- 3

29 1 0
                                    

Langit Calling...




"Tsk!" bungad ko.


"Sapakin kaya kita?" bungad niya din. Natawa tuloy ako.


"Ano ba 'yon?"


"Hatid mo 'ko."


"Uuwi ka na?" Medyo nalungkot naman ako dahil wala ng manlilibre sa'kin. Siya kasi nag-bayad nung entrance ko nung swimming namin. Pagalingan lang mang-uto.


"Babalik ako tangeks, magbabakasyon lang ako sa Manila."


"E, nasa'n kaibigan mo? Ba't hindi ka niya ihatid?"


"Nauna na siya, e."


"Iniwan ka? Upakan ba natin?"


"'Wag na, masasayang lang mukha no'n," mataray nitong sabi.


"Wow... iba ka din, ah." Nakangising natatawang ani ko. "Porket gwapings 'yon."


"Oo naman! Gwapings talaga 'yon kahit sunog."


"Saan ba kita susunduin?" tanong ko na lang.


"Punta ako diyan."


"Sige sige. Hintayin na lang kita."


"Maligo ka, ha!" Pinatayan ko na agad ng tawag. Magpapasundo't hatid na lang nang-iinsulto pa, sabunutan ko 'yon, e. Pumunta na lang ako sa sala at nakita si Mama'ng nakaupo at nagkakape.


"Ma, uuwi daw si Heaven sa Manila," pahayag ko.


"Oh, edi ihatid mo." Sungit, ah.


"Ba't ba siya nandoon, Ma?" Ininuman ko rin yung kape ni Mama.


"Magbabakasyon siya sa bahay nung kaibigan niya."


"Yung babae?" Magkasalubong ang kilay ko.


"Lalaki."


"Pwede pala 'yon?" Napaisip tuloy ako. "Pwede ba 'kong magbakasyon rin kina Stay, Mama?" sabi ko habang malawak ang ngiti ko.


"Oo, basta dalhin mo na lahat ng gamit mo at 'wag ka nang babalik." Tumayo na siya bitbit ang kape at pumunta sa kusina.

Stazie's Resentment (Missing You Series #1) Where stories live. Discover now