Chapter 4

10 1 0
                                    

[ Enjoy! :) ]

***

C H A P T E R   F O U R

___

I'm currently standing while leaning on my room's balcony door habang nakatanaw sa malayo. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at napapikit. Agad din akong napamulat nang maalala ko ang pangyayari noong gabing iyon.

Ilang beses kong nahampas ang noo ko. "Ano ba, Grace? Kalimutan mo na iyon. Shit!" I scold myself at napapikit ng mariin at pilit inaalis ang mga senaryong naganap noong gabing iyon. "Nangyari na iyon, wala ka ng magagawa pa." I sigh.

"Grace..."

Napakurap ako ng may tumawag sakin at doon ko lang namalayan na kanina pa pala ako nakatulala. Tiningnan ko kung sino iyon and I saw my bestfriend, nakasilip ito mula sa pinto.

"Hey,"

"How are you?" She suddenly asked bago tuluyang pumasok sa loob. She closed the door using her right foot since she was holding a tray using both hands.

"Huh? Anong klaseng tanong iyan? Lagi naman tayong magkasama, ah." I confusedly responded as she's walking toward me.

"Is there something bothering you?" Natigilan ako sa sunod nyang tanong and at the same time, I felt a little nervous.

Does she know? Kung may alam sya, sino naman kaya ang magsasabi dito. I don't know someone na maaring magsabi sa kanya except to one person... Arcko. But it's impossible dahil simula noong maghiwalay kaming dalawa ay hindi na din sila nag-usap pa. Did someone see us and sinabi kay Ali?

I sigh and composed myself.

"Wala naman," I answered. Thank God! I didn't stutter. "Bakit mo natanong?" I watch her as she carefully places the tray on the table sa balkonahe nang makalapit sya.

"Here's your breakfast and please, don't lie to me, Babe. I know there's something bothering you, what is it? Hmm..." She crossed her arms over her chest and looked at me raising her right eyebrow.

"I'm not lying and wala talaga." I still denied as I ran my hands through my hair.

"Anong you're not lying? eh, you just did. Grace, I know you so well kaya naman wala kang maitatago sakin." Napaayos ako ng tayo when she called me by my name, it means she's serious and this time she's glaring at me. I gulped.

"Paano mo naman nasabi?"

"Pansin ko kasi kinabukasan matapos noong party, you always spaced out and laging malalim ang iniisip mo. You've been like that for three days already, kaya naman I know there's something bothering you. Ano ba 'yon? Baka may matulong ako." I stared at her ng matagal thinking if I would tell her. She gave me a soft smile.

I sighed and naglakad palapit sa kanya para maupo and ate the breakfast she brought for me. Sumunod naman sya and sat in front of me. Habang kumakain ako ay she was just there silently and patiently waiting for me to finish. I'm thankful for that because at the same time I could think kung paano ko ito sasabihin sa kanya.

"What now?" She speaks ng maibaba ko ang baso ng juice matapos kong uminom. "Look at me." She demand dahil naging mailap ang mata ko at iniiwasan kong tumingin sa kanya.

"Grace!" She warned, kaya naman wala akong mapagpipilian kung hindi ang tumingin sa kanya.

"Hindi ko alam..." mahinang bulong ko at mula sa pagkakatingin sa kanya ay nagbaba ako ng tingin.

GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon