Chapter 10

2.5K 138 18
                                    

Mp3

Hindi ko inintindi ang tingin na ibinibigay ng dalawang taong ngayon ay kasama ko sa kuwarto ko. Pilitin ko man silang umalis at iwan ako ay hindi nila 'yon pinakinggan at nanatili rito para samahan ako. Ayoko ng drama at hindi naman na kailangan no'n dahil magkikita pa rin naman kami ulit. Pero kung umasta sila ay para bang sa ibang bansa ako pupunta gayong dito lang din naman sa Pilipinas ang destinasyon ko.

Naiiling na nagpatuloy ako sa pagtiklop ng mga damit na nakakalat sa kama ko at maayos na isinasalansan ang mga 'yon sa itim na maletang dadalhin ko. Isang araw matapos ang naging pagpayag ni Tadeo ay agad na kumilos ang mga kapatid niya para ipalinis ang titrhan naming dalawa. Halata sa kanila na masaya sila at talagang pinaghandaan noon pa man dahil mayroon ng lugar kaming titirhan.

At isang linggo matapos ang araw na 'yon ay handa na kaming dalawa para lumipat sa bagong titirhan namin ni Tadeo. Bukas, tutulak na kami sa condo unit na titirhan namin. Although, Sir Theo initially wanted to let us stay in one of his houses, Tadeo battled it out para hindi mangyari. Kaya ang ending ay sa condo niya kami titira na malapit sa kompanya niya. Wala namang problema sa akin dahil ang kailangan ko namang gawin ay alagan si Tadeo at wala ng iba.

"Why does it feel like you're moving out to live with your husband?" tanong ni Kuya Cael na bumigla sa akin.

"Kuya!" histerya ko. "Anong klaseng imahinasyon naman 'yan! Pasyente ang kasama ko, hindi nobyo."

Umani ang sagot ko nang tawa mula kay Mama na nakatayo sa tabi ni Kuya. "It really does feel like that, anak. Naiintindihan ko ang Kuya Cael mo. Kahit ako ay gano'n din ang nararamdaman."

"Ma?!" Hindi makapaniwala tiningnan ko siya at ang ngiting nakapaskil sa mga labi niya. "Pati ba naman ikaw?"

"Anak, kung hindi ko nga lang alam na pasyente mo ang makakasama mo ay talagang iisipin ko na aalis ka para tumira sa isang bubong kasama ang nobyo mo." Mahina siyang natawa bago sumandal sa balikat ni Kuya. "Kidding aside. I want you to take care of your health, Tin. Not just on the physical aspects but also your mental health. Just be healthy. That's all I need. I don't want to host another burial anymore, lalo na kung isa sa inyo ng Kuya mo."

"Stop talking like that, Ma," suway ko.

She just smiled at me and continued watching me fold my clothes. Nagkatinginan kami ni Kuya. Katulad ko, may lungkot din na mababasa sa mga mata niya. It has always been a sensitive topic in this house. Talking about death and my late father. Palaging nauuwi sa emosyonal na usapan kaya madalas naming iniiwasan.

I don't know if this was because of our genes, but all of our family members tend to have a weak heart. We all are emotional and it's so easy to make us cry. Kahit si Kuya na lalaki ay napakadaling paiyakin. Kahit sa maliit na bagay ay nagiging emosyonal na agad kami. Kaya mahirap pag-usapan si Papa dahil hindi malabo na iiyak ang isa sa aming tatlo.

"How long will you stay there?" tanong ni Kuya na hindi ko agad nagawang sagutin.

Hanggang kailan nga ba? Hanggang maubos ang tapang ko? Hanggang sa maupos ang dedikasyon ko? Wala sa naging usapan namin ni Mrs. Celino at Doc Tatiana kung hanggang kailan ako mananatili roon. Wala rin silang nabanggit kung may hangganan ba ang tungkulin ko kay Tadeo.

Napailing na lang ako sa kawalan ng ideya sa tanong na 'yon ni Kuya. "Hindi ko rin alam. Siguro kapag napagod na ako. Kapag ginusto ko nang umayaw."

"Mapagod? Ano bang sakit nang aalagaan mo?" nagtatakang tanong ni Mama.

Muli kong binalingan si Kuya Cael. Nakangiwing tinanguan niya ako bilang senyales na nakuha niya ang gusto kong iparating.

"Let's eat dinner, Ma," biglang anyaya ni Kuya.

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon