CHAPTER 24

1.1K 41 166
                                    

Tahimik na pinagmamasdan ni Alhana ang karagatan habang hinihintay niya ang pagdating ni Zach. Nauna silang magkakaibigan na makarating sa isla at hindi sumabay sa kanila ang binata. Ito raw kasi ang piloto ng private plane na sasakyan ng mga kaibigan nito.

She was shocked when Sky announced that Zach will take over the other plane. Wala naman kasing binanggit ang binata sa kaniya sa loob ng tatlong araw na magkasama sila. Hindi niya tuloy mapigilang mainis dito.
Akala niya kasi ay makakasama niya sa biyahe si Zach pero hindi naman pala. Excited pa naman siyang makipagkuwentuhan sa binata.

Mas lalo pa siyang naiirita dahil alas tres na ng hapon ay wala pa rin ang mga ito. Samantalang, alas sais pa lang ng umaga nang umalis sila sa Maynila.

Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha sa sobrang inis niya. Bukod kasi roon ay halos hindi rin siya pinapansin at kinakausap ni Zach simula kahapon.

"What are you doing out here?"

Kaagad niyang nilingon kung sino ang nagsalita. It was Rick. Ito ang kaibigan ni Zach na nakilala niya sa mansyon noong unang beses siyang nakapunta roon.

"Nagmeryenda ka na ba?" tanong nitong muli sa kaniya. "Ang daming pagkain doon."

"Hindi ako gutom." Malungkot ang tinig ni Alhana. "Hinihintay ko si Zach."

"Ohh, matatagalan pa si Zach." Bulong ni Rick. "May inaasikaso siya saglit."

"What do you mean?"

"Kasama ako ni Zach sa eroplano. Kararating lang namin."

"Nasaan siya?" sumigla ang boses niya at bigla siyang napatayo. "Tara! Samahan mo ako. Hanapin natin."

Napakamot ito sa ulo, "Actually, hindi namin siya kasabay papunta sa isla. Nauna kami rito."

Bumagsak ang balikat niya at malungkot na umupong muli sa buhanginan. "Saan daw pupunta?"

"May im'meet daw sa centro."

"Sino naman?"

"You really want to know who?" Rick raised a brow. "I don't think so."

Tumayo ito at naglakad palayo sa kaniya. Naiwan siyang nag-iisip kung sino ang kikitain ni Zach. Mukhang mas importante iyon dahil wala rito ang binata. At ang masakit pa ay wala man lang itong pasabi.

Not even a single call or a text coming from him.

She stayed there for a little while to calm herself down. Mukhang kakailanganin niyang ipanatag ang loob niya at iwasang gumawa ng senaryo sa isip niya. After a few minutes, tumayo siya at nagtungo sa cabin kung saan kumakain ang mga kaibigan niya.

"Oh! Bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni Cielo. "Anong meron?"

"Wala pa kasi si Zach." Sagot ni Alhara. "Sky told me may dinaanan lang daw saglit sa centro. Baka papunta na rin iyon dito."

"Hindi man lang siya tumawag o nagtext..."

"Huwag ka na malungkot huy." Sabi ni Bless na nasa tabi niya. "Baka kasi emergency kaya hindi na nakatawag sa iyo."

"Sa cabin na muna ako." Saad niya sa mga kasama. "Puyat din ako kasi hindi ako nakatulog sa sobrang excited ko. Gisingin niyo na lang ako mamaya."

"Ha?! Hindi ka ba sasali? Maglalaro pa naman kami ng beach volleyball." Alhanis pouted at her. "Manuod ka na lang para malibang ka naman."

"Hindi na ate. Gisingin niyo na lang ako mamaya okay?"

Wala nang nagawa ang mga ito kung hindi ang hayaan siyang makapagpahinga. Nang makarating siya sa cabin nila ni Zach, kaagad siyang humiga sa kama at kinuha ang telepono niya sa bedside table. Pagbukas niya nito ay wala kahit ni isang text o tawag ang binata.

Lies After Lies (Love Game Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon