- 15

5 0 0
                                    

"Bwisit. Ba't ka nanghahagis ng tsinelas?!" Magkasalubong ang kilay na sabi ni Heaven. Nag-peace sign naman ako na walang reaksyon.

"E, nag-ki-kiss kayo, e!" Natatawa ako sa itsura niya. Inis na inis.

"Hello, Tita," aniya ng kaibigan ni Heaven at nag-mano sa Mama ko pero siya ay hindi natinag at lalong nagsalubong ang mga kilay niya.

"Topak! Tinatanggal niya lang yung pilikmata sa mukha ko!" Sinuko ko na lang ang parehong kamay ko habang tumatawa.

Lumapit ako kay Carl na mag-pi-pitong buwan na ngayong May. Sa ngayon ay nakikita ko ang matangos na ilong niya at sure akong mas tatangos pa kapag lumaki siya. Matambok nga lang ang pisngi niya kaya ang sarap panggigilan.

Naglalaro siya ng kotse-kotsehan habang nakahiga at may patopat sa bibig. Pinisil ko ang pisngi niya dahil sa ka-cute-an niya at ngumiti naman siya. Ang cute talaga!

"Gusto mo na bang magka-anak?" tanong ni Mama. Natawa ako at napatingin kay Stay na nakikipag-usap kay Bea habang nakaupo sila sa sofa.

"Kung gusto ni Stay," Ngumisi ako. "'Di'ba, Stazie?" Napatingin siya sa'kin nang nagtataka at alanganing tumango. "Oh, oo daw! Hahaha! Aray ko!" Napahawak ako sa ulo ko nang batukan ako ni Mama.

"Subukan mo lang talaga at pipisilin ko 'yang itlog mo!" Pananakot pa niya.

"Mama naman... itlog na nga lang malaki, e." Nag-si-tawanan sila at grabe makatawa si Bea at Heaven.

"Kumain muna kayo bago lumakad, ha?" sabi ni Ate Grace sa kanilang apat, tumango naman ang mga ito.

Nag-pa-deliver na lang sila. Yaman, e 'no? Ewan ko kung sinong nag-bayad. Ba'la sila diyan. Basta ako kumakain.

Nang matapos naman kaming kumain ay tumulong sila sa pagligpit, sinusuway na nga sila, e. Baliw talaga 'tong mga 'to. Hinatid ko sila sa apartment ni Bea dahil doon daw muna.

Nakakapagtaka lang yung sumunod na eksena. Nakita ko na naman yung naka-face mask na lalaki at naka-cap, halatang may sinasabi sa buhay kung manamit siya.

Lumapit siya kay Bea at may sinabi tsaka ito hinalikan sa noo at saglit na niyakap. Napanganga lang si Bea hanggang sa makalabas ang lalaki.

Confirm nga? Boyfriend niya 'yon?

"Gusto niyo ba ng kape? Juice?" tanong ni Bea, halatang iniiwasan na makapagtanong kami ro'n. Natawa lang kami ni Stazie sa kaniya, happy, e.

"Gusto ko ng tulog, hindi ako pinatulog ng kaibigan mo, e," sabi ko sabay tawa.

"Edi matulog ka, sino bang pumipigil sa'yo?" natatawa ring sabi niya.

"Labas ako diyan," sabi naman ni Stay at nilapag ang bag sa sofa at naupo. Nakakapagod nga talagang mag-byahe.

Nang pumunta si Bea sa kusina ay nagmadali akong tumabi't humiga sa hita ni Stay. Gulat at parang nanigas naman siya, nanalalaki pa ang mata. Nakangiti kong pinikit ang mga mata't pinag-krus ang mga braso.

"B-Baliw ka na ba?" angal niya.

"Inaantok lang, pahiga muna." Napabuntong hininga na lang siya at hindi na nag-reklamo. Katahimikan na naman ang pumagitna sa'ming dalawa. Pero hindi naman nakakailang.

Maya-maya lang ay pinaglalaruan niya na ang buhok ko hanggang sa makatulog na rin ako. Nagising na lang ako agad nung maramdaman kong umaalis siya. Napadilat ako ng isang mata nang makatayo na siya at palitan ng unan ang kaninang hitang hinihigaan ko.

Stazie's Resentment (Missing You Series #1) Where stories live. Discover now