Curiosity
"Sama ka na sa loob para isahan na lang," biro ko nang matanaw ang tatlong malalaking letra na bumubuo sa pangalan nang pinagtatrabahuhan kong ospital.
Kahit hindi ko siya lingunin ay ramdam ko ang talim nang tingin na ibinibigay niya sa akin. I grin at that thought. Asar talo talaga.
Tinitigan ko ang tatlong nanglalakihang letra na una mong mapapansin malayo ka pa man sa lugar. Sa umaga ay kulay puti lang 'yon ngunit sa gabi ay iniilawan upang mas makita ng mga tao sa kabila ng kadiliman ng langit.
OPH. Osfield Psychiatric Hospital.
"Should I pick you up?" tanong niya na nagpalingon sa akin sa kaniya.
"Malamang. Wala naman akong dalang sasakyan."
"Sabi ko nga po, eh."
Inihinto ni Kuya Cael ang sasakyan sa tapat mismo ng gate ng ospital. Ngunit imbes na lumabas agad roon ay nanatili ako sa kinauupuan ko at kinuha ang pinataka sa loob ng maliit na jansport backpack na dala ko. Kumuha ako roon ng limang daan at ibinigay sa kaniya.
Nagtatakang nagpalit-palit naman siya nang tingin sa akin at sa pera na nakalahad sa harapan niya. "Para saan 'yan?" tanong niya.
I shrugged my shoulders and put the money on top of his palm. "You have a long day ahead of you, brother. Mahirap maghanap ng trabaho. Use that to buy food and whatever you need."
Malawak na nginitian ko siya at humalik sa pisngi niya bago nagmamadaling lumabas sa sasakyan para hindi na siya magkaroon pa ng pagkakataon na maibalik sa akin ang pera. Nagtuluy-tuloy ako papasok at tahimik na tinahak ang daan papasok sa ospital. Knowing my brother, he would definitely return the money to me. Pero alam ko naman kasi na kailangan niya talaga ngayon ng pera.
It's been six months since the call center company he's working at shut down. Hindi ko rin alam ang buong detalye. Ang alam ko lang ay wala na siyang trabaho ngayon at kasalukuang naghahanap pa. Magiging madali lang sana kung nakapagtapos siya nang pag-aaral niya pero hindi. Dahil huminto siya bago pa man siya tumuntong nang third year collage para magbigay daan sa pag-aaral ko.
Money was never an issue to us during our childhood days. Hindi man kami mayaman na mayaman pero nakararaos naman kami sa araw-araw. May sariling restaurant si Mama at Papa noon pero mabilis na nagbago ang buhay namin sa isang iglap lang. Ang buhay na kung saan wala kaming pinoproblema ay biglang napalitan ng isang buhay na kulang na lang ay hindi kami makakain sa loob ng ilang araw.
Walang-wala kami noon dahil kamamatay lang ng papa ko noon sa sakit sa puso. We lost all the remaining money we had for his medication. From the restaurant, the jewelries, and anything that has monetary value. Mabuti na lang at bago pa kami tuluyang mawalan ng bahay ay may nagbigay ng tulong pinansyal sa amin kaya hindi na namin naisanla ang bahay. Kung nangyari man 'yon ay paniguradong sa lansangan kami pupulutin. I was an incoming first year student at that time and I was ready to give up my studies but kuya Cael, my brother, made a way for me.
"Good morning, Clementine!" masayang bati sa akin ni Shane na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamot sa nursing station. Tumigil siya sandali at bahagyang dumukwang para mas mapalapit sa akin. "Kamusta sa top floor kagabi?" mahinang tanong niya na para bang isang kasalanan ang pinag-uusapan namin.
"Kailangan bumulong talaga?" ganting bulong ko.
Tumango-tango siya. "Oo. Dali na, anong nangyari?"
Kusang nagbalik-tanaw sa akin ang mga pangyayari kagabi. Mula sa anyo niya hanggang sa mga kakaibang bagay na napansin ko sa kaniya. Ngunit ang mga kakaiba at salungat na mga kilos niya ang talagang mas nakapagpapagulo sa isip ko.
BINABASA MO ANG
A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)
RomanceRare Disorder Series #2 𝘞𝘢𝘵𝘵𝘺𝘴2021 𝘚𝘩𝘰𝘳𝘵𝘭𝘪𝘴𝘵 complete | unedited "I'll stay by your side even at the expense of my own life." Clementine Guinto, a nurse and a daughter of an average family. She only wanted one thing in her life. To...