Chapter 21

1.9K 115 6
                                    

Too Late

"Klaruhin mo ang isip mo, Tadeo," asik ni Sir Theo na nagmumula sa kuwarto ng lalaki. "Huwag kang gumawa ng desisyon habang magulo pa ang takbo ng isip mo."

Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng silid pero rinig na rinig ko na ang nagtitimping boses niya. Ang lakas ng boses niya ay repleksyon ng kinikimkim na galit na kanina niya pang tinitimpi. Hindi ko personal na kilala si Sir. Kung ano ang pag-uugali niya at kung paano niya pakitunguhan ang mga tao. I only knew him by his name and position in our institution. Bukod sa mga bagay na iyon ay estranghero siyang maituturing sa akin.

But when it comes to his brother, he has always been consistent in showing his care and love for him even though his words don't always match his actions. Makikita mo sa kaniya na totoo ang pagmamahal niya sa kapatid. Kung paanong handa niyang gawin ang lahat para sa kaniya na kahit akuin niya na ang lahat ay gagawin niya.

"Let me go back, Kuya," pakiusap niya sa nakatatandang kapatid. Ang hirap ay naroon sa boses niya na nahahaluan ng pagod na marahil ay dahil sa mga kaguluhang nangyari kanina. "Ayaw ko nang ipilit ang sarili ko rito. Siguro ay hanggang dito lang talaga ako. Mas mainam na nandoon na lang ako, mag-isa at malayo sa mga tao."

"Hindi iyan ang solusyon, Tadeo. Alam mo iyan sa sarili mo. Inaasahan na natin, diba? Malinaw naman sa atin na hindi magiging madali para sa iba na tanggapin at intindihin."

"Pero mahirap kasi," Tadeo sighed. "Mahirap tanggapin at masakit isipin na kung ipipilit kong hanapan ng lugar ang sarili ko sa isang mundo na kailanman hindi ako maiintindihan, takot ang maidudulot ko sa mga tao."

Pakiramdam ko kanina ay wala na akong ibang mararamdaman kundi ang awa at sakit. Ang galit at hinanakit. Pero ngayon, may mas ilalala pa pala ang mga iyon. Parang may nakabara na kung ano sa daluyan ng hangin ko na pinahihirapan akong makahinga ng maayos. Naging malalim ang bawat paghugot ko ng hangin na hirap akong ilabas sa tahimik na paraan dahil ang resulta ay ang matunog na buntong-hininga.

Hindi ko madetermina kung mabilis ba o mabagal ang bawat pintig ng puso ko dahil may mga pagkakataon na mabilis iyon ngunit bigla-biglang babagal sabay lalakas at kakabog ng matindi. Alam kong ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay dulot ng mga sabay-sabay na nangyayari kay Tadeo.

Masyadong mabilis at napakabigat ng lahat na isang bagsakan lang ibinigay. Ang kinahinatnan nang pagbisita ni Tadeo sa Cuddle Bears. Mga pag-amin ni Rehan na hindi ko pa rin magawang paniwalaan. At ngayon nga'y ito naman, ang pagpupumilit ni Tadeo na muling bumalik sa lugar na iyon na akala ko'y tuluyan na niyang tatalikuran.

"Akala ko ba susubok ka?" dismayadong tanong ni Sir, ngayon ay kalmado na hindi katulad kanina na galit ang bawat pagsasalita.

"Sinubukan ko naman. Pero kahit anong gawin natin, hinding-hindi maiintindihan ng karamihan. Magdudulot lang ako ng takot sa kanila, pahihirapan ko lang ang bawat araw nila."

"Then don't mind then."

Humakbang ako palapit sa mabagal na paraan at sinikap na huwag gumawa ng kahit na anong ingay upang hindi masira ang usapan ng dalawa. Imbes na magtuluy-tuloy nang pasok sa loob ay naupo ako sa sahig, sa gilid ng pinto at sa ganoong posisyon nakinig sa usapan ng dalawang magkapatid.

"It doesn't work that way, Theo," he groaned.

"Bakit hindi? Simple lang naman ang kailangan mong gawin, Tadeo. Kailangan mo lang magpatuloy na mabuhay at huwag silang intindihin. Alin ang mahirap doon?" hirap na tanong ng nakatatanda sa nakababata.

Bahagya akong umalis sa pagkakasandal sa dingding para magawa kong masilip ang mga nangyayari sa loob mula sa nakabukas na pintuan ng kuwarto. Mula sa maliit na siwang na naroon ay nakita ko si Sir Theo na nakahiga na sa sahig.

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon