"Sorry po na-late, Ma'am," alangan akong ngumiti habang iniaabot sa kaniya ang project ko.
"Bakit late ka nang nagpasa?" tanong niya habang nasa folder ko nakatingin at chinecheckan.
"Nagka... problema po kasi sa bahay, Ma'am, e," Tinanguan niya lang ako. "Hehehe salamat po!" Masaya kong kinuha ulit sa kaniya ang folder ko nang matapos na siya.
"Maintain your grades, Lavingco Kasama ka pa naman sa achiever." Sumaludo ako sa kaniya habang nakangiti at nagpaalam na rin.
Babalikan ko pa yung bag ko sa room dahil inihabol ko sa kaniya 'tong project sa office nilang nga teachers. Nang makuha ko ang bag ko ay lumabas na rin ako sa school at bumili muna rin ng softdrink dahil uhaw na uhaw na 'ko.
"Uy, par!" Gulat akong lumingon sa tumapik sa'kin. "Buti nakita kita."
"Ha? Bakit? Ano 'yon?" Kunot noong tanong ko at sinenyas pa sa kaniya ang iniinom ko, tumango siya.
"Gusto ko lang sabihing may contest na gaganapin sa susunod na taon, balik ka ba?" Babalik ba 'ko sa grupo nila Toni?
Umiling ako. "Hindi ko alam."
"Sumali ka na! Malaki ang mapapanalunan natin kung mananalo tayo!" Puno ng saya ang mata niya habang sinasabi 'yon. Excited ata siya.
"Pa'no kapag hindi naman nanalo?" Pinanliitan ko siya ng mata.
"Edi... ewan! Haha! At least na-enjoy mo... natin 'di'ba? Tsaka kulang kami ng member, e kaya nag-re-recruit si Master."
"Sige sige. Pag-iisipan ko 'yan, ha?" sabi ko at sumipsip sa iniinom ko. "Uwi na 'ko, ingat ka rin sa pag-uwi," tinapik ko ang balikat niya at nginitian siya.
"Nag-aaral ka pala ulit? Nice!" Napalingon ulit ako sa kaniya at tuwang-tuwa ang reaksyon niya na may pagkamangha.
"Ngayon mo lang nalaman?" natatawang ani ko.
"Ngayon ko lang napansin, baliw. Haha! Mabuti 'yan, mag-aral ka... pero 'wag mong kakalimutan, ha? Yung sa sayaw."
"Hahaha sige sige. Una na 'ko." Tinapik niya ang balikat ko kaya sumaludo na 'ko sa kaniya at madaling umuwi sa bahay.
"Hi, baby Carl!" natutuwang bati ko at pinindot ang pisngi niya, tumawa naman siya kaya binuhat ko na.
Tumingin ako sa paligid at maingay sa kusina. Paniguradong nagluluto si Mama at abala tsaka mukhang may kausap pa. Sinong katulong no'n magluto? E, nandito si Dete at naglalagay ng lobo sa pader.
"Oh... happy sscond month baby Carl..." Nakangusong ani ko, nafpapa-cute din. Pinindot ko ulit ang pisngi niya at pagkatingin ko sa diaper niya... ay shet. Tumae! Agad ko na siyang binaba sa sofa at binaba ang bag ko tsaka ako kumuha ng wipes, pulbo at diaper para linisan siya.
"Abunjing bunjing... pogi mo ngayon tapos tatae ka lang?" Tinawanan lang ako. Psh.
"Si Ate ba pupunta?" tanong ni Diko na ang kinakausap ay si Dete pero ang tinutukoy ay si Ate Grace.
"Hindi ko alam, sinabihan na siya ni Mama. Ewan ko lang kung pupunta nga siya," sagot sa kaniya nito habang abala sa pagkabit ng kung ano-ano sa pader.
"Tigas ng bungo," singhal ni Kuya at humithit sa sigarilyo niya. "Iniwan yung anak dito. Sabi lang hahanapin yung Tatay... o baka si Gab talaga ang Tatay?" biro niya na tinawanan naman ni Dete.
YOU ARE READING
Stazie's Resentment (Missing You Series #1)
Storie d'amoreSi Stazie Fuentes ay isang simpleng babaeng mahal na mahal ang kaniyang ex-boyfriend. Makikilala niya si Archie Lavingco. Tuluyan ba nitong babaguhin ang isipan at nararamdaman niya?