Chapter 18

2.1K 123 3
                                    

Validation

Mabilis na namutawi sa akin ang kaba nang makita ang pangalang nakasaad sa cellphone ko na nakapatong sa side table sa gilid ng kama ko. Kaba na hindi ko matukoy kung ano nga ba ang totoong dahilan. Kung dahil ba sa huling memorya ko tungkol sa kaniya kung paano siyang naglahad ng mga nararamdaman. O kaba dahil sa presensya ng isang taong kasa-kasama ko sa iisang bubong.

Nasa isip ko na ignorahin ang tawag ngunit alam kong kabastusan iyon lalo na at wala akong matinong dahilan para gawin iyon. Kaya sa likod ng kaba, sinagot ko ang tawag at itinapat ang aparato sa aking tainga.

"Rehan," malumanay na pagbanggit ko sa pangalang ilang linggo ko ring hindi nasabi o narinig man lang.

"Clem, I hope I am not interrupting something," may himig ng hiya na saad niya.

"Hindi naman." Tumayo ako matapos ay lumabas ng kuwarto ko upang magtungo sa balkonahe ng unit ni Tadeo.

Wala ang lalaki dahil naliligo siya ngayon. Binigyan niya naman ako ng assurance na kaya na niya ang sarili niya kaya hindi na niya hiningi ang tulong ko, lalo na sa pagbibihis niya.

Bagaman alam kong kaya niya na talaga, nag-aalala lang talaga ako dahil likas sa ugali ni Tadeo ay ang madalas na pagkairita. Kaya hindi malabo na kung inis na naman ang mararamdaman niya kung sakali man na papalya ang kamay niya.

"Bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko kay Rahan nang sa wakas ay marating na ang balkonahe ng condo.

"I just want to check you out." Buntong-hininga ang naging kasunod nang pagsasalita niya kaya nahinuha ko ang kabang nararamdaman niya. "I actually intended to call you the next day after we met, kaso pinganunahan ako ng kaba kaya umabot ng ganito katagal."

Mahina akong napatawa at hindi inaasahan na dahil sa narinig ay tuluyang naalis ang aking kaba na naramdaman ko nang makita ang tawag niya. "Nakakatakot ba akong tao para abutin pa ng halos tatlong linggo para alisin ang kaba mo?"

Unti-unti kong naramdaman ang kaginhawaan habang kausap siya. Rehan is the type of person na sobrang daling makasundo at magaan kausap. He's gentle and he is always cautious. He would make you feel that you are important for he would focus his attention solely on you when you are with him. Na para bang importante ang lahat ng sasabihin mo.

Katulad ng unang pagkakataon na nakapag-usap kaming dalawa dahil sa graduation picture noong fourth year na kami. Kahit na iyon ang unang beses na nakita ko siya, maingat ang naging pakikitungo niya kasabay nang pagpaparamdam na hindi ako dapat mailang o mahiya.

At kahit hindi kami iyong tipong matagal nang nagkakausap at kung tutuusin ay bilang lang sa daliri ang mga pagkakataon na nagkasama kami, pero magaan ang loob ko sa kaniya. He's more than just a stranger but I feel shy addressing him as a friend. Baka kasi ako lang ang nag-iisip na nasa gano'n na kami ng punto ng pagkakakilala namin.

He let out a chuckle and I just found myself letting go of a smile. "You intimidate a lot of people, Clementine."

Napangiwi ako lalo na at hindi lang naman ito ang unang beses na narinig ko iyon. "I want to contradict you but I heard that from a lot of people."

"Yeah? I could tell," sabi niya at sinundan nang tawa. "But seriously, Clementine, I called because I want to ask you something. And I am hoping that you would say yes."

"What is it, Rehan?"

"Meet me," may himig ng pakiusap na saad niya, mahina at umaasa.

Bago pa man ako makasagot ay rumehistro na agad ang mukha ni Tadeo sa isip ko. Kung dahil ba sa kailangang palagi akong nasa tabi niya o dahil ba sa mga bagay na narinig ko mula sa kaniya ay hindi ko matukoy ang eksaktong dahilan. Alinman sa dalawa, hindi ko lubos na matukoy at hindi na mahalaga dahil si Tadeo lang naman ang parehong dahilan.

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon