- 7

16 1 0
                                    

"Kamusta buhay?" tanong ko kay Bea.

"Ayos lang, gumigising pa," Ngumiti pa siya pero mukhang okay nga siya, mukhang hindi lang masaya. "Ikaw, bakit nandito ka sa Manila?" Napainom ako sa hawak kong kape na itinimpla niya sa'kin at tumingin sa paligid. Nandito ako sa apartment niya, dito niya 'ko niyaya, e.

"Nakalimutan ko nga palang sabihin sa'yo hehe. Lumipat na sila Mama dito, e kaya dito muna ako, Christmas break naman na."

"Wala ba kayong Christmas Party?"

"Ayoko sumama." Tumango siya at tiningnan ang cellphone niya.

"Kunin ko lang yung order ko, ah? Diyan lang sa labas. Feel at home!" Ngumiti siya nang malawak at tsaka tumayo na at dumiretso sa pintuan.

Napatingin ako sa frame na katabi ng TV. Tumayo na 'ko at lumapit do'n. Kinuha ko 'yon nang mapagtantong kasama nila ang pinsan ko sa picture. Nasa gitna si Stazie at nakangiwi pero halatang masaya ang mga mata niya. Nakaakbay si Bea at ang pinsan ko sa kaniya kaya siguro nakangiwi siya dahil nabibigatan siya, pfft. Siya kasi ang pinaka-maliit.

Tiningnan ko ang pinsan ko at naka-peace sign siya, may hawak pang tuta. Si Bea naman ay parehong nakapatong ang dalawang braso sa balikat ni Stazie habang mukhang artistang nakangiti. Pare-pareho silang naka-uniform at mukhang kinunan pa 'to nung high school.

Napatingin naman ako sa isang frame na nasa kabilang side ng TV. Kukunin ko na sana nang naunang kunin ni Bea sa'kin 'yon at tinago sa likuran. Napatingin siya sa kaninang hawak kong frame at tinaob 'yon.

"'Wala kang nakita," mariing sabi niya na nakapag-pakunot ng noo ko sa pagtataka.

"Hindi ko alam na kilala mo pala ang pinsan ko." Ngumiti pa 'ko para hindi na siya magalit. Pero nang tingnan niya 'ko ay daig pa ang kutsilyo sa talim ng tingin niya sa'kin. Wala naman akong ginawang masama?

"Wala ka sabing nakita, naiintindihan mo ba?" Sinamaan niya na 'ko ng tingin. Wala na lang akong nagawa kun'di isuko ang pareho kong kamay.

"Sorry..." Alanganin ko siyang nginitian. "Ano... uuwi na pala ako. Salamat sa kape." Pabiro kong tinapik ang balikat niya pero umiwas lang siya at nandidiring tumingin sa'kin.

"Umalis ka na."

"Eto na nga, aalis na. 'Wag ka namang high blood." Tinawanan ko na siya para mapawi ang tensyon.

"'Wag mo 'kong tawanan. At 'wag ka nang babalik dito. Naiintindihan mo ba?" Iniwasan ko na lang siya ng tingin at kinuha ang cellphone kong naiwan sa mesa kanina.

"Salamat ulit..." Kumaway ako sa kaniya at sama lang ng tingin ang sinagot sa'kin. "Anong nangyari do'n? Wala naman akong ginawang masama... tsk." Napakamot pa 'ko sa ulo at batok ko sa pagtataka't pagkalito. Tiningnan kong muli ang apartment niya pero nagkasalubong lang ang tingin namin.

Para akong kikilabutan nang ngumisi siya sa'kin kaya naman mabilis akong naglakad habang palaisipan ang nangyari.

Hindi kaya sinaniban na 'yon?! Grabe... kinikilabutan ako!

Parang...parang ibang tao siya kanina! Kanina naman bago niya kunin ang order ay maayos naman at maaliwalas siya, ah?!

Hindi naman kaya ay nagalit siya nung makita ko yung picture nila? Bakit naman? Pinsan ko lang naman 'yon... at magkakaibigan sila nung high school?! Weh?!

Pero ano kayang nangyari?

Hays! Bahala kayo diyan!

"Ang tagal mong bumalik, aalis na 'ko. Ikaw nang bahala sa bahay, ah? Ingat kayo diyan," nagmamadaling sabi ni Dete nang magkita kami sa bungad ng pinto.

Stazie's Resentment (Missing You Series #1) Where stories live. Discover now