Patient
"Twinkle twinkle little star! Hanap tayo star! Punta tayo rooftop! Marami star!" tuwang-tuwa na sabi ni Robin na nagpahinto sa akin sa aktong pagpindot ng bukasan ng elevator.
Ang limitadong kilos niya ay hindi naging hadlang para ipakita niya ang kagustuhan na gawin ang kaninang sinabi. Suot ang isang malaking damit na sumasakop sa buong katawan niya. Ang dalawa niyang braso ay nakaakap sa kaniyang sarili habang nakapaloob sa mahabang manggas ng damit at magkasalubong na nakatali sa likuran ni Robin.
Tumatalon-talon pa siya na parang isang bata na excited sa isang bagay. Ang lalaking mga nakaunipormeng puti na nakatayo sa kaniyang magkabilang gilid ay nakaalalay lang sa bawat pagkilos na ginagawa niya. Kapuwa mga naiiling na lang sa ikinikilos ni Robin na sa kabila nang palalim na gabi ay tila buhay na buhay pa rin hanggang sa ngayon.
"Walang star, Robin. Matutulog ka na," sabi ng isa na nasa kanan.
Lumaylay ang magkabilang balikat niya kasabay ng mabilis na paglungkot ng kaniyang mga mata. "Walang star?" parang batang tanong nito.
"Wala, Robin." Ang nasa kaliwa naman ang sumagot.
Naging malikot muli ang mga mata niya na saktong dumapo sa akin. Muling umaliwalas ang mukha niya na tila nakahanap ng kakampi sa katauhan ko. Mabilis na tinawid niya ang distansya sa pagitan namin sa pamamagitan ng mabilis niyang pagtakbo at sa harapan ko naman nagtatalon ngayon.
"Gusto mo star?" malawak ang ngiti na tanong niya, umaasa sa positibong sagot.
Hindi ako nakasagot agad kaya mabilis na tumalim ang tingin niya sa akin na para bang kasalanan ang pananahimik ko. Naiiling naman na bumalik sa magkabilang gilid ni Robin ang kaninang dalawang nurse na nakatoka sa kaniya. Mabilis na hinawakan nila ang magkabilang braso ni Robin na hindi naman inaalis ang tingin sa akin.
"Halika na," yaya ng isa.
Minsan pa niya akong binigyan ng masama at matalim na tingin. "Baliw."
Naiiling na pinanood ko na lang sila habang inaakay siya ng dalawang nurse. Ako pa ang nasabihan na baliw.
Hinarap kong muli ang elevator at sakto naman na bumukas 'yon at walang laman. Tulak-tulak ang trolley na gawa sa metal ay hinarap ko ang elevator. Sa ibabaw ng trolley ay ang pagkain na para sa pasyente na nakapaloob sa takip.
Mabilis na yumakap sa akin ang katahimikan nang tuluyan akong makapasok sa maliit na lugar na 'yon. Apat na palapag lang naman ang dapat niyang akyatin pero parang napakalayo noon sa akin. Ang mabagal na pagpalit ng numero na indikasyon kung nasaang palapag na ako ay mas lalo lang nagpapadagdag sa kaba na nararamdaman ko.
"Fudgebar!" mariing bulong ko nang tuluyang huminto ang elevator sa palapag na pakay ko.
I took three consecutive deep breaths, in attempt to calm myself. Pigil na pigil ko ang sariling hininga nang mabagal na bumukas ang elevator at tumambad sa akin ang isang lugar na malayo sa inaasahan ko.
Instead of a hallway with multiple doors on both sides, there was only one on this floor.
Kabadong nagtungo ako sa nag-iisang pintuan doon. Bukas iyon kaya hindi na ako kumatok pa bago pumasok.
Ang lugar na nakasanayan ko na ay hindi ko makita sa kaharap na kwarto. Maliban yata sa istruktura at kulay ay wala nang nakuhang kapareha ang silid na ito. Sakop ng buong kwarto ang buong palapag kaya naging mas malaki 'yon kung ikukumpara sa mga kwarto sa baba.
Parang penthouse.
Hindi rin katulad sa mga kwarto sa ibaba na tanging kama lang ang mayroon, sa lugar na ito ay halos kumpleto sa gamit. Mula sa itim na sofa set, pabilog at babasagin na center table, maging sa nakikita kong office set-up na nasa pinakadulo ng lugar. May roon din akong nakitang pintuan sa kanang bahagi na marahil ay ang kwarto ng pasyente.
BINABASA MO ANG
A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)
RomanceRare Disorder Series #2 𝘞𝘢𝘵𝘵𝘺𝘴2021 𝘚𝘩𝘰𝘳𝘵𝘭𝘪𝘴𝘵 complete | unedited "I'll stay by your side even at the expense of my own life." Clementine Guinto, a nurse and a daughter of an average family. She only wanted one thing in her life. To...