Chapter 13

2.2K 125 14
                                    

Handcuff

The day was long for the both of us. Idagdag pa na wala naman kaming ibang mapaglilibangan. Kahapon ay okay naman, abala pa kami pareho dahil sa pag-aayos namin ng mga gamit. Pero ngayon na wala na kaming ibang aatupagin ay halos buong maghapon na lang kaming nakaupo rito at nag-uusap.

Ang pag-uusap namin kanina ay matagal nang natapos at hindi na nasundan pa. Bumalik siya sa paggawa ng trabaho hanggang nauwi na naman kaming pareho sa pagkakaupo rito sa sofa matapos ang ilang oras. Hindi naman ako puwedeng lumabas nang mag-isa at maglibang dahil maiiwan sa Tadeo. Pero nakaplano na sa akin na ilalabas siya alinman sa mga araw na dadating para tulungan siyang bumalik sa dati.

"Movie?" tanong niya habang tutok ang dalawang mga mata sa harapan.

Ang totoo ay naiilang ako sa kaniya. Sino ba naman kasi ang may sabi na yakapin siya? At ang mas malala pa ay nagustuhan ko pa!

"Ahm, pass?" alangan na tugon ko. "Hindi ako mahilig at mabilis akong mabagot."

"Anong gusto mong gawin kung gano'n?" malumanay na tanong niyang muli.

Nagkibit-balikat ako sa kaniya. Iginala ko ang paningin sa buong lugar sa pag-asang may mahahanap na maaaring pagkaabalahan. Pero wala akong nakita maski isa. Halos walang gamit sa buong unit niya. Tipikal na makikita sa isang condo o bahay lang ang halos lahat ng gamit niya. Mula sa sofa, TV, gamit sa kusina, racks, at kung ano pa. Ang kaibahan lang sa tinitirhan niya sa loob ng limang taon, dito ay may buhay kaysa roon.

Sa ospital kasi ay limitado lang ang maaaring ilagay dahil sa pag-iingat. Maging ang kusina at mga kubyertos ay wala. Samantalang dito ay kumpleto, sobra pa nga. Kaya rin siguro gustung-gusto ng magkapatid na alisin siya sa lugar na iyon. Dahil kung patuloy lang siyang makukulong doon, makakasanayan niya ang isang buhay na walang buhay. Hindi katulad sa lugar na ito na ipararamdam sa iyong normal lang ang lahat.

"I'm fine doing nothing," nakangising saad ko.

Inilingan niya iyon na kalaunan ay nauwi rin sa mahinang tawa. "So? We'll just spend the whole afternoon sitting in this couch while staring at each other's faces?"

Nagkunwari akong nag-iisip kahit na nakaramdam ako ng kaba sa narinig. Sunod kong naramdaman ang bahagyang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa hiya na hind ko alam kung bakit kailangan kong maramdaman.

Umayos ka, Clementine! Napailing-iling ako at pinilit ang sarili na muling tuwrin ang pag-iisip kong bahagya atang nagusot dahil sa mga narinig kay Tadeo. Wala namang ibang kahulugan ang mga iyon pero hindi ko inaasahan ang ganitong reaksyon ko.

"Wala ka bang ibang gustong gawin?" balik na tanong ko.

"Read. But I thought you might get bored kaya huwag na lang." Tumagilid siya ng upo. Itinukod ang siko sa ibabaw ng sandalan ng sofa matapos ay sa kamao isinandal ang mukha. Sa ganoong posisyon ay nagagawa niya akong pagmasdan ng buo, at ako rin sa kaniya. "Can I ask you a question?"

"Ano?"

Mas lumalim ang pagkakalapat ng mata niya sa akin. Kung kanina ay normal na tingin lang ang ibinibigay niya, ngayon ay parang may kaakibat nang kahulugan. The way his eyes held so much curiosity and eagerness to ease it made me short-breathed. It was as if he was sucking my strength with the way he looks at me. And if I was standing, my legs would definitely turn into jelly.

"What if someone became your admirer? Or stalker?" he carefully asked.

Nangunot ang noo ko sa pagtataka dahilan para hindi agad ako makahuma ng sagot sa kaniya. Sa isip ko ay ibinabalanse ko ang bigat at gaan ng mga negatibo at positibong bagay tungkol sa naging tanong niya. Kung ako ba ang mas lamang na mararamdaman ko kung sakali ng totoo ang naging sitwasyon.

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon