Prologue

45 2 3
                                    

"Hoy!" Nagpaikot-ikot ako ng tingin at nakita kong may nakaduro sa'king lalaki. "Hoy, tabi!" Nagulat ako nang bigla na lang may humila sa'kin at iginilid, malayo sa mga kalalakihang nagtatakbuhan.

"Tanga ka ba?! Kita mo nang may nagrarayot nandiyan ka pa at nakatunganga!" Kumunot ang noo ko.

"Excuse me lang, ha." Nagsalubong rin ang mga kilay niya. "Nagtatakbuhan kaya sila sa harap ng school namin."

"Nasa harap ka na nga lang ng gate niyo, hindi ka pa pumasok! Puno ka ba, ha?!" badtrip niyang sigaw.

"A-Ano ba! 'Wag mo nga 'kong sigawan..." Napatingin naman ako sa palapulsuhan ko. "Tsaka 'wag mo 'kong hawakan... hindi tayo close."

"Arte..."

"Ano?"

"Putek..." bulong niya matapos akong hilahin ulit. "Hoy!"

"S-Sorry, boss, sorry!" sigaw nung isang bata matapos mabato ang bote nang hindi sinasadya sa pwesto namin.

"Mag-si-layas nga kayo dito! Akala niyo naman napakatatapang ninyo!" Tiningnan ko naman siya nang nag-aalala dahil baka batuhin kami nung mga kasama nung bata. Tiningnan ko ang paligid at may mga kabataang nakatago sa dilim, para bang nag-mi-meeting kung ilang rounds ang suntukan nila mamaya.

Marami na rin ang nag-kalat na mga bubog at para silang nasa gera at ang bomba nila ay ang mga paputok pa. May linggo na rin nang matapos ang bagong taon at mukhang hindi pa ata sila nakaka-get over do'n. Napahinto ang tingin ko sa isang babaeng nakatingin din sa'kin habang parang takang-taka.

"Beatryze!" Tawag ko dito, agad siyang tumakbo sa'kin at pinasadahan ako ng tingin.

"Okay ka lang?" tiningnan ko lang siya. "Tanga mo naman! Humarang ka pa talaga ro'n sa mga bata! Akalaing kalaban ka dahil sa height mo!"

"Ano ba..." suway ko at pasimpleng tiningnan ang lalaking kasama ko.

"Salamat," sarkastikong sabi niya at tinanguan lang kaming dalawa tsaka umalis na.

"Sige," sagot ko naman na alam ko namang narinig niya. Ha? Ano? Sige? Close ba kami? Di ko nga 'yon kilala, e.

"Ay, attitude, ah. Sino ba 'yon?" tanong niya habang sinusundan 'yon ng tingin. Nag-kibit-balikat naman ako.

"May research pa tayong tatapusin tara na." Pagmamadali ko kay Bea at hinila siya.

"E, sino nga 'yon? Kilala mo ba 'yon? Buti pala at hinila ka niya baka mamaya, e madaganan ka nung mga lalaking dugyot na naghahagisan ng mga bote!"

"Dugyot rin naman 'yon, ah?" biro ko, na tinutukoy ay yung lalaki kanina.

"Oo, medyo... iw." Pabiro siyang napangiwi na ikinatawa ko naman.

"Finally!" Nag-iinat na ani niya at sinarado na ang laptop.

"Tapos na..." sambit ko habang inaantok na nakatingin sa laptop at sa mga papel na nasa table.

"Kapag natapos na talaga tayo sa Senior High mag-bo-boy hunting ako! At wala ng makakapigil sa'kin!"

"Baliw." Napapailing-iling na sabi ko at humiga sa kama ko. "Dito ka ba matutulog?"

"Syempre!" Lumundag pa siya sa kama.

"Bea, nakakahilo," suway ko.

"Buntis ka?!" Tiningnan ko lang siya nang walang reaksyon. "Ay, wala ka palang jowa haha! Same vibes!" Hindi ko na lang siya inintindi at nag-timpla na lang ng dalawang kape sa baba at umakyat na ulit. Nag-dala rin ako ng breads para naman may laman na ang kumakalam naming sikmura.

Stazie's Resentment (Missing You Series #1) Where stories live. Discover now