"Pakibigay kay Stay." Inabot ko ang regalo kay Bea.
"Ako wala?" biro pa niya.
"Syempre meron! Nandiyan rin, kunin mo yung pink na paper bag." Nginitian ko siya. Kumislap naman ang mga mata niya. Pfft.
"Ay talaga?!" Tiningnan niya nga 'yon at ngumiti nang malawak. "Yie! Kaya lab kita, e!"
"Kay Stay lang ako, huy," Nginusuan niya ako. "Uwi na 'ko." Kumaway siya habang nakangiti.
"Ah, sige. Ingat, ah? Merry Christmas ulit!"
"Sige sige, salamat din."
"Oo! Makakarating! Hahaha bye!" Tinanguan ko siya at umalis na rin. Tiningnan ko ang cellphone ko nang tumunog 'yon.
"Tsk, nagpapabili wala namang binigay na pera," reklamo ko. Wala na rin akong nagawa kun'di sundin ang utos ni Ate. Pumunta ako sa McDo at nag-order na rin para sa kanilang dalawa ni Kuya Owen, buti talaga may dala akong pera.
Naupo muna ako sa isang upuan doon habang naghihintay na tawagin. Nagpangalumbaba ako sa mesa at parang tangang nanlaki ang mata ko at yumuko tsaka tiningnan ulit ang pababa na sa hagdan na si Stay kasama ang boyfriend niya.
"One, two, zero." Pucha. Tatawagin na nga lang ng staff sakto pang mapapadaan ako sa kanila, putek naman talaga, oh. Hays!
Huminga muna ako nang malalim at tumayo na, kunwaring hindi ko sila nakita kahit napatingin silang dalawa sa'kin.
"Thank you, Sir," sabi pa ng staff. Tumalikod na 'ko agad at lumabas. Nang medyo nakalayo na 'ko sa Mcdo ay napabuga ako ng hangin at napahilamos sa mukha ko.
"Jusko... sana mag-break na sila." Habang papunta sa ospital ay bash ako nang bash kay Rex. Pang-asong pangalan, amp. Pero hindi ko maitatangging may kirot sa puso ko na pilit kong hindi iniinda para naman hindi lalong masakit.
Tiningnan ko ang paligid at marami ng kumikinang na mga ilaw dahil bukas pasko na. Umakyat na 'ko sa third floor pagpasok ko sa ospital. Nakita ko agad si Ate na nasa waiting area, nakaupo.
Medyo maayos na ang itsura niya ngayon pero laging hindi siya makatulog sa pangamba at pag-aalala sa anak at jowa niya. Tsk, sanaol may jowa. Isang buwan pa nga lang ata sila ni Kuya Owen, e. Tapos ganyan agad ang nangyari. May sumpa ata.
"Oh, 'te." Abot ko sa kaniya ng order niya. Gusto niya no'n, e. Arte kasi.
"Bayaran na lang kita sa bahay," ani niya.
"Kahit 'wag na, magpahinga ka na lang diyan at kumain." Tumango lang siya.
"Uuwi ka na ba?"
"Kailangan mo ba ng kasama?" Nagpamulsa ako.
"Hindi na. Ingat ka sa pag-uwi." Bahagya siyang ngumiti.
"Merry Christmas 'te, ayan na regalo ko, ah?" Natawa naman siya at tumingin sa binili ko.
"Salamat."
"Sige, alis na 'ko." Kumaway siya sa'kin tsaka pumasok na rin sa kwarto ni Kuya Owen.
"Si Carl, Ma?" tanong ko nang madatnan si Mama sa bahay at naglilinis, nag-mano na rin ako. Nakalabas na nga rin pala si Carl sa ospital pagtapos ng dalawang araw.
"Nasa kwarto namin ng Dete mo, tignan mo nga at baka naglalakad na."
"Luh. Mag-a-apat na buwan pa lang, e." Tinawanan niya naman ako kaya umakyat na rin ako doon at pumasok sa kwarto. "Ay... mahimbing ang tulog ng baby na iyan." Tinawanan niya 'ko kaya sumilip ako sa crib niya. Gising pala. Scammer. Binuhat ko siya at bumaba na kami. "Ma, hindi pa ba tayo mag-aano ng Christmas tree?" tanong ko.
YOU ARE READING
Stazie's Resentment (Missing You Series #1)
RomanceSi Stazie Fuentes ay isang simpleng babaeng mahal na mahal ang kaniyang ex-boyfriend. Makikilala niya si Archie Lavingco. Tuluyan ba nitong babaguhin ang isipan at nararamdaman niya?