Chapter 24

1.9K 100 7
                                    

Decision

"Dito ka na ulit?" nagniningning ang mga mata na tanong ni Shane sa akin mula sa kabilang bahagi ng nurse's station.

Nasa labas na parte ako kung saan madalas na tumatayo ang mga bisitang naghahanap ng impormasyon. Kaswal na pananamit lang ang suot ko ngayon kabaligtaran kay Shane na unipormado. Tatlong araw pa lang ang nakalilipas matapos akong makalabas ng ospital at kasalukuyang nagpapagaling pa ng sugat kaya hindi pa ako hinayaan na makabalik sa trabaho ni Mrs. Celino maging ni Sir Theo.

I was offered to go back to Osfield, if I would still want to work with the institution. At sino ba naman ako para tumanggi. Pero hindi pa nga lang ngayon dahil sa sugat ko.

"Oo, Shane," nakangiting sagot ko. "I'll just wait for my wound to heal. Then, maybe next week I'll be back to my post."

"Wound?" Kunot ang noo na tumayo siya at lumabas ng nurse's station para magawa akong makita ng buo. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko ngunit dahil nakatago sa ilalim ng damit ko ang sugat ay hindi niya nakita iyon. "Nasaan? Anong nangyari sa'yo?"

Napangiwi ako nang simulan niyang kapkapan ang katawan ko na para bang isa siyang security guard na naghahanap ng delikadong bagay. "Wala lang iyon. Maliit lang at aksidente lang naman."

Hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa niyang paghahanap ng sugat ko. Nang matunton ang pakay ay mas lalo pang nagsalubong ang mga kilay niya. Masama ang tingin na pinagmasdan niya ang sikmura ko matapos itaas ng bahagya ang damit ko para masilip iyon.

Nagpalinga-linga ako sa paligid para alamin kung may nakakakita ba sa amin at laking pasasalamat ko na walang ibang taong naroon maliban sa amin. Dahil na rin marahil sa oras na nang pagkain ng mga pasyente kaya abala ang mga tao ngayon.

"Anong nangyari rito, Clem? Hindi ito maliit na sugat at sigurado akong malalim ito," pinaghalong pag-aalala at galit ang naririnig ko sa kaniya.

Ang galit marahil ay para sa taong gumawa ng sugat na iyon sa sikmura ko sa ilang pulgada sa ibaba ng pusod. Marahang hinila ko siya pataas pagkatapos ay ibinabang muli ang damit ko para takpan ang sugat.

"Huwag mo nang intindihin. Ang mahalaga, okay na ako ngayon," pagpapakalma ko sa kaniya.

Umayos siya ng tayo at hinarap ako. Seryosong tiningnan niya ako sa mga mata, walang halong pagbibiro at naghahanap ng totoong sagot. "Ang pasyente mo ba ang may gawa niyan sa iyo?"

Pabuntong-hininga na nag-iwas ako ng tingin. Sumagot man ako ng totoo o umiwas sa tanong sa pamamagitan ng isang kasinungalingan, malalaman at malalaman niya pa rin ang katotohanan. Sigurado rin ako na ngayon pa lang ay may ideya na siya at naniniguro lang sa akin.

Puwede akong sumagot ora mismo. Kaso ay ayaw kong masamang imahe ang makikilala niya tungkol sa taong gumawa sa akin nito. Gusto kong makilala siya ng mga tao sa likod ng walang lunas na kondisyon niya. Gusto kong sa unang beses na makikilala siya ng kaibigan at katrabaho ko ay, iyong magandang bagay na makikita nila.

Kaso alam kong imposible. Sobrang labo dahil hindi siya magiging siya kung wala ang sakit niya. Hindi man maiintindihan ng karamihan at hindi man magandang titingnan para sa iba, wala naman na kaming magagawa dahil iyon siya. And I must live with that fact that no matter how I want to coat his image with his goodness, he would never be perfect.

He is flawed. He is imperfect just like any other individual in this world. But he is his own identity.

"Si Robin?" pag-iiba ko ng usapan.

Tinaasan niya ako ng isang kilay, pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib, at sinamaan ako ng tingin. "Makakapaghintay si Robin. Ngayon, sagutin mo ang tanong ko, Clementine. Siya ba ang may gawa niyan?" masungit na tanong niya. Sumusukong sinalubong ko ang mga mata niya matapos ay marahan akong tumango bilang sagot dahilan para umawang ang mga labi niya. "Anong... paano? Bakit niya ginawa iyan?" naguguluhan niyang tanong. "Akala ko ba ay normal ang pag-iisip niya?"

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon