Epilogue Part One

2.6K 137 22
                                    

EPILOGUE PART ONE


Halo-halo ang nararamdaman ko habang pinanonood ang unti-unting pagbabago na nagyayari ngayon sa harapan ko at hindi ko matukoy kung ano ang dominado sa lahat ng iyon. Nariyan ang lungkot at panghihinayang na nahahaluan ng tuwa at paninibago.

Ilang taon na rin simula nang mapagdesisyunan ng mga nakatataas na baguhin ang istruktura sa partikular na lugar na ito ng Osfield Psychiatric Hospital. Pero sa loob ng tatlong taon, ngayon pa lang uumpisahan ang renovation ng buong palapag na ito.

Nasundan ko ng tingin ang bawat araw na nagdaan na ang malaking espasyong nakasanayan ko at siya ring una kong nakilala nang tumuntong ako sa palapag na ito na unti-unting napupuno. Mula sa mga limitadong kagamitan, napupunuan na iyon ngayon ng mga magaganda at kapanipakinabang na bagay na maaaring makatulong sa karamihan.

Ang dating intensyon ng pinakatuktok na palapag ng Osfield na para sa iisang tao lang, ngayon ay bukas na para sa lahat. Mula sa mga kagamitan na pang-ehersisyon hanggang sa mga indoor games na kakasya para punan ang buong espasyo ay makikita na ngayon sa buong lugar. Hindi na lang limitado ang maaaring gawin ngayon dito, punung-puno na iyon ng mga aktibidad na maaaring makatulong sa paggaling ng mga pasyenteng nandito sa ospital.

"I always dreamt of visiting this place all through the years I've worked here," Shane shared. "Pero hindi ko naman alam na sa ganitong pagkakataon."

"Anong klaseng pagkakataon ba ang gusto mo?" natatawang usisa ko.

Pinagkrus niya ang dalawang braso sa dibdib sabay sandal sa gilid ng mga buton ng elevator na katabi niya. "Pagkakataon bago baguhin ang lugar?" hindi siguradong sagot niya. "Pagkakataon na puno pa ako ng kuryosidad tungkol sa partikular na pasyenteng nandito ilang taon na ang nakararaan?"

Sinubukan kong huwag burahin ang ngiting nasa mga labi ko nang maintindihan ang sagot niya. Ingatan man niya ang paglabas sa bibig niya ng mga salita, gano'n pa rin naman ang epekto. Shane knew everything I am capable of sharing. Kaya naiintindihan ko ang pag-iingat sa bawat salita niya.

Muli kong pinasadahan nang tingin ang buong lugar, hinahanap ang nakasanayang tanawin doon na ilang taon ko ring minemorya at iningatan. I would always feel grateful towards Sir Theo for not letting this place change for the last three years. Hinayaan lang niya bagaman nasa plano na ang pagbabago.

I don't know if he's intentionally preserving this place so that I would have a memory I could hold onto for me not to forget that special person. Whatever his reason was, I'm happy to have a place that would remind me of him. Dahil sa lugar lang na ito ko lang binibigyan ng pagkakataon ang sarili ko na isipin siya. Dahil sa labas, sarili ko naman ang pagtutuunan ko ng pansin maging si Mama at Kuya.

"Wala rin namang laman ang lugar na ito sa totoo lang," pagbibigay alam ko.

"Iyong pasyente lang talaga mismo ang espesyal, 'no?" nanunudyong asar niya.

Naiiling na nagkibit-balikat ako sa kaniya matapos ay natawa sa sarili. "You know the answer to that, Shane." Umalis ako sa pagkakasandal sa pader habang ang dalawang kamay ay nakapasok pa rin sa dalawang bulsa sa harapan ng pang-itaas na unipormeng suot ko.

Nagsimula akong mag-lakad habang tiningnan ang ginagawa ng mga taong abala sa pag-aayos ng mga gamit. Patapos na sila kung tutuusin. Kaunting pag-aayos na lang at tapos na talaga. Pinaakyat lang talaga kaming dalawa ni Mrs. Celino para tingnan kung maayos na ba ang lahat. The head nurse wanted everything to be perfectly done within this day. Bilang huling proyekto na rin niya bago umalis sa ospital.

She's retiring by the end of the month and that's only three days from now. Malungkot man sa pag-alis niya, nasa panahon na rin dahil sa edad niya. It's time to spend her days for herself. Iyong wala ng ibang aalalahanin at iintindihin.

A Manacled Patient (Rare Disorder Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon