Gabil Archie
"Anak, nandiyan na bumbay mo!" Napakamot ako sa ulo ko dahil sa isinigaw ni Mama.
"Sabihin mo bukas na lang, Ma!" mahinang sigaw ko at pinanlakihan siya ng mata. Tinawanan niya ako.
"Oh, bigay mo," sabay abot ni Mama ng bente. Lumawak naman ang ngiti ko at kinuha 'yon tsaka lumabas agad.
"Akala ko 'di ka bayad, ih," sabi ng utol ko. Nginitian ko naman siya at binigay ang notebook ko para sa pag-lista ng nabayaran ko.
"Nandiyan na ba?" tanong ko.
"Kojic mo? 'Di pa, ih. Bukas pa dating order mo."
"Sige sige, salamat."
"Sige, 'lamat den." Umalis na rin siya agad at nakita ko naman si crush na naglalakad. Nagkatinginan kami kaya nginitian ko siya nang malawak pero umiwas siya ng tingin at mabilis na nakalayo.
"Nag-bi-binata na talaga ang anak ko," nakangiting sabi ni Mama. Hinarap ko naman siya at tumalon-talon.
"Ma... kinikilig ako..." Halos pigilan ko ang pag-sigaw dahil sa nararamdaman ko. Natawa naman siya.
Kinabukasan.
"Dalhin mo na 'to sa palengke." Abot ni Mama sa mga gamit niya. Madaling araw pa lang naman at nakita ko na agad siya! Sa tingin ko rin ay hindi pa natutulog si crush kaya nasa labas ng ganitong oras.
"Ma..." tawag ko sa kaniya habang naglalakad kami. Tumingin naman siya sa'kin nang nagtatanong. "Mag-aral na kaya ako 'no?"
"Ngayon mo lang naisip 'yan?" Natawa naman ako. "Pero tsaka na at akala ko ay wala ka nang balak mag-aral kaya wala pa tayong budget para diyan." Nag-kibit-balikat na lang ako at nag-iisip na kung anong maganda at pwedeng gawin.
Nang makarating kami ni Mama sa palengke ay nag-ayos na kami ng mga gamit. Nagtitinda kami rito ng tilapia at kung minsan ay tumutulong ako kay Mama pero madalas talaga 'yon, hindi lang minsan. Ngayon lang ay napapadalas ang pag-takas ko hehe.
"Buntis ang Ate mo..." Napabuntong hininga siya habang inilalatag ang mga tilapia sa sementong mesa namin. "Kaya ikaw kung balak mong mag-aral, mag-aral ka na lang at gawing inspirasyon 'yong babaeng nagugustuhan mo." Nangangaral na sabi niya habang wala ang paningin sa'kin.
"Si Mama istrikta na naman. Tignan mo, tignan mo, oh! Yung kilay mo nakataas na naman!" Natatawang ani ko at inayos ang kilay niyang may kakapalan.
"E, nako! Baka mabuntis mo pa 'yan kung sakaling maging girlpren mo, ano?" Nagpameywang siya. "Wala tayong pera, anak. Naghihirap na nga tayo ngayon, may balak ka pang pahirapan lalo ang buhay natin." Umiling-iling na lang ako.
"May voucher naman na po yung school namin 'di'ba, Ma? Doon na lang rin ako mag-aaral ng Senior High. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng school, Ma, e sa private school mo pa ako pinag-aral?"
"Ayos lang iyon, ano ka ba? Magandang maranasan mo rin ang dalawang uri ng paaralan. Tsaka natira namang pera 'yon ng ama mo kaya ayos lang. Tandaan mo, kahit mahirap tayo, marami akong ipon sa bangko."
"Ma, naman!"
"Oh, ano?" Natatawang tanong niya pa.
"E, sana hindi na 'ko nangungutang kay pareng bumbay ko, Mama!" Kamot-kamot ko ang ulo ko sa panghihinayang. Si Mama kasi, e!
YOU ARE READING
Stazie's Resentment (Missing You Series #1)
RomanceSi Stazie Fuentes ay isang simpleng babaeng mahal na mahal ang kaniyang ex-boyfriend. Makikilala niya si Archie Lavingco. Tuluyan ba nitong babaguhin ang isipan at nararamdaman niya?