- 14

3 0 0
                                    

Third Placer kami. Hindi na rin masama para sa 50, 000 pesos 'no? Kaso sayang pa rin talaga!

"Congrats, anak," bati ni Mama. Niyakap ko naman siya at masayang hinalikan sa pisngi.

"Thank you, Mama! Uy, thank you sa inyo! Dabes talaga kayo!" Nag-si-tawanan sila at inakbayan ako ni Kuya.

"Dahil diyan, kakain tayo." Kinindatan niya pa 'ko. Na-miss ko si Kuya.

Close naman kasi kami talaga dati kaso dami ring issue sa kanilang apat kaya parang nagsilayuan ang mga loob nila sa isa't isa, tapos ako rin.

"Sabi mo 'yan, Kuya, ha?!" Nakangisi siyang tumango.


"Tsaka... isama natin 'tong girlfriend mo, okay ba 'yon?" Nginuso pa niya si Stay na nag-iwas ng tingin at pasimple naman siyang tinutukso ni Ate. Hinampas ni Dete si Kuya.

"Hindi niya jowa 'yan."

"Excuse me po? Hello?" Nag-mano siya kay Mama. Napatingin kaming lahat sa kaniya. "Hello po. Girlfriend po ako ni Gab." Pakilala niya na ikinalaglag ng panga naming lahat.

"Ha?! Girlfriend mo?!" gulat na sabi ni Dete at Bea. Nag-aalangan akong ngumiti at baka masaktan at mapahiya si Dimple.

"Usap lang po kami, Ma," Hinila ko na agad siya at dinala sa wala masyadong tao. "Bakit naman gano'n ang sinabi mo sa kanila?" Magkasalubong na ang mga kilay ko.

"Bakit bawal? Si Ate Stazie ay kilala nila tapos akong mahigit tatlong buwan mo nang ka-MU ay hindi pa?" Mas nagsalubong pa ang kilay ko, hindi makapaniwala sa sinasabi niya.

Hindi ko alam na inaasam niya pala ang ganito...

"Hindi pa naman kita nililigawan," alanganing sagot ko pero ngumiti lang siya.

"Kaya nga nagpakilala na 'kong girlfriend mo 'di'ba? Hindi mo na kailangang manligaw, Gab." Akmang hahalikan niya 'ko pero umiwas ako ng tingin at doon... nakita ko si Stay na nakatingin sa'ming dalawa.

Napanganga ako.

"Ayaw mo ba 'kong maging girlfriend, Gab?" Napatingin ako ulit sa kaniya.

"H-Hindi..." Napatingin ulit ako kay Stay at naglalakad na siya palayo.

"Siya 'no? Siya yung kasama mo sa sinasabi mong emergency?! Ang landi!" inis na inis niyang sabi.

"'Wag... 'wag mo siyang pagsalitaan ng gano'n dahil wala ka namang alam sa'ming dalawa." Malamlam ko siyang tiningnan, ang tapang ng itsura niya.

Pa'no ko ba pipigilang sumabog? Ang haba ng pasensya ko pero pagdating dito kay Dimple at ginagano'n niya si Stay ay nawawalan na lang bigla.

"Gusto mo ba siya?" Umiling ako. "Mahal mo?" Hindi ako sumagot. Tumingin siya sa sahig, nag-buntong hininga. Tumingin siya ulit sa'kin. "Ano lang?" Umiling ulit ako, kasabay ng pag-iling na 'yon ay ang pagtulo ng mga luha niya.

"Sinungaling ka! Lahat ng ginawa mo puro pagsisinungaling!" Hinampas-hampas niya ang dibdib ko kasabay ng paghagulgol niya. "Anong tingin mo sa'kin joke lang?!" Napatitig ako sa kaniya.

"N-Nakakasakal ka..."

Napauwang ang labi niya.

"Nakikipag-kompitensiya ka sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawa sa'yo. Lagi na lang... gusto mong nasa 'yo ang oras ko. K-Kailangan ko rin naman ng time para sa sarili ko," nag-iingat kong pag-sagot.

Stazie's Resentment (Missing You Series #1) Where stories live. Discover now