- 2

29 1 0
                                    

"Congrats," nakangiting bati ko sa kaniya kahit nakakahiya. Nandito kasi sa harapan ko mismo yung magulang niya.


"Salamat, Chie." Nakangising balik niyang bati. Parang nang-aasar pa 'tong kabado ako ngayon, ah.


"Hello rin po," baling ko naman sa magulang niya. Ngumiti naman ang Mama niya pero ang Papa naman niya ay tinanguan lang ako.


"Picture!" sigaw naman ni Bea sa'min. Nagkatinginan kami at nagkangitian nang malapad. Syempre, masaya kami, e. Graduation na nila sa Senior High School. Nakaka-proud silang dalawa sa totoo lang. Worth it yung eyebags nilang pareho, sana matulog na sila.


Nag-picture kaming tatlo nila Stazie at Bea. Kasama na rin ang parents niya. Nagtataka ko namang tiningnan si crush nang nilagay niya sa ulo ko yung toga niya at ngumiti siya.


"Graduation 'natin'. Feeling ko bagay sa'yo, e."


KAKILIG!


"Ganda mo ngayon," bulong ko. Naka-dress siyang puti katulad kay Bea pero mas simple ang kaniya, naka-sandals rin siyang itim. May konting kolorete sa mukha niya pero iyon! Iyong pagka-simple niya ang nakakuha sa atensyon ko.


"Ganda lang? Ngayon lang?" natatawang ani niya.


"Syempre maganda ka palagi, crush pa rin kita hanggang sa susunod na graduation mo," natatawa na kinikilig kong sabi. Pero sana hindi niya nahalatang kinikilig ako sa sarili ko!


"Tama na harutan, tingin!" sigaw na naman ni Bea na ikinatawa ng mahal ko. Naks. Mahal ko.


Ngumiti naman kaming pareho sa camera at mabuti na lang alam kong graduation ngayon ng baby ko kaya nakapag-pagupit ako at medyo hindi na dugyutin. Sa galing ba naman ng advice ng kaibigan niya, e!


"Mauuna na kami, ha?" may pinaparating na sabi ni Bea at siniko ako.


"Hmm, ingat kayo." Ngumiti ulit siya at kumaway pa.


"Saan sila pupunta?" baling ko kay Bea. Tiningnan niya lang ako.


"Ingat po kayo, Tito, Tita hehe."


"Ayaw mo bang sumama?" tanong ni Tita - Tita muna ngayon.


"Nako, 'Ta. Hindi na po, may pupuntahan rin po kami nitong si... Archie, e haha."


"Sige, mag-ingat kayo," sabi naman ni Tito at tinapik ako sa balikat. "Ingatan mo 'tong si Bea." Sa kaba ko ay napatango na lang ako bilang tugon. Napatingin naman ako kay Stay na naiilang na natatawa na ewan.


"Bye po," kumaway na sa kanila si Bea kaya napakaway rin tuloy ako. "Ingat po kayo."


"Mauuna na po kami," paalam ko. Hinila naman na ako ni Bea.


"Hintayin mo 'ko rito, mag-aayos lang ako sandali."


"Sige sige." Tumango lang siya at umakyat na sa building nila. Napatingin naman ako sa mga estudyanteng dumadaan, nginingitian ko yung mga kakilala ko.


Dumating din agad si Bea, hindi na siya naka-toga. Naka-dress na siya ngayon ng kulay puti at naka-sandals na puti. Naka-kulot ang buhok niya habang nakaipit. Nginitian niya 'ko at inaya na ring umalis. Kumain lang kami saglit sa kung saan at inihatid ko na rin siya sa sakayan.


Kinagabihan ay tumakas ako kay Mama para pumunta sa bahay nila Stazie. Gabi na ngayon. Kita ko dito ang nakabukas na ilaw sa kwarto niya. Inakyat ko ang kwarto niya kahit ang hirap dahil medyo may kataasan.


Stazie's Resentment (Missing You Series #1) Where stories live. Discover now