Chapter 23

2.3K 119 5
                                    

Gone

The unfamiliar scent of medicine was the first thing that I noticed upon gaining my consciousness. Sarado man ang mga mata ko'y alam ko na kung nasaan ako. At hindi nga ako nagkamali nang sa pagdilat ko ng mga mata ko ay puting kisame at pader ang nabungaran ko.

Pairs of eyes were diverted towards my direction, stares reflecting the worry they all feel towards me. Tatlong tao ang naroon, hindi gaya ng inaasahan kong isa lang dahil isa lang naman ang kasama ko kagabi bago ako nawalan ng malay dahil sa panghihina sa nangyari.

Ramdam ko pa rin ang kirot sa bandang sikmura ko. Ang hapdi at ang 'di komportableng pakiramdam na nagpapahirap sa akin na kumilos na naaayon sa kagustuhan ko. Maski ang simpleng paghinga ng malalim ay hirap ko pang gawin dahil sa tuwing lumolobo ang tiyan ko ay kirot ang kapalit.

Pero alinman sa mga pisikal na sakit na nararamdaman ko ay hindi kayang tapatan ang pag-aalalang dinodomina ang pagkatao ko ngayon. Ang kaninang kalmadong tibok ng puso ko, wala pang isang minuto matapos muling pumasok sa isip ko ng imahe ni Tadeo. Muling nanumbalik sa akin ang nakitang takot sa mga mata niya, kung paanong binalot siya ng pagkataranta at pagsisisi dahil sa hindi sinasadiyang nagawa.

"Si Tadeo?" agad na tanong ko sa tatlong lalaking naroon. Isa-isa ko silang tiningnan sa pag-asang maski isa man lang sa kanila ay sasagot sa tanong ko.

Alam ko na ang sagot, malinaw na sa akin kagabi pa lang na umalis kami sa lugar na iyon. Maging sa mga nakalipas na araw na ipinararamdam niya ang pamamaalam niyang gusto ko sanang pigilan ngunit kabiguan ang aking nakuha pabalik.

Pero umaasa pa rin ako na iba ang maririnig kong sagot ngayon na papabor sa akin. Ang puwang na naramdaman ko kagabi nang iwan siyang nakatayo roon habang pinanonood kami paalis ay mas lalo pang lumawak ngayon na naging klaro na ang lahat sa isip ko.

"Clementine, kamusta ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Kuya Cael sa akin na hindi pinapansin ang tanong ko.

"Sir Theo," sa halip ay pagkuha ko ng atensyon ng kapatid ng pasyente ko. Nakaupo siya sa sofa na para sa mga bisita na nasa kaliwang bahagi ng private hospital room kung ang susundang direksyon ay ang sa posisyon ko. Nakayuko siya sa mga magkahugpong niyang mga kamay habang nakatukod ang siko sa magkabilang tuhod. "Sir, nasaan ho si Tadeo?" nagsusumamong tanong ko. "Kailangan kong panatagin ang loob ko, Sir. At hindi ko ako makakampante kung hindi ko malalaman kung nasaan siya."

Hindi niya ako sinagot. Maski ang sulyapan man lang ako ng mabilis na tingin ay wala. Nanatili lamang siyang nakakulong sa malalim na pag-iisip habang matiyaga akong naghihintay. Pero kahit abutin pa yata ng ilang oras ang dumaan sa pagitan namin ay mananatiling nakasarado ang kaniyang bibig.

"Sir naman, panigurdong sinisisi na naman niya ang sarili niya. Baka nagkukulong na naman iyon. Baka kung anu-ano na naman ang tumatakbo sa isip niya ngayon," puno nang pag-aalalang hayag ko.

Wala pa rin akong nakuhang tugon. At habang tumatagal na naghahari ang katahimikan sa apat na sulok ng kuwartong iyon ay mas lalong lumalala hindi lang ang pag-aalala kundi maging ang iritasyon sa hindi makuhang sagot.

Pinilit ko tumayo na agad dinaluhan ni Kuya Cael. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kuya sa hindi pagsang-ayon sa pagkilos na ginawa ko. "Dahan-dahan, Clementine," istriktong saad niya.

Parang isang batang nag-aasam ng isang regalo na kumapit ako sa laylayan ng kulay mapusyaw na berdeng t-shirt niya. "Kuya, may alam ka ba? Alam mo ba kung nasaan siya?"

Mas lalo akong nalugmok nang ilingan niya ako. "Wala akong alam na kahit ano, Clementine. Tinawagan lang ako ni Rehan na nandito ka raw sa ospital kaya napasugod ako. Intindihin mo ang sarili mo, ang sugat mo. Saka na ang pag-intindi sa ibang tao."

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon