- 4

24 1 0
                                    

"'Nak, nandito si Stazie," pahayag ni Mama na ikinaupo ko nang maayos sa kama.

"Salamat po, Tita. Kakausapin ko lang po saglit si Archie," naiilang pa siyang ngumiti sa Mama ko.

"E, kahit dito ka na matulog ay ayos lang." Napangiti ako nang malawak.

Good job, mamsh!

"Nako, Tita! Baka mawili 'yang anak niyo, masama po." Pareho silang tumawa na hindi ako relate. Hindi naman kasi ako mawiwili?

Konting pang-uuto pa ni Stazie ay tsaka na kami iniwan ni Mama. Wala talagang tiwala si Mama sa mga babae ngayong panahon lalo na't mga kapatid ko ay may mga asawa na maliban sa dalawa. Hindi ko lang alam sa isa at hindi ko alam kung kailan kaming dalawa ni Stay. Hehe.

"Kamusta ka na?" tanong niya habang nilalapag ang mga gamit niya sa maliit kong lamesa sa gilid.

"Saan ka galing?" balik kong tanong sa kaniya. Tiningnan ko ang kabuuan niya. Naka-pantalon siya at maroon na oversized shirt na naka-tuck in at sapatos na puti. Naka-bag pa siyang maliit at may iilang folder na bitbit kanina na ngayon ay nakalapag na.

"Kay Bea, nag-review lang kami." Umupo siya sa dulo ng maliit kong kama at tsaka tumawa. "Kung makapag-tanong ka naman para namang may ginagawa akong masama."

"Hindi naman sa gano'n pero kasi... ano..." Napahawak ako sa batok ko. "Kamusta yung lalaki?"

"Nilalagnat lang."

"Ahh," pagsang-ayon ko na lang. "Hindi naman siya napuruhan." Sinamaan niya 'ko ng tingin.

"Ba't ka may sugat? Tingnan mo may benda ka pa diyan sa ulo mo. May sugat ka pa sa pisngi at sa labi mo," sabi niya habang tinuturo-turo pa yung ulo ko.

"Tunog nangangaral ka naman diyan, malayo naman 'yan sa bituka." Tinawanan ko pa siya.

"Anong malayo? 'Yan nga yung pinaka-mahalagang parte ng katawan natin bukod pa sa puso."

"Mahalaga ka rin naman sa puso ko, ah? Tsaka mahal ka rin nito." Tinuro ko pa ang dibdib ko na nakapagpaiwas ng tingin niya sa'kin at tumayo na agad.

"Saan ka pupunta?" tanong ko nang kunin na niya yung mga gamit niya.

"Sige na, aalis na 'ko. Kinamusta lang talaga kita at mukhang okay ka naman. Medyo naalog nga ata talaga 'yang utak mo," sinabi niya 'yon habang hindi nakatingin sa'kin.

"Ano?" Natawa na lang ako. "Sige, mag-iingat ka sa pag-uwi." Mas lalo akong natawa nang hindi niya na 'ko nilingon pa. Mukhang naapektuhan yata siya sa sinabi ko bwahahahaha!

Gabo kakaiba! Phew! 3 points!

Kinikilig na natatawa na 'ko na natigil dahil sa biglaang pagpasok niya ulit.

"Hindi ka pa pala kumakain..." Agad akong tumayo at kinuha yung pinggan at baso sa kaniya dahil medyo hirap siya.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yan, nandiyan naman si Mama, ah?"

"Hindi rin lahat kailangang gawin ni Mama." Inilapag ko sa maliit na mesa ang pinggan ko nang may ma-realize.

"Ano kamo? Mama?" Tiningnan ko siya at nakatalikod na siya pero hindi gumagalaw. "Bwahahahahaha! Ikaw, ah! Speed ka pala!" Hinampas niya naman ako gamit ang likod ng palad niya.

"Uwi na 'ko." Mukhang nahiya. Pfft.

"Dito ka muna. Kumain ka na ba?" Napatingin ako sa labas. "Masyadong mainit sa labas, ah... inom ka muna." Binigay ko sa kaniya yung baso ng tubig. Nag-aalangan niyang kinuha 'yon pero ininuman rin naman, konti nga lang.

Stazie's Resentment (Missing You Series #1) Where stories live. Discover now