***
C H A P T E R O N E
---
"Babe," lumingon ako sa katabi ko ng tawagin nya ko pero ang mga mata nya ay nakatutok sa hawak na cellphone.
"Bakit?" tinago muna nya ang phone nya bago tumingin sakin na may ngiti sa labi.
"Hindi ako makakasabay sayo umuwi." sabi nya habang kumikislap ang mga mata.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"I have a date." She smiled sweetly.
"Ha? Di ba nasa US si Francis? At saka isa pa, di ba sabay sila ni Papa na uuwi dito?" takang tanong ko.
Napakamot naman sya sa ulo nya. "Hindi ko din alam, Babe. Basta nag text na lang sya sakin na nandito na sya tapos niyaya akong lumabas."
"Nasabi nya ba kung kasama nya si Papa? Hindi pa kasi tumatawag si Papa since kaninang umaga then noong tumawag naman ako cannot be reach."
"Wala syang nabanggit." nanlumo naman ako sa sinabi nya at pilit na ngumiti. Tumingin naman sya sakin na may pag-aalala sa mata kaya naman inalis ko ang pilit na ngiti at binigyan na lang sya ng maliit na ngiti. "Tara na nga! sabay na lang tayo lumabas."
"Susunduin ka ba?" I asked habang naglalakad kami papuntang parking.
"Yup." she said popping the letter 'p'
Pagdating namin sa parking lot ay dumeretso kami sa kung saan naka-park ang kotse namin.
"Ingat ka ha? Drive safely." Paalala nya sakin habang binibigay ang susi ng kotse. I nodded. "Oh? Ano pang ginagawa mo? Hindi ka pa ba uuwi?"
"Mamaya na 'ko uuwi kapag nandito na si Francis. Wala kang kasama dito." Delikado na ang mag-isa sa panahon ngayon lalo pa at maganda babae pa naman itong si Alicia, kahit sabihin natin na nasa school premises pa rin kami. Hindi natin masasabi ang panahon.
"Awww... ang sweet sweet talaga ng Bebe ko." she teased as she hugged my left arm at malambing na isinandal ang ulo sa balikat ko. Ipinatong ko naman ang ulo ko sa ulo nya habang pareho kaming nakasandal sa kotse.
"Alam mo namang ikaw lang ang bestfriend ko and also my sister kahit na hindi tayo magkadugo and I love you so much that I don't want anything bad to happen to you." I said softly. I heard her sigh at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya sa braso ko.
"I love you too-"
Naputol ang kanyang sasabihin ng matanaw namin ang sasakyan ni Francis. Napaayos naman kami ng tayo ng makitang bumaba ito at naglakad palapit samin.
"Hon!" Ali shouted and she immediately jumps to Francis and hug him nang makalapit ang huli. "Namiss kita." I heard her say.
"I miss you too." Francis said habang yakap si Ali at hinahaplos ang buhok ng kaibigan ko. "How are you?"
"Ayos lang ako. Namiss talaga kita, ilang buwan ka nang hindi nakakadalaw dito." Ali said habang hinahawakan ang magkabilang pisngi ni Francis bagi ito halikan. Napatawa naman ang huli.
I smile habang pinagmamasdan ko ang dalawa na mag-usap because I m happy seeing both of them happy.
Nang maghiwalay ang dalawa ay saka naman lumapit sakin si Francis.
"Hey, cousin. How are you?" Francis kissed my cheeks. Napangiti naman ako sa kanya.
"Masaya dahil gagraduate na din kami. Ikaw? Kamusta ka? Si papa ba kasabay mo?"

BINABASA MO ANG
Grace
General FictionSTANDALONE | COMPLETED | Grace is the name and she really lives her name. Grace Cruz is a kindhearted and selfless woman. She gave up Arcko Roel, her own happiness for the sake of a child to have a complete family. And in the middle of her painful...