Sabi ni Diko nag-pa-checkup siya sa doktor noon at nalamang may Stage 1 Lung Cancer siya at hindi talaga ako makapaniwala. Maging ako ay natataranta na hindi ko malaman.
Nagalaw na rin niya yung ipon para sa pagpapakasal nila ni Ate Mikha pero hindi alam ni Ate na may ipon siya. Natanggal siya sa trabaho niya dati dahil hindi niya na nagagawa nang maayos na baka makasama pa daw sa company dahil medyo bago pa ay babagsak na agad nang dahil lang sa pagkakamali niya.
Hanggang sa lagi na lang silang nag-aaway ni Ate Mikha tungkol sa pera. Lagi ring umaalis si Diko at hindi nagpapaalam. Tulog na si Diko ngayon kaya naman tinawagan ko si Mama. Lumabas ako para hindi siya magising.
"Oh? Napatawag ka?" Napakagat ako ng labi. Bigla akong kinabahan.
"Ano kasi, Ma... si Diko kasi."
"Nagloko? Ano? Sabihin mo na at may gagawin pa 'ko."
"May Cancer si Diko."Nanahimik saglit ang kabilang linya.
"Naku! 'Wag niyo nga akong niloloko, uso prank ngayon, prank ba 'yon. Basta, iyon! 'Wag ako. Sige, ibababa ko na. Baka malaglag 'tong si Carl, nagtitimpla ang Ate mo ng gatas."
"T-Totoo nga, Ma!"
"Aba'y sinisigawan mo ba 'ko, loko ka!" Napahinga ako nang malalim.
"E, pa'no naman kasi ayaw mong maniwala. Nag-away pa si Ate Mikha at Diko kanina dito. Nag-sampalan!"
"Parang sira ang ulo ka naman mag-kwento, jusko."
"Punta ka dito, Ma, ha? Samahan mo si Diko mag-pa-checkup."
"Si-ge, sa martes... pupunta ako."
"Sabi mo 'yan, Ma, ha. Umiiyak siya kanina, e."
"Sige at ibababa ko na."
"Bye."
Kinaumagahan ay chinat ko na lang si Diko na may pagkain sa mesa dahil papasok na 'ko. Sana mabasa niya.
"Oy, kanina ka pa tulala diyan!" Napabaling ako ng tingin sa katabi ko, si Dimple na kaklase kong babae. "Nakaalis na si Ma'am, nagsusulat ka pa rin?" Napatingin ako sa desk ko.
"Ah..."
"Recess na, hindi ka ba kakain? Absent bessy ko, e. Sabay na tayo." Ngumiti pa siya sa'kin na tinanguan ko na lang. Kung hindi niya sinabing wala siyang kasama edi mag-i-stay sana ako sa kinauupuan ko.
Hanggang sa canteen ay kinakausap niya ako. Sinasagot ko naman siya kapag nagtatanong, tumatawa naman ako kapag nagbibiro siya. Ngayon ko lang na-realize na madaldal pala talaga siya.
Maganda rin naman siya. Matangkad, may bangs, mahaba ang straight na buhok, sakto lang ang puti, parang rabbit ang ngipin pero pantay at mapuputi, may biloy sa magkabilang pisngi niya, sakto lang ang tangos ng ilong, sakto lang ang hugis ng mata, medyo makapal ang kilay.
Ang alam ko rin ay marami ang nanliligaw sa kaniya. Maganda rin naman kasi ang katawan niya.
"Aattend ba mamaya si Audrey sa practice?" tanong ko dahil kasama sa'min yung kaibigan niya. Siya lang yung babaeng member sa'min.
"Ah, ewan ko lang, e. Wait, i-chat ko." Tinapos ko na lang ang pagkain ko habang hinihintay siyang matapos sa pag-chat pero tumatawa pa siya habang nakatutok sa cellphone niya, kinikilig pa ata.
"Kumain ka muna," puna ko sa kaniya dahil malapit nang matapos ang recess namin.
"Okay." Hinintay ko siyang matapos kumain. Iniisip kong si Stazie siya. Mabagal silang kumain, e. Wala sa loob na natawa ako.
YOU ARE READING
Stazie's Resentment (Missing You Series #1)
RomanceSi Stazie Fuentes ay isang simpleng babaeng mahal na mahal ang kaniyang ex-boyfriend. Makikilala niya si Archie Lavingco. Tuluyan ba nitong babaguhin ang isipan at nararamdaman niya?