ang paghihiwa ng sibuyas at nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon. She couldn’t help but to admire the beautiful lady standing by the door of the kitchen. Her skin was as white as snow and her hair was bouncy and shiny. Singkit ang mga mata nito at maganda ang pagkapula ng mga labi. She has a long eyelash too.

Oh Gosh! She is beautiful.

“H-hi.” Nag-aalangan niyang bati rito. “Good morning din. Ang aga mo namang nagising.”

“Hautea,” nakipagkamay ito sa kaniya habang abot-langit ang ngiti. “Naglakad-lakad kasi kami ni Zach sa may seashore. Actually, halos wala pa kaming tulog kasi nag-inuman hanggang alas-singco.”

Parang sumikip ang puso niya nang marinig na kasama nito si Zach. She looked away and continued chopping the onions.

“H-hanggang alas-singco?” Hindi makakaila sa boses niya ang pinagsamang gulat at inis. “Ang tagal niyo palang nag-inuman.”

“Malakas silang kainuman eh.” Ani Hautea. “Pero hindi naman uminom si Zach. Nakipagkuwentuhan lang sa amin.”

Tumango na lang siya at hindi na inimik pa si Hautea. She feels insecure whenever she’s around. Napakaganda kasi talaga ng dalaga. She is also well spoken and confident. At the same time, Hautea is also intimidating.

Nanliliit tuloy siya habang nasa loob ng kusina ang dalaga. Napanguso na lang siya nang isiping siguro kaya ito nagustuhan ni Zach ay na kay Hautea na ang lahat.

“I’ve never seen Zach so happy before.” Malambing ang pagkakasabi ni Hautea sa kaniya. “Hindi maalis iyong ngiti niya. Nakatutuwang makita siyang masaya.”

She took a deep breath and look at her, “Gusto mo pa ba si Zach?”

Nanlaki ang mga mata niya nang walang humpay na tumawa ang kausap niya. She was freaking laughing about what she just said. May masama ba sa sinabi niya? May nakakatawa ba roon?

Alhana’s brows furrowed as Hautea continues to laugh. She stayed like that for a while at nang mahimasmasan ito ay nilapitan siya nito at hinawakan ang mga kamay niya.

“Alhana, Zach and I uhm we kinda been together for only two months.” She genuinely smiled at her. “At believe me, hindi ko na siya gusto ngayon. Sa katunayan ay may iba na akong mahal.” Bumuntong-hininga ito, “No. Mali. Mahal ko pa rin iyong lalaking ‘yon pagkatapos ng ilang taon. Pasensya na sa entrada ko kahapon ganoon lang talaga ako kay Zach at hindi kasi nasabi sa akin na nandito ka pala. Kung alam ko lang hindi na sana ako umeksena. Nakokonsensya tuloy ako kasi nawalan ka pa ng malay kahapon. Nakakahiya. Omaygahd sorry talaga.”

Napapikit-pikit siya nang tuloy-tuloy lang na nagsasalita si Hautea. Halos walang preno ang bibig nito at hindi napapagod magsalita. When she comes back to her senses, unti-unti siyang natawa rito.

“You’re laughing!” Hautea noticed even if it was a small laugh. “Alam ko na kung ano iyong sinasabi ni Zach tungkol sa mga ngiti mo!”

“W-what?” Nagtatakang tanong ni Ali.

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon