Balik bahay na naman. Balik aral. Tapos na ang bakasyon na hindi ko masyadong naramdaman at siguro tatapusin ko na rin yung koneksyon ko kay Stazie. Wala na pre. Olats na tayo.
Tsaka... napagtanto kong nag-aral ako ulit dahil sa kaniya pero pinagpapatuloy ko pa rin ngayon para na sa sarili ko at hindi pala para sa kaniya.
Yung pagbabago ko, siya lang yung dahilan pero ginusto ko ring magbago para sa sarili ko. Pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko dahil gusto kong may marating ako. Hindi ko na siguro kailangang maghabol sa kaniya dahil isinasantabi naman niya ako palagi, iniiwang palagi.
Ang dami kong na-realize nung pag-uwi ko. Ang dami ko na kasing oras para sa sarili kong makapag-isip ng mga bagay-bagay. At ang masasabi ko lang ay nakatulong talaga sa'kin na mapalayo ako sa kaniya sa dami kong natutunan. Nakaya ko namang hintayin siya noon ng limang buwan at kaya ko na ulit siyang hintayin kahit isang taon pa.
Haysss! Bakit ba kasi ganito ang epekto sa'kin ng Stazie na 'yon?! Sino ba siya, ha?! Nagbigay-bigay motibo tapos mahal pa rin pala yung ex niya? Parang unfair, amp!
Tss.
Pumayag na nga rin pala akong sumali sa competition sa sayaw na inalok sa'kin ni Toni. Kaya malaking bagay na nakakapag-distract sa'kin ngayon 'yon.
Sa umaga papasok, sa pag-uwi o hindi kaya sa gabi ay gagawa ng assignment. Alternate naman ang araw ng practice namin at weekend ay wala kami kaya ngayong sabado ng gabi ay nakatambay ako sa tindahan.
"Nakaka-miss ka, boss, ah!" sabi ni Danilo habang kumakain ng chichirya.
"Tumatangkad ka, ah!" puri ko sa kaniya.
"Pumuputi ka, boss. Anong gamit mong sabon?" tanong ni Ian.
"Naghihilod ka pa rin ba, retsam?" Tenten.
"Aba'y syempre. Kailangan 'yon sa pang-araw araw na buhay 'no. Kayo ba kamusta? Ngayon na lang ulit ako nakatambay dito."
"Busy ka, e! Pero eto, ayos naman. Nag-aaral nang mabuti," mayabang na sabi ni Ian.
"Woahhh! Bagsak ka nga, nakita ko card mo!" pambabara ni Tenten sa kaniya.
"Ikaw nga nag-cutting, e. Nahuli ka ni Ma'am Pally! Hahaha!" Magkaklase sila ngayong grade 10.
"Magkaklase ba kayo?" tanong ko. "Tsaka masungit pa naman si Ma'am Pally, baka ibagsak kayo no'n haha."
"Hindi, ah. Ang bait nga no'n sa'min, e. Nauto kasi ni Ian," sabay tawa pa ni Tenten.
"Alam ko na talaga paglaki ni Ian, maraming babae 'to," sabi ni Chito.
"Buti ako mabait," singit ni Danilo.
"Tara, laro na lang tayo sa comp shop," aya ni Chito. "Sama ka na, Dan. Libre kita."
"Nako. 'Wag na, baka pagalitan 'yan ng Nanay niya," sabi ko.
"Wala na si Mama diyan, boss. Sumama na sa iba. Tara, comp shop na tayo, may pera naman ako lilibre mo pa 'ko, Chito hahaha." Natahimik naman ako.
Wala na pala akong balita sa kanila masyado. Oo nga't nasa iisang lugar lang kami at nagkikita-kita pa rin naman at nagngingitian bilang batian pero wala naman akong nababalitaang gano'n dito. Ang dami-daming chismosa sa'min pero hindi ko nalaman?
Sumunod na rin ako sa kanila sa paglalakad at mukhang matagal na nilang alam yung balita kaya parang wala na lang sa kanila.
Nakatingin ako sa cellphone ko at nakatambay sa gallery. Naka-save sa'kin yung mga picture namin ni Stay nung isang taon. Isang taon na pala... ang bilis talaga.
YOU ARE READING
Stazie's Resentment (Missing You Series #1)
RomanceSi Stazie Fuentes ay isang simpleng babaeng mahal na mahal ang kaniyang ex-boyfriend. Makikilala niya si Archie Lavingco. Tuluyan ba nitong babaguhin ang isipan at nararamdaman niya?