A/N: May mga bagong username akong nakikita na nagvo-vote at comment sa story na ito. Maraming salamat po sa inyo! As well as sa mga silent reader. Thank you po! ♡
Healing
"What's that?"
Mabilis na nabuhay ang kaba sa dibdib ko nang marinig ang nagtatanong na boses na iyon ni Tadeo mula sa likod ko. Hindi naman galit ang tono ng boses niya. Normal lang iyon at nag-uusisa pero ang epekto sa akin ay kakaiba. Para akong ipinasok sa interrogation room at doon ginigisa ng tanong samantalang simpleng kuryosidad lang naman ang dating ng pagtatanong niya sa akin.
Pinanatili ko ang pagkakapako ng paningin ko sa papel na sinusulatan at hindi na siya binalingan sa takot na baka mas lalo lang matuliro kapag nakaharap na siya. Walang oras o araw ang nagdaan na naramdaman ko ang kapayapaan. Normal man ang pagdaloy ng mga lumipas linggo sa aming dalawa ay hindi ako nilubayan nang mga napag-usapan namin dalawang linggo na ang nakararaan. Palagi akong hinihila pabalik sa tagpong iyon at pinaaalala sa akin ang mga salitang narinig mula kay Tadeo.
He kept himself busy for the past two weeks doing his paper works. While I did nothing but stare at him most of the hours that we'll be together. To say that I was bothered would be an understatement to how I was for the past weeks.
Hindi lang kaguluhan na dulot ng mga salita niya ang bumagabag sa akin kundi maging ang kaguluhang nararamdaman ko rin sa sarili ko. Hindi ko magawang mapangalanan ang eksaktong nararamdaman ngayon dahil tila wala ako sa katinuan dahil din mismo kay Tadeo.
Hindi ko alam kung paano aakto sa harapan niya. O kung anong klaseng pakikitungo ang dapat na gawin upang huwag ng gawin pang mas nakaiilang ang sitwasyon. The worst part is, Tadeo is acting as if he was not the cause of my confusion. He has been living his everyday life just fine. Habang ako ay ilang minuto pa munang hahanapin ang tamang posisyon upang agad na makatulog at maiwasang punuuing muli ng mga salita ni Tadeo ang isip ko.
"We are running out of stocks. Plano kong bumili ng supplies natin dito." imporma ko sa kaniya, hindi siya nililingon para tingnan. Pilit kong pinakaswal ang boses ko upang huwag niyang mapansin ang ilang na nararamdaman ko ngayon.
"Tatawagan ko na lang si Daniel para ibili tayo ng mga kakailanganin dito. Ilista mo na lang ang mga gusto mong ipabili," tugon niya.
"Hindi ba puwedeng ako na lang ang ang umalis? Kaya ko naman," tanggi ko. Alam kong nakapako sa akin ang paningin niya mula sa likuran ko kahit na hindi ko siya nililingon. "Let's not bother your right man. I could do it alone."
"Ikaw mag-isa?" Narinig ko ang pag-upo niya sa sofa na sinasandalan ko dahil sa sahig ako nakaupo. At dahil doon ay unti-unti na namang bumilis ang tibok ng puso ko. "At sa tingin mo hahayaan kitang umalis ng walang kasama?"
Napangiwi ako sa istriktong boses na ginamit niya. Ang dating tuloy ay para akong isang bata na may nagawang kasalanan kahit na wala naman talaga. Hindi siya galit pero kaba ang dulot sa akin ng simpleng pag-uusap lang namin. At nagsimula ang lahat ng ito dahil lang sa pag-amin niyang hindi kailanman nawala sa isip ko.
It was as if his words were played repeatedly on my head. Sa tuwing mababakante ako ng kahit na saglit lang na minuto ay palaging iyon na ang pumupuno sa isip ko. He didn't respond to what I said that time. He just smiled at me and assured me that he's fine.
"Who do you expect me to go with? You?" Tumingala ako at tiningnan siya kahit na baliktad ang rehistro ng mukha niya sa paningin ko. "Eh, alam naman nating pareho na hindi ka pa handa na lumabas at makisalamuha sa iba. Hindi ko gusto na pilitin ka at dagdagan pa ang stress mo lalo na't kaya ko namang gawin ang bagay na ito."
BINABASA MO ANG
A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)
Любовные романыRare Disorder Series #2 𝘞𝘢𝘵𝘵𝘺𝘴2021 𝘚𝘩𝘰𝘳𝘵𝘭𝘪𝘴𝘵 complete | unedited "I'll stay by your side even at the expense of my own life." Clementine Guinto, a nurse and a daughter of an average family. She only wanted one thing in her life. To...