Chapter 1: The Beginning

63 3 0
                                    

      Summer vacation noon. I was five years old back then and it's a breezy monday morning in our subdivision when I woke up early for some reason na hindi ko naman alam. Parang may mangyayari ngayong umaga na hindi ko mawari kung ano.

      Then, it finally came. The house beside ours was sold to a couple at ngayon ay may naka parada nang sasakyan sa tapat noon. Sumilip ako sa bintana ng bahay namin to check them. May lalakeng lumabas sa sasakyan and looked at the house in front of him. He looks cool and handsome in every way. Maganda sya manamit at may hubog ang katawan nya. Then nasundan sya ng isang babae. Mga kasing edad lang nung lalakeng unang lumabas at tulad nya ay nagtataglay din ito ng kagandahan. Narinig ko si mommy sa kusina...

     "Dave, punta ka nga muna dito." sabi ni mommy na agad ko namang sinunod.

     "Bakit po ma?" sagot ko pagkalapit ko kay mommy.

     "Mukhang andyan na ang bago nating kapitbahay anak. Tara samahan mo ako at makipag kilala sa kanila." sabi nya habang may inihahanda sa kanyang paboritong lutuan. Mahilig talaga si mommy magluto and for me she's the best chef I would ever know.

     Pagkatapos nya sa ginagawa nya ay nagtanggal na sya ng apron nya and I followed her palabas ng bahay. Naabutan naming nagbababa na ng gamit ang mag asawa ng mapansin nila kaming papalapit.

     "Hi! Ako nga pala si Mylene delos Santos. Dyan ako nakatira sa kabilang bahay. Natutuwa ako at sa wakas ay may kapitbahay na kami." sabi ni mommy nang makalapit kami. Ginantihan naman sya ng ngiti ng mga estranghero sa harap namin at nagpakilala.

     "Ako si John de Guzman at sya naman si Mae, ang aking asawa. Natutuwa din kaming makilala ka Mylene." sabi nung lalake sabay harap sa asawa nya.

     "Nakakatuwa naman at mabait ang naging kapitbahay natin hon." dagdag nya.

    "Ahh, eto pala oh. Niluto ko yan para sa bago kong mga kapitbahay." sabi ni mommy sabay abot ng isang tupper ware na may pagkain.
"Lasagna yan. Sana magustuhan nyo." dugtong nya.

     "Wow, salamat Mylene. Naku, nag abala ka pa. Pero salamat ulit. Alam mo paborito ito ng anak namin. Teka tatawagin ko sya..." si May.

   "Allen, anak, labas ka nga muna dito anak at makipagkilala ka sa bago nating kapitbahay."

    Pagtawag nya sa tao sa loob ng sasakyan. Di rin naman nagtagal ay may lumabas na bata sa likurang bahagi nito at naglakad papunta sa mag asawa.

"Eto nga pala si Allen. Ang aming anak." pagpapakilala ni May.

  "Aba naman. Ang gwapo naman ng batang ito. Hi bunso, ako nga pala si mommy Mylene. Ang bago nyong kapitbahay.." sabi ni mommy sabay luhod para mahawakan yung bata sa harap namin.

Nakatingin lang ako sa batang iyon nung time na yun. Pinag aaralan lahat ng ikinikilos nya. Lahat ng kung anung meron sa kanya. Gwapo nga sya. Maganda ang pananamit nya at napansin kong nay hawak syang teddy bear sa kanang kamay. Nang tumingin ako sa mukha nya ay dun ko lang napansin na nakatingin na din pala sya sa akin. Nang mapansin ni mommy na nakatingin sakin yung bata ay agad syang tumayo at lumapit sakin.

  "Ahh, May, John, at Allen, eto nga pala ang anak ko. Si Dave." pakilala sakin ni mommy.

Pagkasabi noon ay biglang lumapit sakin si Allen.

  "Hi, ako si Allen 6 years old. Ikaw si Dave diba?" tanong nya.

  "Oo ako nga." maikli kong sagot.

  "Gusto mo bang maglaro? Samahan mo ko, laro tayo ng mga trucks ko sa sasakyan dali na..."  Sabi nya sabay hila sa kamay ko. Pangiti ngiti lang ang mga magulang namin noon...

  "Mukhang napakabait naman ng inyong anak. Aba't gwapo din. Magkakasundo sila ni Allen." Narinig ko pang sabi ni John sa mommy ko.
"Nga pala, nasan ang mister mo? Nasa trabaho ba sya ngayon?" tanong naman ni May.

  "Oo. Sa abroad sya nagtatrabaho ngayon kaya kami lang dalawa ni Dave ang nakapagpakilala sa inyo." sagot ni mommy.

  "Ano gusto mong laruin? Andito lahat ng toys ko. Pumili ka lang." sabi ni Allen pagpasok namin sa sasakyan nila.

  "May kapatid ka ba? Asan tatay mo? Bakit nanay mo lang kasama mo?" sunod sunod nya namang tanong.

  "Wala ako kapatid. Anong tatay? Nanay?" sagot ko naman. Hindi ko maintindihan ang tanong nya.

  "Ahh, nanay as in mommy and tatay as in daddy. Yun."

  "Nasa malayong lugar si daddy. Kaya kami lang dalawa ni mommy ngayon."

  "Ahmm, ok... Tara laro na tayo."

  "Bakit nanay at tatay ang tawag mo sa moomy at daddy mo?"
  "Hmm, wala lang... Mas gusto ko iyon eh."

  Marami pang pinag usapan ang mga magulang namin nung araw na iyon. Tumulong na din si mommy sa pag aasikaso ng mag asawa sa pag aayos ng bago nilang bahay. Samantala, maghapon naman kaming naglaro at nagkwentuhan ni Allen.

  Nung araw na iyon. Nagbago na lahat. Nagkaroon ako ng mas nakatatandang kapatid. Kalaro. At karamay sa lahat ng problema. Naging matalik ding magkakaibigan ang mga magulang namin. Nang malaman kong mag aaral na sya sa elementary ay pinilit ko na din mag aral sa elementary. Gusto ko maging magkaklase kami. Gusto ko sya lang lagi kong kasama. Kasi nga kapatid ko na sya.

  Lagi kaming sabay pumasok sa school. Share kami ng baon na lunch. Dati nung may nang away sakin sya ang nagtanggol sakin. Nandoon yung time na nakipag away sya dahil inaasar ako ng mga kaklase namin na bading daw ako. Nakipagtalo pa sya noon at nang my dumating na teacher ay yung mga kaaway pa namin ang napagalitan. Nang makalabas kami ng school ay nag aabang na pala sila sa amin. Di na kami nakatakbo noon kaya nakipag laban na kami. Umuwi kami noon ng gusot ang mga damit at maduming madumi. Syempre napagalitan kami pareho pero di namin yun inintindi. Okay lang. Magkasama naman kami eh.

Lumipas ang mga taon. Lalo pa kaming napalapit sa isa't isa. At dahil sa matalino kami ay grumaduate kami  na Valedictorian at Salutatorian sa school na pinasukan namin.

  Sa high school iisang paaralan padin ang pinasukan namin... Sa high school, dun na magbabago lahat...

****
Author's note:

   Hi! Sana nagustuhan nyo to... Please vote for it and if you are up to it, you can leave your comments in my message box. Thank you po!! ^3^

  ~Kuya EROS

The Day We Both CriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon