Chapter 7

2.5K 150 27
                                    

A/N: Hello. If ever man po na may ma-notice kayong errors or wrong information na nailagay ko sa story, please do inform me. So, if ever there's something that I wrote wrongly, technicalities, information, and other things, please correct me po (in a nice way). I don't write stories for it to be perfect but I am doing my best to grow and improve as a writer. Thank you po! :)


Crime


Masyado kong nakasanayan ang isang araw na lumilipas na labas-masok lang ako sa kuwartong nakalaan kay Tadeo. Kung susumahin, humigit-kumulang dalawang oras lang ang kabuuan ng mga oras na nananatili ako sa iisang espasyo kasama siya. Ngayon tuloy ay hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang lalo na at ang dalawang na kadalasang iginugugol ko rito ay nakonsuma ko na... at sobra pa.

Hindi ko alam kung saan ibabaling ang tingin. Kung anong klase ng upo o postura ang gagawin. Kung ako lang ba ang ganito ay hindi ko na alam. Mukha namang wala lang kaso sa kaniya dahil patuloy lang siya sa sariling ginagawa sa lamesa niya. Samantalang ko, pilit mang manghanap ng maaaring gawin ay walang mapala. Kung si Robin o ang ibang pasyente lang sana ang kasama ko ay kanina pa ako nakunsumi sa ligalig nila. Si Tadeo naman kasi ay normal ang pag-iisip at tahimik lang kaya imbes na konsumisyon ay ilang ang aking nararamdaman.

Ang tanging nagagawa ko lang ngayon ay mag-obserba sa kaniya. Sinusundan ang bawat galaw niya mula sa pagsusulat, pagtipa sa laptop, at minsang pagsalungat na naman ng kaliwang kamay niya.

"You could just go downstairs and watch me throuh the monitor, Clementine," he suggested after not minding my presence for a short while.

Nilingon ko ang cctv camera sa likuran ko na nakatutok sa kaniya ngayon. "Are you fine with this setup?" tanong ko na ang pinatutungkulan ay ang camera na nakatutok sa kaniya. "I mean, hindi ba awkward? Don't you feel like your privacy's being invaded?"

Ibinaba niya ang hawak na ballpen. Isinandal niya ang likod niya sa swivel chair matapos ay tumingala at eksaktong dumapo sa camera ang mga mata niya.

"I'm a patient here, too," he reasoned out. "And it's a policy. I've been treated unfairly from the start. Simpleng bagay lang ang ganiyan."

Mataman ko siyang tiningnan, pilit na inaarok ang laman ng kaniyang isipan. "Pasyente ka dahil pinili mong ikulong ang sarili mo sa lugar na 'to."

"Kung wala namang mali bakit ko pa ikukulong ang sarili ko rito?" tanong niya na may himig ng sarkasmo.

Hindi ako nakatugon dahilan para balutin kami ng katahimikan na tumagal ng ilang minuto. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang siya ay nakatingala pa rin sa kisame. Nanatili kami sa ganoong posisyon bago siya nagbaba ng tingin sa  akin at sinalubong ang mga mata ko matapos ang ilan pang segundo. He remained silent for a couple minutes, he just keep on staring at me as if there are lots of things that he wanted to say.

A lot of things passed his eyes. Emotions that he has been hiding and truths that he's keeping to himself. Sa kabila ng distansyang namamagitan sa amin ay nabasa ko ang pagsigaw at pagkawala ng mga emosyon sa mga mata niya na pinangungunahan ng takot at pangamba.

"Imagine yourself walking on a busy street, or in a public palce, or simple just strolling around a mall. Then suddenly, your hand would slap someone, unzip someone's jacket, grab someone by his shirt, or throw the things displayed on a store. When you thought it was fine, you'll found yourself disturbing other people with your condition." He took a deep breath before continuing. "It's a big nuisance to have AHS. You won't be able to eat or sleep peacefully for the fear that you might harm yourself would always run in your head. And it would be more complicated if I'll push living outside of this cell. At least sa ganito, ako lang ang argabyado. Sa ganitong paraan, hindi ako magiging pabigat o makakadistorbo ng ibang tao."

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon