Confession
"Sigurado ka bang okay ka lang? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" nag-aalalang tanong ko sa lalaking kasama ko.Magmula ata nang alisin niya sa pandinig niya ang earphones na bigay sa akin ni Rehan ay hindi na siya muling umimik. At isang oras na ang nakalipas mula nang sandaling 'yon at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako iniimik.
Ilang beses ko na rin siyang tinangkang kausapin ngunit palagi niya akong inuunahan nang pagpikit at pagkukunwaring umiidlip. Hindi mapayapa ang kalooban ko sa pag-iisip kung ano ba ang naging problema. At kinakain ako ng matinding pagnanais na mapakinggan ang sinasabi niya na siyang sa tingin ko ay saralin kung bakit nagkakaganito siya.
"Tadeo," tawag ko na hindi niya pa rin pinansin.
Nawawalan ng pag-asa na napabuntong hininga na lang ako at muling itinutok ang mga mata sa daan na kailangan naming tahakin. Patuloy na naghari ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa marating namin ang condo niya.
Nauna akong bumaba sa kaniya na agad din niyang sinundan. Sa buong durasyon ng halos dalawang oras naming biyahe ay ngayon lang kami muling nagkalapit. Hinaluan pa nang hindi magandang timpla ng mood niya kaya'y hindi ko alam kung ano ba ang nararapat na maging reaksyon ngayon. Gusto ko siyang kulitin at usisain ngunit takot akong mas lalo pang sirain pa ang mood niya kaya mas pinili ko ang manahimik na lang.
Walang imik na binuhat ko ang maleta ko bagaman mabigat 'yon. Pero bago ko pa man tuluyang maiangat ang bagay na 'yon ay naunahan na ako ni Tadeo at siya na ang umako ng dapat na gagawin ko. Gamit lang ang kanang kamay ay binuhat niya ang maleta at ibinaba sa tabi ng kaniya na nauna na niyang nakuha. Ang tanging nagawa ko na lang tuloy ay ang buhatin ang may katamtamang laki na box na naglalaman ng mga gamit niya pang-opisina.
"Ako na, Clementine," marahang saad niya na ang tinutukoy ay ang sabay na paghila na gagawin ko sana sa dalawang maleta. "Ito man lang ay magawa ko para sa iyo."
"Okay lang. Trabaho ko na alagaan ka," giit ko kahit na naguguluhan ako sa gusto niyang ipunto sa mga salitang binitawan niya.
"Pero hindi ang maging katulong ko, Clementine." Bumuntong hininga siya at kinuha ang box na ipinatong ko sa trunk ng sasakyan. Inilagay niya 'yon sa ibabaw ng maleta niya para sabay na madala ang dalawa. "I already made you my driver. And I don't want to make it more worst by making you do things that I could certainly do."
"Tadeo," bulong ko.
Wala akong ibang nagawa kundi ang panoorin siyang magsalita, mataman na makinig sa bawat linyang binibitawan niya, at ang pasimpleng pagpipigil ng ngiti na gustong kumawala. Nakaka-proud sa parte ko na marinig at makita siyang gawin ang mga bagay-bagay ng walang takot sa kung anong puwedeng kahinatnan dahil sa kamay niya. Nakabibilib na sinusubukan niya sa kabila ng hirap na alam kong naramdaman niya sa kaloob-looban niya.
"Allow me to do this, alright?" Marahan na tango ang isinagot ko. "Just check your other things inside the car."
Mabilis na tumalima ako. Kinuha ko ang naiwang bag sa loob at maging ang mp3 player dala ko. Mabilis na sinundan ko ang paglalakad niya habang hila ang dalawang maleta gamit ang magkabilang kamay.
Pilit na hinabol ko siya at agad na kinuha sa kaliwang kamay niya ang maleta ko na dala niya. Wala akong narinig na kahit na anong reklamo kaya nagpatuloy na lang kaming dalawa sa paglalakad. Maging ang pagsakay namin sa elevator ay napuno pa rin ng katahimikan. Pareho lang kaming nakaharap sa saradong pinto, hinihintay 'yon na dalhin kami sa tamang palapag.
"Who gave you that?" tanong niya sa akin maya-maya.
Mula sa metal na pinto na nagpapakita ng aming repleksyon ay nasundan ko nang tingin ang bagay na tinutukoy niya. Nakita ko kung paanong naging tutok ang mga mata niya sa mp3 na hawak ko pa rin hanggang ngayon. At kung posible lang at hindi ako pinaglalaruan ng sariling imahinasyon, iisipin ko na masama ang pagkakatingin niya roon.
BINABASA MO ANG
A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)
RomantizmRare Disorder Series #2 𝘞𝘢𝘵𝘵𝘺𝘴2021 𝘚𝘩𝘰𝘳𝘵𝘭𝘪𝘴𝘵 complete | unedited "I'll stay by your side even at the expense of my own life." Clementine Guinto, a nurse and a daughter of an average family. She only wanted one thing in her life. To...