- 16

10 0 0
                                    

"Ma, ayoko nang mag-aral." Natatakot na tumingin ako sa kaniya. Bumuntong hininga siya.

"Edi 'wag," walang emosyong pagpayag niya habang wala ang paningin sa'kin. Mukhang wala rin siyang magagawa lalo na ganito ang sitwasyon namin.


Napatingin ako sa kwarto't nakabukas ang pinto ro'n at nagtatalo roon si Ate at Kuya samantala si Dete sinusuway sila dahil nabubulabog ang tulog niya dahil doon pa sila nag-aaway. Si Diko naman nasa labas, naninigarilyo. Nakasandal sa bukana ng pinto at parang walang pakialam sa paligid.


"Bakit mas malaki ang nakuha mong pera kesa sa akin?! Alam mo ba kung paano humawak ng pera?! Kaya mo ba?!" inis na sigaw ni Ate Grace. Nagsalubong ang kulay ni Kuya.


"Tigilan mo 'ko sa kaartehan mo kung babastusin mo 'ko nang dahil lang sa pera," mariing sabi ni Kuya Limuel dito, nagtitimpi.


"Lang?! Yun na nga, e. Ikaw ang mas matanda bakit ba ayaw mo na lang magparaya?! Porket ba nakapagtapos ka ng pag-aaral kaya mas marami ang sa'yo?! Paano ang pangangailangan ko?!"


"Anong pangangailangan pa ba ang sinasabi mo kung may mahigit anim na pung libo sa'yo? Aba, e kung kasama ang bahay at lupa ang pag-uusapan ay mas gusto ko pa nga 'yon!"


"Tumigil nga kayo! Umalis kayo dito, nakakabulahaw kayo ng tulog!" Ito talagang si Dete. Ang daming isyu sa bahay pero pag-tulog lang ang tanging gusto. Hays. Naupo ako sa sofa at sinandal ang siko sa itaas ng sandalan at nilagay ang kamay sa gilid ng ulo. Tinitingnan ko lang sila.


"Hoy, Keith! Isang milyong mahigit ang nakuha niya! Matutulog ka lang diyan?!" Naupo si Dete at nagpangalumbaba sa tuhod niya, antok niyang tiningnan si Ate.


"Anong gusto mo tulungan kita? Hindi naman ako mukhang pera kagaya mo." Nanliit ang mata ni Ate na tumingin sa kaniya.


"Anong sabi mo?! Mukha akong pera?!" Hindi sumagot si Dete bagkus tumingin lang sa kaniya nang maangas. Napauwang ang bibig ko nang sinampal niya ito. "Sinong mukhang pera?!" Tumagilid ang mukha nito


"Ikaw. Sino pa ba?" Hawak ang pisngi niyang tugon. Bigla na lang hinigit ni Ate ang buhok ni Dete at lumaban naman ito. Tumingin ako kay Kuya at sinenyasang awatin sila pero umiwas lang ito ng tingin. Si Diko naman ay nakanganga at tinapon na ang ubos nang sigarilyo niya.


Napatayo't napatingin ako ulit kina Dete at hindi alam kung aawatin ko ba sila o hindi. Nagsasampalan at nagsasabunutan na sila tsaka lang umawat si Kuya nang inuntog ni Ate si Dete sa kahoy na lamesa.


Tinulak-tulak ni Kuya si Ate habang hawak ang braso ni Dete para makatayo ito. Tinanong niya si Dete habang pinagsusuntok naman ni Ate sa likod ang humaharang na si Kuya.


Lumapit na rin si Diko at hinigit si Ate pero nanlalaban ito. Mabilis ang tibok ng puso kong hinawakan rin si Ate sa kabilang braso, galit niya kaming tiningnan ni Diko.

Stazie's Resentment (Missing You Series #1) Where stories live. Discover now