"Gab!" Masayang bungad sa'kin nito.
"Hm?" Tugon ko lang dahil may sinasagutan pa 'ko. "Gumawa ka na ba ng assignment sa math?"
"Wala manlang ba munang good morning?" Inilapag na niya ang bag niya at naupo sa tabi ko.
"Bakit ako mag-go-good morning?" Inirapan niya 'ko at lumingkis sa braso ko. Napatingin ako agad sa kaniya at sa paligid namin pero ang lahat ay may kaniya-kaniyang mga mundo.
"Good morning," mahinang sabi niya. "Kumain ka ba, ha?" Unti-unti ay hinahalikan niya ako sa pisngi na hinahayaan ko lang naman pero minsan naiilang ako.
"Ikaw? Kumain ka na?" Hindi ko pa rin siya magawang tingnan dahil isang lingon ko lang ay magkakahalikan kami dito. "Tsaka umusod ka nga, parang walang nakakakita sa'tin, ah?" suway ko. Umusod nga siya pero hindi na niya ako pinansin. Pinakopya ko na lang rin siya sa math at tahimik lang siyang nagsusulat, nagtatanong lang siya kapag hindi niya naiintindihan.
Hindi ko alam na matagal na pala akong nakatitig sa kaniya... iniisip ko kung anong nangyari. Bakit ngayon lang kami naging mag-ka-close, ngayon lang kami nagkamabutihan. Matagal na rin naman kaming magkatabi pero siguro dahil sa may manliligaw nga siya no'n kaya hindi kami maasar-asar ng mga kaklase namin. Tsaka hindi naman kami nag-uusap talaga.
Sabay na kaming mag-recess lagi, minsan kasama si Audrey at Jasfer. At talaga namang laging iniinis ni Jas si Audrey na mayabang daw ito at masyadong maangas kaya hindi niya ito magugustuhan kahit na siya na lang ang huling babae sa mundo.
"E, bakit ba pinipilit mo na hindi ka magkakagusto sa'kin? May nagtatanong ba?" Ngumisi si Aud at nakabukaka pang talaga. Buti at nilagay niya ang jacket niya sa mga hita niya.
"Sinasabi ko lang para alam mo 'no. Tsk tsk tsk." Nagsimula na ulit kumain si Jas. Tiningnan ko si Dimple at may ka-chat pa ata, mukhang seryoso.
"Hayop kang talaga," mariing bulong ni Audrey. "Napaka-gago mong nilalang, bakit ba ikaw ang katabi ko, ha?" Kunot noong reklamo nito.
"Aba! Crush mo ata talaga ako, kanina pa ako dito nakaupo 'no!" Hindi ko na sila pinakinggan pa at paulit-ulit lang naman ang pinagtatalunan nila at mga mabababaw na bagay lang naman.
Tiningnan ko ang cellphone ko at nag-pop up ang chatheads ko. Tiningnan ko kung anong sinend sa'kin ni Dimple at kumunot ang noo ko at napatingin sa kaniya.
"Ano 'yon?" tanong ko, kunwaring hindi ko nakita dahil na-unsend niya agad.
"Ah, wala." Umiiling-iling pa siya at tumutok na ulit sa cellphone niya.
"Kumain ka muna, mamaya na 'yan," sabi ko.
Napalunok ako ng sariling laway at agad na naisip yung picture na na-i-send niya sa'kin. Tiningnan ko ulit siya at napatingin sa ka-chat niya, hindi rin ako natutuwa sa daloy ng usapan nila.
"Lalaki 'yang kausap mo tapos ganyan ang topic niyo?" bulong ko. Napauwang ang labi niya at hindi ako sinagot, pinatay na rin niya ang cellphone niya at nagpatuloy sa pagkain.
Napabuntong hininga ako.
Kanina pa 'ko nagpapasensya sa mga nakikita ko at naiinis na talaga ako, sa totoo lang. Naiinis ako sa na-i-send niyang picture, naiinis ako sa kausap niya, naiinis na rin ako sa kaniya.
"Mag-usap tayo... mamaya," sabi ko sa kaniya bago maghiwalay ng upuan.
"Sa March 16 na ang last day niyo. I-submit niyo na ang mga kulang niyo. Class dismissed." Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at alam kong tatakas siya sa pag-uusapan namin. Bakit nga ba? Nahihiya siya? Pero hindi manlang nahiya na mag-send siya ng walang saplot sa iba?
YOU ARE READING
Stazie's Resentment (Missing You Series #1)
RomanceSi Stazie Fuentes ay isang simpleng babaeng mahal na mahal ang kaniyang ex-boyfriend. Makikilala niya si Archie Lavingco. Tuluyan ba nitong babaguhin ang isipan at nararamdaman niya?